Chef, good morning
Ma'am, morning congratulations po, iiwanan mo na pala kami. Tugon ni Chef Boy.
Ma'am, congrats. Kanya kanyang bati ng mga staff sa kitchen.
Thanks guys pero hinde po ako aalis dahil dito ako magstay tulad ni Mr. Aguilar
Eh syempre ma'am, malamang na kunin ka na ni Sir Blake dito para magkasama na kayo.
Naku, guys brake na kami kagabi kasi may bago na syang jowa si Stella. Remember her?
Malungkot kong tanong.
Ah officially sila na ba? Kasi nagtaka ako nung nawala sya, nung bigla ng hinde pumasok.
Pauwi ako nun nung makita ko sinundo sya ni Sir Blake eh. Wika ni Mickle.
Pre, hinde sya sinundo ni Sir Blake, andito si sir Blake nung araw na yon kasi ako napagtanungan nya kung nasaan si Ma'am. Dagdag na saad ni Norman.
Naku, naku, lubayan yan at kalalaki nyong tao mga tsismoso kayo. Sabad ni Chef.
Chef, hinde po sila tsismoso kasi totoo naman po ang mga kwento nila. Sagot ko.
Yun pala niloloko na ako noh, kundi ko pa nahuli kagabi, mananatili akong tanga, baka nga pinagtatawanan pa nila ko noh. Hayaan nyo na guys mainam na rin yon kaysa naman kung kelan na mag-asawa na kami tsaka ako maiwan di ba.
Opo ma'am, tama ka dyan. Madami namang lalaki dyan at madali kang makakahanap ng kapalit kasi ang ganda ganda mo, mabait pa.
Naku, bolero. Pero dahil sa sinabi mo, sasabihin ko lang na sagot ang dinner mamaya so stay ha. Celebrate with me.
Chef, bigyan po kita ng budget kayo napo pla ang bahala sa menu?
Eh kaso ma'am, akala ko po ba madami tayo guest today paano po kung madaming orders? Nag-aalalang tanong ni Chef. Nagtatanong lang po ako ha, syempre ikaw ang unang gusto ko ipagluto kaya lang po...
Oo nga pla chef, naiintindihan ko po. Ilan po ba sue chef nyo today?
5 sila. Sagot ni chef.
Sakali ba pede ako magpull-out ng isa?
O sige ma'am, pag sakali loaded, ung isa sa kanila ang patututukin ko para sa dinner natin later.
Ok Chef, very well. See you guys later. Nakangiti kong sabi hanang naglalakad palabas ng kitchen.
Hinde nga ako nagkamali, as expected 10am pa lang ay madami ng nagdadatingan buti nalang ay mabibilis kumilos and staff ko at nakaready na lahat ng rooms.
Hay, Andeng, paghusayan mo pa at ng hinde ka malungkot. Kumbinsi ko sa sarili ko.
Gusto ko sumigaw, magwala pero para saan pa nga ba, nangyari na ang nangyari. Kung nuon pa sana na nakahalata nako eh pinigilan ko na baka sakaling naagapan pa.
Iha, good morning, kamusta ka?
Nanay Luisa, good morning po, masaya kong bati. Wag nyo po ako alalahanin okey na po ako. Kaya ko po ito.
Aalis napo ba kayo mamaya?
Bukas pa anak ng madaling araw dahil gusto sana namin ng Tatay mo na ibigay sayo ang araw na ito kaya pinuntahan ka namin dito.
Eh nasan po si Tatay James?
Naku, nasa office nya pra ihabilin sayo ang mga documents na kailangan mo daw mabasa.
Ah ganon po ba. Sakto po pala kasi nagpapaluto po ako ng dinner para mamaya, masaya po akong makasalo kayo.
Ah talaga ba? Yan din sana ang plano namin para mapasaya ka.
Nay, wag nyo na po ako isipin dahil okey po ako, tanggap ko naman po.
Mabuti anak. Nga pla inimbita namin si Lilia at nagpaluto kami ng bibingka para panghimagas mamaya.
Awww Nanay, alam na alam nyo po ang favorite ko ha.Pinakamasarap pong bibingkang natikman ko. May puto bumbong don po ba? Excited kong tanong.
Oo alam ko meron din at dito yon lulutuin.
Wow special po pala ang dinner natin mamaya.
Oo anak kaya magpakasaya ka at wag muna malungkot.
Naku opo nanay. I'll stay positive po.
Andeng, bati ni Tatay James. Halika muna anak sa office. Sweetheart maglibit libot ka muna at hinde pede na hinde ko ito maibilin ngayon.
Sige po tara sa office. Aya ko.