CHAPTER 12

1064 Words
AFTER TWO WEEKS na nag stay ako kay Trisha ay nagpaalam na ako ngayon sakaniya na umuwi. Sinamahan naman ako ni Trisha, hindi ko al pero habang papalapit kami ng papalapit sa bahay ay mas lalong tumitindi yung kabang nararamdaman ko. Napansin kong bukas ang gate kaya agad na akong pumasok at laking gulat ko sa nakita ko. "Amy?!! anong ginagawa mo dito? babe ilayo mo ako sakaniya sasaktan nanaman niya ako!" sigaw ni Amber at nagtago sa likod ni Dom. Di ako makapaniwala sa inaasta ngayon ni Amber halos maistatwa na ako sa kinatatayuan ko dahil gulong gulo ako ngayon. "Amber anong sinasabi mo?!" mangiyak ngiyak kong sigaw lalo pa niyang siniksik ang sarili sa likod ni Dom at ngumisi pa ito sakin. "Babe please ilayo mo ako sakaniya, sasaktan nanaman niya ako!" pagmamakaawa n Amber kay Dom. "Amber ano bang sinasabi mo? anong sasaktan? tangina anong drama to?!" sigaw ko oa ulit kay Amber, parang gusto ko syang hilain mula sa likuran ni Dom at alug alugin ang ulo niya ng matauhan siya. "Best actress! ngayon aasta kang walang alam? anong sinabi ko sayo? once na malaman king may ginawa kang hindi maganda kay Amber ako ang makakalaban mo.. and this? you will pay for this!" dikdikansg sabi ni Dom, galit na galit siya sa mga kasinungalingang sinasabi ni Amber. "Pero wala naman akong ginawa?! Amber ano nanaman ba to?!" humagulhol na ako dahil naninikip na ang dibdib ko, feeling ko hindi ko man lang maipagtanggol ang sarili ko. "Matapos mo akong itago at magpanggap na ako ngayon iiyak iyak ka jan?! pinakidnap mo ako Amy! pinakidnap mo ako para masolo mo si Dom! noon pa man alam ko na ang plano mo alam ko na may gusto ka talaga kay Dom! sana sinabi mo nalang sakin handa naman ako magparaya e! hindi mo ako kailangang ipadukot! " hagulhol rin ni Amber grabe! ang galing niyang umarte sarap niyang sabunutan palabas ng bahay. "Amber, naririnig mo ba mga sinasabi mo?! tangina ngayong nagkabukingan ako ang iipitin mo?! ako ang may gawa? Amber hindi ka ba nahihiya kahit sa sarili mo lang? plinano mo ba lahat to? o ayaw mo lang malaman ni Dom mga pinanggagagawa mo?" walng buhay kong sabi. "Wala na akong pakealam sa kasinungalingan mo! umalis ka na dito! umalis ka na!" sigaw ni Amber sakin. "Please Amy, umalis ka na! grabe ang trauma na binigay mo kay Amber! at di ko palalampasin lahat ng to!" ani Dom habang yakap yakap si Amber Wow ako pa aalis? "E bat hindi mo iuwi yang si Amber sainyo?! bat ako ang pinapaalis nyo? wala kayong karapatan paalisin ako dito lalo ka na Dom!" sigaw ko at dinuro silang dalawa. "At ikaw Amber! tandaan mo lahat ng to! tandaan mo tong ginawa mo sakin!" sigaw ko kay Amber. "Pack your things babe, ilalayo kita sa demonyo mong kapatid!" anas ni Dom, ngumuti lang ako at nakamasid sa bawat kilos nila hanggang sa tuluyan na silang makaalis. Ibinagsak ko nalang ang sarili ko sa kama at humagulhol ng humagulhol, bakit ganito? sobran sakit! Akala ko pagtapos nito okay na, magiging maganda na ang pakikitungo ni Amber sakin... Hindi pala and worst lumala pa. Minsan napapatanong nalang ako kung kapatid ko ba talaga sya? pati trabaho ko binitiwan ko para lang sa pangako niya sakin. Ilang oras akong nagmukmok, nang ma realize ko na wala namang patutunguhan ang pagmumukmok ko ay nagpasya akong lumabas muna at magpahangin, medyo nakaramdam narin ako ng gutom kaya lumakad na lang ako palabas ng subdivision. Nakahoodie jacket ako, malamig na at syempre buntis ako bawal raw lumalabas ang buntis sa gabi kapag walang pandong sa ulo. Nagpahinto alo sa isang coffee shop, ngyon ko lang napansin na totoo ngang may bagong bukas na Coffee shop malapit sa subdivision. Agad akong pumasok at dumeretsyo sa counter at nag order, umupo muna ako sa bakanteng table at doon hinintay ang order ko. "CARAMEL ROCK SALT MOCHA FOR AMY!" agad na akong tumayo para kunin ang order ko. Pagkakuha ko ay agad na akong lumabas at naglakad. Ganito pala, kapag sobrang lungkot mo karamay mo lang ang madilim na gabi, malamig na sariwang hangin at tahimik na paligid. Tualala kang ako habang naglalakad, papasok na sana ako sa gate ng subdivision ng bigka king mapansing may mga pulis na kumakausap sai guard. Nakilala ko naman ang kotseng nakasunod sa police mobile, kotse ni Dom yun. Nagtago aki sa puno at pinagmasdan sila, medyo malayo ako kaya alam kong hindi nila ako mapapansin. Nakita ko pa si Dom sa loob ng kotse, ano nanaman ba to? Naglakad na ako palayo, binilisan ko lang ang lakad ko at agad na tinawagan si Trisha para magpasundo at agad naman siyang pumunta. -- "What?! nababaliw na ba talaga yang kapatid mo? balak ka pa niya ipakulong?! hayop siya humanda siya sakin!" gigil na saad ni Trisha habang nagmamaneho ng kotse noya. "Ang sakit, bakit parang ako pa ang may kasalanan? ano tong pakulo ni Amber? bakit may pa pulis pulis na? ano ba tong nangyayari sa buhay ko Trisha?!" wala sa sarili kong sabi tulala lang sa binabagts naming daan. "Don't worry ako ang bahala! ako mismo maglilinis ng pangalan mo!" mariing sabi ni Trisha. Nalungkot ako bigla kasi pati siya nadadamay sa issue namin ni Amber, nahihiya rin ako na nakikita niya ako sa worst part ng buhay ko. "Wag na Trisha, hayaan na natin sila..." saad ko na ikinakunot ng noo niya. "Seriously Amy?! my god! gusto mo ba maging pogante sa mata ng nakararami? gusto mo ba na may makit ka sa mga poste na nakaplaster ang mukha mo at may nakasukat na WANTED? ano ba Amy! unahin mo naman sarili mo! baka nakakalimutan mong magkakaanak ka na!" Parang bumalik ako sa reyalidad sa mga sinabi ni Trisha, tama... Dapat unahin ko na muna ang sarili ko.. dapat isipin ako ang magiging anak ko. "Wag ka ng umangal okay? lilinisin natin ang pangalan mo, sa ngayon natakot ka lang.. Bukas na bukas pupunta tayo ng police station okay?" malumanay na sabi Trisha, tumango ako agad sakaniya at ngumiti bilang pag sang ayon. Napakaswerte ko, hindi man ako nabigyan ng mabait at mapagmahal na kapati, biniyayaan naman ako ng tunay at mapagmahal na kaibigan.. Sana maging okay na ang lahat, hindi man kami ni Amber pero sana sa magiging kapalaran namin ng anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD