MAGHAPON na akong naghihintay kay Trisha hindi ko ko alam kung darating pa ba siya ngayong araw, sobrang nagugutom narin ako.
Yumuko muna ako at sumandal sa pader, iniisip kung magtatagal ba ako dito sa loob ng kulungan na ito. Ayokong manganak ng ganito ang lagayan, may pangarap pa ako para sa baby ko.
"Amy! omg, okay ka lang ba? nagugutom ka na ba? eto pinagdala kita ng makakain mo, pasensya ka na ngayon lang ako hinanap ko oa kase yung kuha sa cctv pero wala talaga mukhang deleted na." halos pagtakluban ako ng langit at lupa dahil sa nalaman ko.
"Paano na ako ngayon? bakit kasi hindi ko vinid... teka! yung phone ko? oo tama, vinideohan ko yun nung araw na ipinakita mo sakin yung cctv footage."masaya kong saad kay Trisha.
Agad niyang kinausap ang pulis nakumuha ng phone ko para ipakita sakanila ang copy ng cctv sa hotel at ang picture namin ni Dom nung masa resort kami.
---
TRISHA'S POV.
"Ayan sir, nung gabing yan nakita namin si Amber na may kasamang ibang lalaki, sa totoo lang pinagkamalan ko pa pong si Amy yan. Magsickleave p si Amy para ho makasama itong si Dominic, at yung araw na nasa hotel po si Amber ay ang araw na nasa resort po si Dom at Amy. Kaya imposible pong kinidnap ni Amy si Amber at binubog. Ang kaibigan ko ho ang biktima dito sir, kaya hindi nyo siya dapat ikulong." Paliwanag ko sa pulis na kausap ko ngayon.
Nagpatango tango naman ang pulis at inulit ulit ang pagsasummarize sa video at pictures ni Amy at Dom.
"Sino itong lalaking kasama ni Ms. Amberlyn?" tanong ng pulis sakin.
"Nakameet din o namin sila lst time sa mall, nakasalubong po namin si Amber at itong lalaki sa mall, nakalimutan ko ho kung ano hong pangalan yung sinabi ni Amy nun, pero sure po akong iisa po yang lalaki sa video at yung lalaming kasama niya ho sa mall. Yung araw din po na yun pag ka gabi ay sinugod po sa hospital si Amy " Matapag kong saad, napahawak naman sa baba niya ang pulis at may kinausap na isa sa mga kasamahan niya.
"Maari ba akong makhinginng copy ng magkahiwalay na Video at Picture ng magkapatid sa parehong araw?" Litanya ng pulis, agad ko naman iyon binigay at naghintay sa susunod niyang sasabihin.
"Pwede na po bang umuwi ang kaibigan ko sir? buntis ho siya baka kung ano ang mangyari sakaniya." tanong ko sa pulis.
"Teka lang, hindi ba boyfriend nitong Ms. Amber si Mr. Montevantez at nagpanggap itong kaibigan mong si Amy para makuha daw ang atensyon ni Dom at maagaw mula sa kapatid niya totoo din ba yun?" tanong ng pulis sakin.
"Totoo po na nagpanggap ang kaibigan ko, pero inutusan lang po siya ni Amber. Plano po lahat yun ni Amber. Nakiusap po siya kay Amy na magpanggap bilang siya dahil pupunta daw ho ng italy itong si Amber pero ang totoo ay may kalandian lang po siyang lalaki at si Amy po ginamit niya para pagtakpan ang panloloko niya sa nobyo niyang si Dom. Wala pong intinsyong agawain ng kaibigan ko si Dom. Ginawa niya lang ang pakiusap ng kambal niya dahil matapos daw ang dalawang buwan na pagpapanggap niya ay magiging maayos na sila, kaya doble dobleng sakit ho ang nararamdaman ngayon ng kaibigan ko dahil sa ginawa sakaniya ng kapatid niya." paliwanag ko, nangigilid nrin ang mga luha ko habang nagkukwento. Naawa ako sa kaibigan ko.
