Sa pagkagising ko sa sinabi ni Tito ay agad na naisip kong sipain ito at nagmamadaling hinila ang cycling kasama ang panloob at sinuot nang maayos.
Naiiyak ako sa nangyayari. Di ko akalain, yong inakala kong mas malapit ako, ay siya pa palang babastos sa akin. Mali talagang dito ako tumakbo.
Umikot ako at nagmamadaling umakyat sa itaas. Nilock ko ang pintuan at lahat ng gamit ko e basta ko na lang ipinasok sa itinabing maleta at saka nang natapos ay narinig ko iyong lagabog sa katok ni Tito.
“Roana?! Let’s talk.”
Gago lang! Anong mag-uusap? Pagkatapos nang ginawa niya. Walang mag-uusap! Tama na iyon. Bahala siya sa buhay niya!
Ayaw tumigil ng katok kaya naiinis na diniin ko ang mga mata at saka palakad-lakad sa gitna ng silid. At ilang minuto lang ay tumigil iyon. Nakiramdam muna ako at mabilis na hinila ang maleta, bago sumilip sa labas, at tuluyan nang tumakbo pababa ng hagdan.
Nagkagulatan pa kami ni Manang na napaawang ang labi at ngangang nakatitig sa bitbit ko.
“Manang, uuwi na ako. Pasensya na, hindi ako nakapagpaalam kaagad...” kabadong sabi ko rito.
“Teka—“
Hindi bale, hahanapan ko ng paraan na makontak ulit si Manang. Ang sa akin lang ngayon ay kailangan kong umalis. Aalis ako! Pinal!
Lakad takbo yata ang ginawa ko hanggang sa napatigil sa gitna ng damuhan at napatitig sa itaas. Tunog ng kidlat ang nagpakaba sa akin. At ang makulimlim na kalangitan na biglang bumuhos ang ulan.
Bakit ba minamalas ako palagi?! Bakit ba hanggang ngayon ayaw tumigil ng kamalasan?!
Umiling ako at sinuong ang ulan. Bahala na. Aalis ako rito. Bahala na talaga...
“Ihahatid pa kita, kung gusto mo.”
Gulantang ang buo kong pagkatao nang may nagpayong sa akin at nakita ang seryosong mukha ni Tito Titus. Pinangilabutan ako roon at mabilis na lumayo sa kanya. At dahil mahaba ang bisig ay parang wala lang dito na bigla na lang akong hinawakan sa braso at hinila palapit sa kanya.
“Ihahatid kita, kung yan ang gusto mo. Stop resisting Roana, you’ll get sick.” Mariing sabi nito.
Nanggagalaiti naman ako at gustong manapak kaso hila-hila na ako ni Tito Titus at dinala sa sasakyang gamit nito kanina.
“Kasalanan mo kaya dumudumi ang isipan ko. Bakit ka ba naninilip?” Iling nito.
Namilog naman ang mga mata ko at iritableng pinagsasapak ang balikat nito. Ewan ko kung saan na tumatama ang mga kamay ko. Bahala siya! Kasalanan niya! Bakit ngayon parang ako na naman ang sinisisi niya?!
“No one will get wet just by a mere touch, Roana... kanina, naramdaman mo rin diba? Namasa ka kaagad. And I knew, you like my touch.”
“Tado ka ba?! Paanong magugustuhan ko iyon?! Tito kita!!” Naghihisterikal na sigaw ko noon.
Nanginginig ako sa pinaghalong inis at lamig. Basa ako. Tumutulo pa yata sa paanan ng sasakyan.
“Anong Tito? Nakasanayan mo lang iyan, Roana. Hindi mo’ko Tito... hindi tayo magkadugo. Hindi ka dapat mandiri... hindi pa ako matanda.” Iling nito.
Nangangasim na naman ang pakiramdam ko at naiinis na sinamaan ko ito ng titig. Hindi niya ba makuhang ayaw ko?! Ayaw ko sa pinaggagawa niya’t lahat.
“Ihahatid kita sa port. Tingnan natin kung may maghahatid pa sa’yo sa kabilang isla.” Ngisi nito.
Natahimik ako at napaisip saka tinitigan ang unahan. Bumusina ito at lumabas sa kabila si Pablo na nakapayong at binubuksan ang gate. Napaawang ang labi at lumingon sa kabila. Hinanap kung saan ito nanggaling.
May kubo pala! Nakatakip sa isang malagong puno.
Natahimik na lang ako at pinakiramdaman ang ginagawa ni Tito. Ilang minuto lang ay naabot na namin ang port at siyang panghihina ko nang hinahampas na ng alon ang walang lamang bangka. Sa unahan, halos hindi na makita ang karagatan. Sadyang malakas ang ulan.
“See? Gusto mo pa rin bang umuwi?”
Hindi ako nakaimik at tahimik na hinayaan si Tito sa gagawin nito. Inuwi ako nitong muli. Tahimik pa rin ako lalo na noong muling bumukas ang gate at inakyat ni Tito ang sasakyan.
Kinuha nitong muli ang payong at inikutan ako para lang bumalik muli sa bahay nito.
“You’ll get cold for sure...” komento nito.
Umiling ako at walang buhay na inakyat ang hagdan. Nakasunod si Tito at bitbit ang maleta ko. Naiinis na inagaw ko sa kanya yon at nagmamadaling tinulak ang pintuan ng silid.
“How old are you, Roana?” Biglang kunot noong tanong nito.
“Bakit niyo ho tinatanong?” Pilosopong tanong ko rito.
Ngumiti ito, “By the way, I am not that old... Trenta pa lang ako Roana, hindi nalalayo ang edad natin. Kaya wag ka ng mandiri diyan.”
