Kinikilabutan ako lalo na nang natapos itong utusan ang mga kasama namin sa bahay. Naupo na lang ako sa isang tabi habang patapos na sa kinakain si Tito. Uminom muna ito ng tubig at bumaling sa akin.
“Paano tayo makakapag-usap niyan? Lumipat ka rito.”
Atubili. Kaya lang gusto ko ring makausap ito ng maayos. Kung anuman ang ginagawa nito, ay alam naming pareho na mali.
“Uuwi ka pa rin ba pagkatapos nitong malakas na ulan?” Seryosong tanong nito.
Wala na ang kamanyakan. Seryoso lang talaga. Kaya laking gulat ko na makitang hindi man lang ito nagpapakita ng mga ipinakita nito sa akin kanina.
“Oo,” isang sagot para sa isang mahabang tanong.
Bumuntong hininga ito at pinagsalikop ang palad. Tumitig itong muli. Mas malalim kaya klaro ko ngayon ang dumidilim nitong kulay asul na mga mata. Halatang seseryusuhin ang pag-uusap. Gayong dinungisan na nito ang pagkakakilanlan ko rito.
“I’ll help you,”
Ngumunot ang noo ko at mabilis na umiling. Alam ko kung saan papunta ang port. Alam ko rin kung paano tumawid sa kabilang isla. Hindi problema sa akin iyon.
“Patapusin mo muna ako...” sabi nito, pinutol iyong mga pinaplano ko.
“I knew you were lying, Roana. Alam kong tatakasan mo sina Agnes pagkatapos ng isang taon. I didn’t know you became hard headed after knowing the truth. I’m offering you something that I am sure you won’t decline.”
Nagkasalubong na tuloy ang mga kilay ko. Bakit parang tunog nakikipagdeal ito sa akin? At ano ang kapalit??!
“Ang hinihingi ko lang Roana, stay with me... isang taon lang, and I’ll give you all the privilege you want. Kung gusto mo ng tulong pag lumayas ka nang tuluyan, nandito lang ako. Kahit ilang milyon pa iyan o kung gusto mo ng bahay o kaya kung gusto mong burahin ko ng tuluyan ang traces mo, gagawin ko. That’s all, Roana... take it or leave it.”
Napaawang ang labi ko. Totoo ba ito?! Hindi ko alam kung dapat ba akong mainsulto o ano. Kaya lang naisip ko... anong negosyo ba ang mayroon si Tita Agnes?
“Knowing Agnes, dapat no’ng unang araw pa lang na nandito ka na ay sana’y may nakasunod na sa’yong security.”
Kinabahan na ako ng sobra-sobra. Iyon nga! Dapat noong una pa lang may humihila na sa akin diyan sa labas ng gate nina Tito! Kaya hindi ko alam kung anong meron at nagawang pigilan iyan ni Tito Titus.
“P-pag-iisipan ko ho muna,” kabadong sabi ko rito.
Hindi ko na naman alam kung ano ang mangyayari pagkatapos nito. No’ng una akala ko madali lang matatakasan ang lahat. Ngayon, pakiramdam ko mas lalong lumala. Mas lalong naging madilim sa akin ang mga binabalak.
“I’m breaking up with Lily, Roana...” biglang sabi nito.
Na siyang ikinagulat ko. Kanina lang... okay ang dalawa. Nagseks pa nga! Pagkatapos ngayon sasabihin niyang makikipaghiwalay siya sa inosenteng yon?! Nakikipaglaro ba si Tito para lang matapos sa mga desisyon nitong hindi ko naman maintindihan?
“Pakiramdam ko, nagiging ilang ka lang dahil sa girlfriend ko. Then, I am breaking up with her.” Ngiti nito.
Nangasim ang mukha ko at basta na lang tumayo roon. Nagpipigil naman ito ng ngiti habang pinapasadahan ako ng titig.
“I think Pablo likes you...” ngisi nito.
Nag-init naman ang pisngi ko. Alam ko naman talaga, hindi ako manhid at lalong hindi bulag para hindi makita iyon. Sa dalas kong nagbabar nitong huli ay alam ko kung alin ang may gusto.
“Nakikita nito ang nakikita ko Roana. Why don’t you wear something not revealing?” Tukso nito.
Napasinghap ako at tinakpan iyong bandang dibdib at naiinis na pinalisikan ito ng mga mata.
“Why don’t you just behave, Tito?” Irap ko rito.
Mas pinili ko ang tumakbo paitaas kesa makinig pa sa mga sasabihin nito. Narinig ko pa ang tawa nito bago tuluyang naglaho sa pandinig ko iyon.
Nakakainis! Bakit ba lahat ng lalaki ay pare-pareho? Hanggang ngayon litong-lito pa rin ako sa inaasal ni Tito.
