MAAGA akong nagising, agad aking lumabas ng kuwarto para magready ng break fastpero naabutan ko nalang si Trisha na patapos na.
"Gising ka na pala, tara magbreakfast na tayo." pag aaya ni Trisha at inabot ang tasa na may Kape.
"Ang aga mo naman atang nagising?" tanong ko sakaniya.
"Syempre may pupuntahan pa tayo, aba!" bigla ko naman naalala na upunta nga pala kami sa police station ngayon.
Matapos namin kumain ay agad na kaming nag ayos para maagang makarating sa police station .
"Kalmahan mo mare, wag kang kabahan." paalala ni Trisha sakin, medyo nabuhayan ako ng loob dahil sa positive vibes na ibinibigay niya sakin.
Nagmadali na kam ng umalis para agad kaming makarating sa station at malinis ang pangalan ko.
"Ano hong sa atin?" tanong ng pulis na nasa harapan namin ngayon.
"I'm Amythist Enriquez, gusto ko lang po sanang i-clarify na wala hong katotohanan ang binibintang sakin ng kapatid ko na si Amberlyn Enriquez, nais ko ho sanang linis ang pangalan ko." sagot ko naman. Tila biglang lumuwang ang paghinga ko matapos kong magsalita.
Agad siyang tumingin sa mga files na nasa harapan niya, nang may makita siyang folder kung saan nakaindicate ang pangalan naming magkapatid ay binuklat niya ito.
"May na release na palang warrant of arrest para sayo, dahil sa pag kidnap at pambubugbog mo sa kapatid mo." sagot naman ng kausap kong pulis.
"Kailangan kitang arestuhin ngayon, lalo na't may warrant na naka issue sayo, makakalaya ka lang kung mapapatunayan mong inosente ka at kung magpapyansa ka." Halos manindig ang mga balahibo ko dahil sa sinabi ng pulis.
"Ano ba naman yan sir, pumunta kami dito para linisin ang pangalan ng kaibigan ko, hindi oara sumuko sa kasalanang hindi naman niya ginawa!" galit na saad ni Trisha, inawat ko naman sya agad at pumayag nalang ako sa gusto ng pulis.
"Bakit kase ngayon kalang nagpakita? dapat nung unang araw palang na nag file sila ng complain nagpakita kana para makadepensa ka, bakit hinintay mo munang maissuehan ka ng warrant of arrest." takang tanong ng pulis, napansin ko ang pagkuyom ng kamay ni Trisha halata na galit na galit na talaga siya.
"Wala pa naman sapat na ebidensya diba?! kaya ba't naissuehan agad ng warrant of arrest?!" sigaw ni Trisha.
"Kalma lang ma'am, marami hong pinakitang litrato ang kabilang partido na puno ng pasa ang katawan pati na ang medical records at base narin sa statement ni Mr. Montevantez " sagot naman ng pulis.
Pansin ko ang sobrang pag pipigil ni Trisha parang anytime aambahan na nya ng suntok ang kaharapan niyang pulis.
"Wooow?! may ibidensya ba na si Amy talaga? may picture? kasama ba si Amy? may nakakita ba sakaniya habang binubugbog si Amber?! pulis kayong naturingan tapos sa simpleng ibedensya na nilatag sainyo nag issue ag. kayo ng warrant without fact checking those evidence kung totoo ba o gawa gawa lang?!" nanginginig na sa galit so Trisha, hindi talaga to pwede sa matinong usapan gusto agad paspasan.
Hinawakan ko na siya sa braso at pinakalma. "Trisha ano ba, kumalma ka nga." tipid kong saad sakaniya.
Inirapan naman niya ako at nag cross arm kaya ako na ang nagsalita para kumausap sa mga pulis.
"Hindi ho totoong kinidnao ko si Amber, at mas lalong hindi ko ho siya binugbog dahil di ko kayang saktan ang kambal ko. Lahat ng to planado niya sir, hindi ko alam kung ano ang dahilan niya para gawin sakin to, pero maniwala ho kayo, wala ho akong kasalanan hindi po totoo ang pinaparatang nila sakin." mahinahin kong litanya sa pulis.
"Nandoon na tayo Ma'am, pero kailangan parin po kitang arestuhin, ayaw nyo naman po sigurong makita ang mukha nyo sa kung saan saan na nakapaskil at may nakasulat na Wanted, di ho ba? sa ngayon ho tumawag po kayo ng abogado na mag aasikaso sa kaso nyo" litanya naman ng pulis.