“Hindi iyon!” Iritableng sigaw ko at sinalpak ang pintuan doon mismo sa tapat ng mukha nito.
Naiinis na itinapon ko ang kinuhang bagahe at nagmamadaling naghubad. Saka padabog na pumasok ng bathroom. Gusto kong marinig nito ang pag-aalburuto ko roon, kaya lang, paano nga ba? Kung maiging sinarhan ko ang pintuan?
Bumuntong hininga ako at kumalmang hinilig ang likod sa bathtub. Mainit. At malamig sa labas. Malakas pa rin ang t***k ng puso ko. Parang nag-uunahan yata... siguradong sa pinaghalong inis at pagpipigil. Kung ganoon pala... sana sinuntok ko na lang ang isang yon.
Nakatulugan ko iyon at nagising na lang dahil sa pangangalay. Saka ako umahon, nanginginig na nga dahil sa tagal nang pagkakababad.
Agad akong nagbihis at hinalukay ang dalang maleta at ganoon na lang ang panlulumo ko nang nakitang basa na pala ang lahat. Hindi nazipper nang mabuti. Paano na ngayon niyan? Maghuhubad ako?! Tssk, delikado.
Paano ako ngayon? Di ko alam kung maiiyak ba ako o ano. Hindi ko alam.
Pinili ko na lang ang sariling balutin sa kumot. Saka naupo at sumandal. Di ko naman alam kung ano ang gagawin pagkatapos. Hindi ako sigurado. Paano ako lalabas? Tila ba nablangko nang tuluyan iyong isipan ko.
Nagulat na lang ako sa sunod-sunod na katok. Akala ko kasi Tito Titus, at ganoon na lang ang ginhawa ko nang narinig si Manang. Nagtatanong.
“Manang,” nagulat ito sa nadatnan. Paano. Balot na balot pa rin ako. At nang silipan ko ang malawak na salamin, tapos na pala ang ulan. Masyado ko lang kinokunsyom ang sarili sa dilim ng silid kaya hindi ako sigurado kung ano na ang nangyayari.
“Basa ho kasi ang mga damit ko. Wala akong pampalit.”
“Teka, bababa lang ako. Ipapakuha kita ng daster kay Pablo.”
Tumango ako. Nagpasalamat na rin dahil sa kabutihan nito.
“Tinatanong nga pala ng Tito mo, bumaba ka na raw at kakain na.”
Pagabi na rin pala. At nanigas ako roon pagkarinig sa pangalan ni Tito. Alanganin tuloy ang ngiti ko at sinabing pagkatapos nang magbihis.
Ilang minuto lang iyon. Bumalik si Manang na may dalang tatlong pares ng daster. Lahat may kalakihan pero pwede na. Magpapadry lang ako ng mga damit sa ibaba. Pagkatapos ay susunod ako sa kanila.
Mabuti na lang at hindi nabasa ang mga importanteng dokumento. Mga damit lang talaga at panloob. Napilitan akong ayusin ulit iyon sa maleta at saka bitbit itong ibinaba. Iyon nga lang nakakaramdam ako ng pagkakailang dahil sa laki ng sinuot na daster. Mahangin pa. Paano ba naman, wala rin akong panloob.
Pagkatapos ay isinalansan ko na ito sa dryer. Saka naghintay. Ilang minuto pa lang ay kinulit na akong muli ni Manang. Pinipilit para sa hapunan.
Bumuntong hininga ako’t sumunod rito. Nandoon na si Tito at nagkakape habang nakababa ang mga mata sa hawak na papeles. Naroon din si Pablo na napaiwas nang nakita ako. Sa kabilang upuan ako naupo. Inangat ni Tito ang mga mata kaya napayuko ako at nag-aalangang kumuha ng ulam. Halos yumukyok ako sa kahihiyan. Hindi ko kayang makatitigan ito. Hindi ko kayang magpakita ng galit. Lalo na sa harapan ng mga kasama namin sa bahay.
“Dito na kayo matulong, Manang. Mamaya uulan ulit iyan.” Sabing bigla ni Tito.
Natigilan ako sa pagsubo. Ngunit pinili ko ang yumuko pa rin. Ayaw kong makatitigan ito, masama pa rin ang loob ko.
“Roana?” Biglang tawag nito.
Na ikinapiksi ko at napatitig ng hindi sinasadya sa kanya.
“Why are you wearing that?” Tukoy nito sa daster ko.
Ngumiwi ako at naningkit ang mga mata. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin iyan. Pero tulad nang sinabi ko nong una, may mga kasama kami.
“Basa po lahat ng damit ko. Pinapatuyo ko na lang washing area. Papalitan ko rin mamaya.”
Tumango ito. Nakontento rin yata sa sagot ko. Ilang minuto na namang tahimik. Walang nagsasalita. Siguro. Dahil nakakaramdam? O dahil nahihiya ang bawat isa?
Naunang tumayo si Manang, sumunod ako at ganoon din si Pablo. Tumama pa ang braso ko rito na agad nitong ikinagulat. Lumayo nga kaagad sa akin. Para bang... nagulat talaga. Kumunot naman ang noo ko at tumitig dito. Namumula na naman ang tenga at napatitig sa harapan ko’t mabilis na umiwas.
Napakurap ako roon at napatitig na rin. Hindi naman klaro ah? Maliliit ang ituktok ng aking dibdib. Binistahan ko rin ang sarili kanina. Kaya alam kong hindi mapapansin iyon kahit wala akong sout na panloob.
“Manang, pwede ho bang iwan niyo muna kami ni Roana.” Utos nito na ikinatulos ko nang tuluyan doon.
Bakit naman?