---
AMYTHIST POV.
"Laya ka na " saad ng pulis at binuksan ang selda. nagtaka nama ako dahil imposibleng makalaya ako agad.
Nang makalabas ako ay nakita ko si Trisha na may kasamang di katandaan na babae kata agad akong lumapit sakanil.
"Trisha panong? anong ginawa mo?" Mangha kong tanong sakaniya.
"Pinakita ko lahat ng evidence na wala ka talagang kasalanan. Pero ang sabi hindi ka parin makakalabas hanggat walang nagpapakitang abogado at di ka nakapagpyansa." sagot niya na ikinabigla ko.
"Wait... sana ka nakakuha ng pinagpyansa mo sakin?" galit kong tanong sakaniya, sobrang laki na ng hiya ko kung galing pa sa savings niya yung pinangpyansa niya sakin.
"Don't worry ayos lang sakin, alam ko namang may savings ka siyempre alam kong babayaran mo ako Hahahah." pabirong sagit ni Trisha, agad ko siyang niyakap ng mahigpit at umiyak. Ang swerte ko at siya ang naging kaibigan ko.
"Thankyou Trish, di ko siguro alam ang gagawin ko kung wala ka. Baka mabulok na ako dito!" hikbi ko.
"Gaga! ba't ka umiiyak! haha halika na uwi na tayo maligo ka na at hindi na maganda ang amoy mo haahhaha" halkhak ni Trisha kaya natawa na rin ako.
Nang makarating kami sa bahay niya ay agad akong naligo, kinausap ko rin siya na kukunin ko ang mga gamit ko at kotse sa bahay, para matahimik na ang buhay ko.
"So ngayin mo na ba kukunin?" tanong ni Trisha sakin habang kumakain siya ng noodles.
"Oo, okay lang kung hindi mo muna ako sasamagan." saad ko naman, nakakahiya na kase kung magpapasama pa ako sakaniya.
"Hoy gaga! sa tingin mo papayag ako na mag isa ka lang aalis? gabi na oh? at buntis ka baka mamaya maabutan mo si Amber dun ano pang gawin sayo." Litanya ni Trisha at itinabi ang kinakin niyang noodles.
Mabilis ang ginawang pagmamaneho ni Trisha kaya agad kaming nakarating sa bahay, pagpasok ko ay agad kong inayos ang mga importanteng gamit ko at inilagay sa trank ng kotse ko.
"Tan na ba lahat?" tanong ni Trisha sakin. Tumango naman ako bilang sagot.
Pumasok na ako sa kotse ko at pinaandar ito, nang mailabas ko na ay bumaba agad ako oara isara ang gate ng bahay nang bigla nalang may bumusina ng malakas.
"Bakit ka nandito?! pano ka nakalaya?!" sigaw ni Amber pagbaba niya ng kotse ni Dom at mabilis na kumapit sakin.
"Anong ginagawa mo dito?! dapat nasa kulungan ka!!!" sigaw ni Amber, hinila niya ang buhok ko na siya namang hindi ko napaghandaan, agad namang naalarma si Dom at Trisha para awatin kaming magkapatid.
"Babe! paniguradong may balak nanaman siyang masama sakin! natatakot ako!" pagpapabebe ni Amber.
"Hoy Amber! manahimik ka nga sa kaartehan mo! di kapa man namamatay peri sinusunog na yang kaluluwa mo sa impyerno!" sigaw ni Trisha kay Amber.
"Hey! don't you dare talk to my fiancé like that! or else ako ang makakalaban nyo!" sigaw naman ni Dom. Ang sakit lang sa part ko na marinig yung salitang FIANCÉ.
"Ay wow ang tapang ni tanga! di ako natatakot sayong bobo ka! magpakatanga ka jan sa ex mo hangga't gusto mo! pero tigilan nyo ang kaibigan ko!" sigaw ni Trisha at hinila na ako papasok sa kotse ko, habang siya nama'y pinaandr narin ang kotse niya.
Fiancé? bat ang sakit.