"Hindi pwede! buntis ang kaibigan ko di nyo sya pwedeng ikulong!" nanlaki ang mata ko dahil sa sinigaw ni Trisha at napansin ko naman ang awa sa mata niya tuwing pagmamasdan niya ako.
"Wala ho talaga tayong magagawa jan ma'am, trabaho lang po talaga at kailangan natin sundin ang batas" nagpairao irap nalang si Trisha at nanahimik. Binawalan ko na kase agad siya bago pa siya magsalita ulit. Baka kasi hindi lang ako ang ipasok nila sa kulungan baka pati siya rin.
"Sige po...." tipid kong sagot na ikinabagsak ng balikat ni Trisha.
"Trush may favor ako sayo, malaking tulong to sa kaso." Paguumpisa ko. Tumitig naman siya at hiawakan ang dalawang kamay ko. "Remember the day nung nagpunta si Amber kasama yung guy sa hotel na akala nyo ako? irecord mo yun pati dates ah? yun lang ang maipanglalaban ko kay Amber." Litanya ko, bigla naman ngumiti ng malawak si Trisha.
"Oo, dika aabutan ng kinabukasan dito, i promise!" saad naman ni Trisha at dali dali ng umalis.
Nandito ako ngayon sa presinto at nakadetaine, pinagmamasdan ko lang ang pulis na ngayon ay kausap ang magaling koong kapatid sa kabilang linya ng teleponi.
Gusto king ibuhis ngayon ang galit ko, gusto kong manakit para lang mawala ang tinik na nakabaon ngayon sa dibdib ko. Hindi ko mapigilang umiyak , ang sakit sakit. Ayos lang kung nagsinungaling na siya at pinagmukha akong masam kay Dom pero yung ganito? sobra na. Hindi ko na kayang baliwalain lang ang ginawa niyang ito sakin.
"Nandyan po siya sa loob" dinig kong boses ng isang pulis kaya nag angat ako ng tingin at diko inaasahan kung sino ang nasa harapan ko ngayon.
"How's your new room?" bulong ni Amber sakin habang si Dom nama'y nasa kalayuan kausap ang iba pang pulis.
"Bakit mo to ginagawa Amber?! ano bang kasalanan ko sayo ha? ano?!" mariin oong wika sakaniya.
"Ewan, para kaseng ang saya saya ko sa tuwing nakikita kitang nahihirapan at nasasaktan." sagot niya at ngumisi na lalong nagpasikio ng dibdib ko.
"Naririnig mo ba sinasabi mo Amber?! kapatid mo ko! kambal mo ko! pano mo nasisukmurang gawin sakin lahat ng to! matapos kong maging sunudsunuran sayo ganito?! ganito lang ang igaganti mo sakin?!" sumbat ko sakaniya habang pinupunasan ang mga luha kong hindi ko na napigilang tumulo.
"Bakit?! nag enjoy ka naman diba? ginusto mo rin naman! masarap ba si Dom?" pangiinsulto nito.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad kong hinula ang buhok niya.
"Aray! Amy tama na! bitiwan mo ko!" sigaw ni Amber dahilan para maalarma ang mga pulis at si Dom.
"Di ka parin ba titigil sa pananakit sa kapatid mo?! sobra ka na Amy!" sigaw ni Dom sakin.Tumawa kang ako ng mapait at tinignan siya ng masama.
"Napakatanga mo! imagine kahit pinaglololoko ka lang naman niyang si Amber nag aala knight in shining armor ka parin sakaniya? hahahhaha.. nakakatuwa naman kayong pagmasdan, usang demonyo at isang uto u***g tanga!" pangiinsulto ko, pansin ko ang pagkuyom ni Dom sa kamay niya at ang panlilisik ng mata nita.
"Magalit ka sakin, wala akong pakealam! kase alam ko kung anong totoo! wag ka lang sanang magsisi sa huli. And by the way Amber, tinatanong mo ako sa bago kong room ngayon? well it's nice, wala kase akong kasamang demonyo gaya !" sigaw ko, nang makaalis na sila ay dun lang ako ulit humagulhol ng iyak.
Ang sakit para sakin bitiwan ang mga salitang yun, pero pinangunahan na ako ng galit at sakit na nararamdaman ko.