DOMINIC'S POV
Hindi ko parin alam kung bakit sinasabi nila na tanga at bovo ako na andali lang ako paikutin ni Amber, anong alam nila na hindi ko alam? anong meron kay Amber?
Gusto kong tanungin si Amber tungkol sa mga bagay na yun pero paniguradong magagalit lang siya sakin.
Ayonong paghinalaan ang babaeng gusto kong pakasalan at makasama habang buhay.
"Hi babe" bati ni Amber sakin at agd akong Hinalikan.
"Babe, can i have a favor?" she asked. Tunango tango naman ako bilang sagot.
"Meron kase kaming outing bukas with girls, if okay lang sayo na.." diko na siya pinatapos at agad na siyang pinayagan.
Ayoko namang magalit siya sakin at sabihan ako na ayoko siya maging masaya.
"Anyways, ngayon nga pala yung scehdule ni Mom sa dialysis niya.. sasama ka ba?" tanong ko kay Amber, agad naman siyang umiling na siya namang ikinalungkot ko.
"Magpapahinga na muna ako" sagot niya.
Tumango nalang ako bilang pagsang ayin at agad ng umalis.
Iniwan ko muna sa condo si Amber at ngayin ay pupuntahan ko si mom para samahan sa dialysin niya.
"Hi mom, ready for today?" bungad ko kay mama ng makarating ako sa bahay niya.
"Asan si Amber?" tanong naman ni mom. paniguradong mahabang diskeisyon nanaman ito.
"Hindi mo nanaman kasama? parang ayaw yata akong nakaksama ng fiancé mo ha?" ani mom na ikinalunok ko ng laway kk.
"Hindi naman sa ganon, she's so tired alam mo aman ang mga pinagdaanan niya this past few days. kaya bumabawi lang siya " palusot ko naman.
Nagmaneho na ako patungong hospital, ayaw kasi ni Mom magpadialysis kapag hindi ako kasama.
Nang makarating kami sa hospital ay pinauna ko na si Mom at ang personal nurse niya, naghanap muna ako ng CR at ng may makita ako ay agad na akong pumasok.
Nang makalabas ako ay agad na akong naglakad patungo sa office ni Doc Mariano. Habang naglalakd ay bigla akong napatago sa isnag corner at pinagmasdan ngayon ang babaeng lumabas sa isang OB room.
"Amy?" bulong ko sa sarili ko.
wait... she's pregnant?.
----
AMYTHIST POV.
Halos mag iisang buwan na mula nung huli kong nakita si Amber at Dom, kamusta na kaya sila? niloloko parin kaya ni Amber si Dom?
Suminghap ako ng sariwang hangin, ang sarap sa pakiramdam na payapa ang mga ara na lumipas. Halos mag iisang oras narin akong naghihintay kay Trisha para sunduin ako dito sa park, pero hanggang ngayon wala pa rin siya.
"A-amy?" nanayo bigla ang balahibo ko ng marinig ang boses na tumawag sakin ngayon, bakit siya nandito?
Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilingon siya, di nga ako nagkamali.
"Oh, Dom i-ikaw pala? a-anong ginagawa mo dito? di mo ata kasama si Amber?" tanong ko sakaniya, iniiwasang mapansin niya ang kaba ko.
"ahmm, na... nakita kasi kita kanina, kaya sinundan kita dito." sagot niya.
San niya ako nakita?
"H-ha?" taka kong tanong.
"Galing ako hospital, sinamahan ko magpadialysis si Mom, and nakita kitang lumabas sa isang OB room... a--are you pregnant?" nanuyo bigla ang lalamunan ko sa litanya ni Dom, hindi. ayokong ipaalam sakaniya na buntis ako.
"Ahhh, kaya pala. Hindi ako buntis don't worry.. Inutusan lang ksi ako ni Trisha na kunin yung result ng Ultrasound niya.. that's it." kalmado kong sagot.
"Oww... i see, so si Trisha ang buntis?" tanong niya. Di ba pwedeng umalis na lang siya?
"O-oo.." tipid kong sagot.
"E ba't hindi si Trisha ang kumuha? bakit kailangan ikaw?" tanong pa ulit nito.
"Ba't ba ang dami mong tanong?" di ko na napigilang magsungit.
"Ow.. I'm sorry... Aalis na ako, take care of yourself" litanya nito at umalis na.
Mabuti nalang at umalis na siya, kung hindi ko siguro siya sinungitan hindi siya titigil kakatanong..
"Hala mare, psensya na ngayon lang ako grabe kasi yung traffic, kanina ka pa ba jan?" tanong ni Trisha sakin at tumango naman ako.
"Oh bat ganyan itshura mo? may problema ba?" tanong niya. Napansin oa talaga niya itshura ko.
"S-si Dom kase.." hindi pa man ako tapos magsalita ay pinutol na agad nya to.
"Halika na uwi na tayo, may nadaanan pala akong restau jan, nagugutom ka na ba? ako kasi nagugutom na kain muna tayo okay?" pang aaya niya at pinapasok na ako sa kotse nya.
Grabe ha, parang walang narinig Haha.
---
DOMINIC POV.
"Yes, she's my patient." halos mamilog ang mata ko sa sagot ng OB ni Amy.
"You mean, she's pregnant?" tanong ko at bahagyang napalunok.
"Yes, she's 7 weeks pregnant. Hindi mo alam? you said that she's your girlfriend tapos hindi mo man lang alam na buntis ang girlfriend mo?" she asked.
"Ano kase wala pa siyang nababanggit sakin" sagot ko. kapag kasi di ko sinabing Girlfriend kosi Amy hindi niya ibibigay ang information niya sakin.
Bakit hindi sinabi ni Amy sakin na buntis siya? ako kaya? 7 weeks? nung gabing na hospital siya buntis na siya? nung nadetaine siya? buntis rin siya? ba't di niya sinabi sakin na nabuntis ko siya? bakit?
Tulala akong naglalakad sa hallway ng hospital ng hindi na makaya ng utak ko ay sumandal na muna ako sa pader.
"Mr. Montevantez?" dinig kong tawag sakin, ng lingunin ko ito ay laking gulat ko ng makilala ang tao na nasa harapan ko ngayon. Siya yung Doctor ni Amy nung dinala ki siya rito non.
"D-doc kayo ho pala." nakangiti kong bati, Nginitian niya ako at tinao ang balikat ko.
"How's your girl? kailan mo balak pakasalan ang magiging mommy ng anak mo?" masaya nitong tanong.
"Kaya ka ba nandito? nagpacheck up ba kayo?" tanong niya ulit. Ngumiti ako at tumango, ibig sabihin alam niya rin na buntis si Amy at ako lang ang walang alam?
"Sige na, mauna na ako at may pasyente pa ako" Pagpapaalam niya tinanguan ko naman siya at nginitian.
Ayokong malaman ito ni Amber, baka pag nalaman niya ay paniguradong magagalit at masasaktan siya, and worst baka hiwalayan niya pa ako.
--
Matapos kong samahan si Mom magpadialysis ay nagpaalam na ako sakaniya, baka naiinip na si Amber sa Condo.
Habang nagmamaneho ako ay biglang kumalam ang sikmura ko, paniguradong gutom narin si Amber kaya mag ddrive thru nalang ako di pa naman marunong magluto si Amber tulad ni Am.. nevermind.
Ang dami ko ng nadaanan na Fast food chain pero di ko trip ngayon ang ganon kaya naman naghanap nalang ako ng restaurant para mag take out nalang.
Nang may makita akong restau ay agad na akong bumaba sa kotse, papasok na sana ako ng may makita akong pamilyar na tao sa loob.
Si Amber ba ito? o si Amy?
Hindi ko alam kung sino sakanilang dalawa ang nasa loob at may kasamang lalaki, kung si Amber yun hindi ko alam ang gagawin ko..
Bumalik ako agad sa loob ng kotse ko at tinawagn si Amber habang nakatingin sa loob ng restau.
Halos gumuho ang mundo ko ng makita kong dinampot niya ang phone niya kasabay non ang pagsagot sa tawag ko.
"Hello babe, san ka na ba? kanina pa ako naghihintay sayo dito" bungad niyang sagot sakin.
"Pauwi na ako, malapit na ako." sagot ko.
Nakita ko ang pagmamadali niyang tumayo, ganoon rin ang lalaki at paglabas nila sa restau ay sumakay ito sa isang kotse.
Bumaba ako sa kotse ko at agd na pumara ng taxi.
"Pakisundan ang kotse na yun" saad ko sa driver at sumunod naman ito.
Mabilis ang takbo ng sinasaktang kotse ni Amber, nang marating ang building kung nasaan ang condo ko ay bumaba na ang lalaki at sunod naman ay pinagbuksan niya si Amber.
Napakuyom ako, nag iinit ang mga mata ko ngayon dahil sa nakikita ko.. she's kissing the man she with at the restaurant.
Fuck!