FAKE AMBER
DOMINIC'S POV.
Halos hindi na ako mag-kan-da-ugaga sa pag ddrive para lang maidaka sa malapit na hospital si Amber, Hindi ko alam kung anong nangyayari.
Bakit bigla nalang sya nawalan ng malay?
Imposible naman kasi sa kinain niya, e favorite nya yon... sa ilang beses ko na siyang nakasama at nakasabay sa pagkain ng favorite niyang kare-kare ay ngayon lang nangyari to.
Ayokong paniwalaan ang nasa isip ko... ayokong isipin na hindi talaga si Amber ang nakakasama ko.. Ayokong isipin na si Amy talaga ang nakakaharap ko this past few weeks. Kilala ko si Amy, alam kong hindi niya ‘yon kayang gawin.. Kahit di kami masyadong close ni Amy, i know... alam kong hindi niya kayang gumawa ng panlolokong ganito.
"How's the patient doc? is she alright?" bungad ko sa Doctor.
"Don't worry, she's okay now. Hmm kaano ano mo ang pasyente?" tanong ng doctor.
Bigla nalang namuo ang pawis ko sa bato, napalunok pa ako ng paulit ulit bago sumagot.
"G-girlfriend ko po..." utal kong sagot.
Tinaasan ako nito ng kilay at halata sa mukha niya na nagtataka siya. "Are you sure? base on your facial expressions nag aalangan ka?" Saad nito, hindi ako sumagot kaya agad rin siyang nagsalita.
"Ikaw ang kasama niya before sya nawalan ng malay?" tanong ulit ng doctor at tumango naman ako.
"May, naiisip ka bang possibility kung bakit siya nawalan ng malay? and maraming pantal ang lumitaw sa katawan niya... Did she ate something na may peanut?" halos manlumo ako sa naging tanong ng doctor..
"What do you mean doc?" tanong ko. Namamag asang mali ako ng dinig.
"She is allergy to peanut? hindi mo alam?" she asked sarcastically.
Natagpuan ko nalang ang sarili kong tulala at pinagmamasdan ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Nung una napansin ko ng may iba.. may mali... pero ba't binaliwala ko lang? then now? f**k! how she can do this to me?!
Bakit? anong dahilan niya? bakit kailangan niyang gawin to?!
Napansin ko ang bahagyang pag galaw ng ulo niya kaya tumayo ako mula sa kinauupuan ko at nilapitan siya.
"A-amy?" pansin ko ang pamimilog ng mata niya, alam kong gulat na gulat siya sa narinig niya. "Anong dahilan mo?" kalmado kong tanong sakaniya pilit na nilalabanan ang sarili kong ibuhos ang galit ko ngayon.
"D-dom i'm so sorry!" hagulhil niyanat yumuko, gusto ko siyang saktan!
"Nasan si Amber?!" agad ko ng tinanong si Maber kaniya dahil natatakot ako na baka kung ano ng ginawa ni Amy sa kambal niya.
Umiling iling lang siya kaya lalo akong nagalit. Hindi ko na alam kung anu-ano na ang mga lumabas sa bibig ko, alam kong masakit na lahat ng sinabi ko, medyo nasaktan ko rin siya matapos kong hawakan ng pagkahigpit higpit ang braso niya.
Naawa ako sakaniya sa tuwing mapapatingin ako sa mga mata niya, sobrang sakit ng nararamdaman niya pero mas masakit ang nararamdaman ki ngayon dahil sa panloloko niya, and now.. Hindi ko alam kung nasan ang girlfriend ko.
"Magpagaling ka." Huling sinabi ko at lumabas na ng kuwarto niya, matapos niya akong ipagtabuyan. Ano bang hindi ko alam? anong ibig niyang sabihin sa mga sinabi niya? nasan si Amber ngayon? anong ginawa niya kay Amber?
-----
AMYTHIST POV.
Ramdam ko oa ang sakit nang pagkakahigpit ng hawak ni Dom sa braso ko, kitang kita ki ang galit sa mga mata ni Dom. Matapos kong makapagpahinga ay agad king tinawagan si Trisha para samahan ako dito sa hospital and pumayag naman siya.
"O anong iniiyak iyak mo jan?!" mataray niyang saad sakin. Bahagya ki siyang inirapan at nagpunad ng mga luha kk gamit ang tissue na kabibili niya lang at ngayon ay malapit ng maubos.
"Ang sakit, ang sakit sakit! ganon pala yung pakiramdam kapag nagalit yung taong mahal mo." litanya ko at nagpunas nanaman ng luha.
"I told you! dapat sinabi mo na nung una pa lang, pero di ka nakinig! haynako, ayan na nga ba ang sinasabi ko e!" panenermon niya.
Sana nga nung una palang sinabi ko na, sana nung una palang pinigilan ki na, sana lumayo nakang ako pero pinangungunahan ako ng takot at pangamba.
"So nakausap mo na ba ang doctor mo?" biglang singit ni Trisha.
"Hindi pa e, baka si Dom nakausap na" sagot ko naman.
"Waka namang silbe kung makakausap ni Doc si Dom lalo na ngayon panigurado wala ng pakialam sayo yung si Dom" litanya ni Trisha, magsasalita pa sana ako ng bigka nakang pumasok ang isang doctor.
"Hi, kamusta pakiramdam mo?" bungad niya at nakangiti sakin. "O? asan ang boyfriend mo?" halos mamintig ang tainga ko sa biglang tanong ng doctor.
"P-po?" utal kong sagot kaya kinurot naman ako ni Trisha sa tagiliran ko.
"Ah.. eh bumili lang po ng makakain" sagot naman ni Trisha. Tumango tango lang ang Doctor at kung may kung anong tinitignan sa papel na hawak niya.
."This past few days, wala ka bang ibang nararramdaman? like morning sickness? waking up tired? wala ba?" napataas ang kilay ko sa mga tanong ng Doctor, ano bang klaseng tanong yan?
"P-po? wala namn po, nahihilo lang po minsan pero minsan lang po talaga. Bakit po?" tanong ko at nakangiti sakaniya. Ngumiti siya saakin at iniabot ang isang papel.
"A-ano po ito?" taka kong tanong.
"You're 2 weeks pregnant hija, kaya ka rin nag fainted kanina not only because of your allergy its's because you're having a baby. Congratulations!" halos malaglag ang panga kondahil sa sinabi ng Docto. Kita ko rin ang ekspresyon ni Trisha na hindi makapaniwala.
"B-buntis po ako??" paninigurado ko. Tumango tango naman ito at agad ng nagpaalam para lumabas ng kuwarto.
Buntis ako?
Paano na ‘to?
--
Hundi ko na alam, hindi ko na alam kung anong gagawin ko ngayon lalo na't may nabuo sa mga kasinungalingan at pagpapanggap na nangyare.
"Sasabihin mo kay Dom?" taning ni Trisha sakin.
"H-hindi..ayoko.. ikaw! wag na wag mong sasabihin sakaniya.. okay?" pakiusap ko kay Trisha, ayokong malaman ni Dom at ni Amber na buntis ako, ayokong madamay pati ang magiging anak ko. Ayoko.