Pumikit na lang ako nang mariin nang naalalang nasa baba pa pala ang mga damit ko. Paano na niyan? Paano kung magtagpo kami ni Tito? Anong gagawin ko para makaiwas?
Siguro titiisin ko na lang muna kesa manatiling nakaganito at babastusin lang din pala. Bahala na. Oo bahala na.
Binabaan ko ang mga pinadryer na mga damit kanina. At napahinga nang nakarating doon at nakitang tapos na iyon. Iginilid ko muna ang maleta at kumuha ng basket sa isang tabi at sinalampak lahat ng mga damit doon. Saka nagmamadaling binuhat iyon paakyat. Akala ko makakahinga na ako... akala ko lang pala. Paano ko makakalimutang nandito ang isang ‘to at basta na lang inagaw sa akin ang bitbit na basket?
“Let me, niece. I’ll behave, I promise...”
Umirap ako at nagdadabog na nilakad ang hallway papunta sa silid. Rinig ko iyong tawa nito. Ayaw ko na ring bigyan ito ng reaksyon. Mas lalo lang akong iinisin nito. Bahala na...
“Ako na po Tito...” irap ko rito habang inaagaw ang basket.
Tumawa lang ito at hindi naman nagmatigas. Binigay nito sa akin at hinayaan akong pumasok.
Nanginginig na pala ang mga hita ko at ngayon ko lang napagtanto. Nanlalambot ako... ewan, hindi naman ako masyadong natatakot na. Kaya lang, pakiramdam ko nag-uusok ang tenga ko sa inis.
Kumalma ka nga Roana! Kaya mo iyan! Matatapos din ‘to!
Napahinga ako nang malalim at nagdesisyon na isampay sa isang rag ang mga damit na kailangan pang patuyuin sa hangin. Ilang oras lang iyan ay magiging okay na rin. At saka pwede na akong magbihis. Hindi na ako magiging mainit sa mga mata ni Tito Titus.
Kumalma ka! Wala kang mauuwian. At sigurado kapag bumalik ka sa kabilang isla, nandoon si Tita Agnes at masusubunutan ako. Ayaw ko noon. Kailangang makapag-isip kaagad ako ng plano.
Nahiga ako sa kama pagkatapos at nakatulugan ang mga iniisip. Maaga rin akong nagising kinabukasan at nagsuot ng panloob bago nagpalit ng bagong susuutin. Pyjama at t-shirt. Okay na iyan. Hindi kailangang magpakaseksi dahil magiging tampulan ako ng tukso panigurado mula kay Tito Titus.
Pagkababa at nagulat ako noong makitang nakaupo sa isang sofa si Tito Titus at nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo. Ngumiwi ako at dahan-dahan na naglakad palayo. Saka bago pumasok sa kusina ay sinilip ko itong muli... hindi yata nakapansin. Konsentrado sa binabasang pahina. Ganyan. Dapat ganyan lang.
Walang tao ang kusina nang datnan ko. Malinis at halatang hindi pa nagagamit ngayong araw. Nagugutom na rin ako. At kailangan ko ng almusal. Iyon nga lang at hindi ko alam kung paano magluluto.
Paano na yan? Si Manang? Diba nga dito ito natulog? Bakit mag-uumaga na eh hindi pa rin ito gising? Nagugutom ako. Ngumingiwi na nga ako. Kaya lang, ano naman ang gagawin ko?
“Oh? You’re awake...”
Nagulat ako sa pagsulpot ni Tito na seryoso noong sinabi iyon. Badmood yata. Masama ba ang gising nito? At mukhang naluging hapon?
“Anong gusto mo?” Seryosong tanong pa nito.
Nakagat ko iyong pang-ibabang labi. Ayaw kong magsalita. Kaya lang mula sa paghahalungkat ng kung ano mula sa itaas na cabinet, ay lumingon itong nakakunot ang noo. Badtrip nga! Bakit kaya?
“Okay na ako Tito...” iling ko at tatalikod na sana kaya lang mabilis nitong hinawakan ang braso ko.
“Ipagluluto kita. Just tell me what you want and I’ll prepare it for you, niece...” diin nito sa tawag.
Napaawang ang labi ko at nahimasmasan din kalaunan kaya umiling ako. Isang beses pa lang! Pero mukhang nabadtrip itong lalo.
“I’m not in the mood to play games, niece... gusto mo ng tapsilog? I’ll cook one,”
Napalunok na lang ako at natatakot na napa-oo. Kahit na hindi ko naman gaanong kinakain iyon. Bahala na. Kesa makita itong mas lalong sumama ang mood. Parang isang gabi lang ay nasira kaagad ang araw nito. May nangyari ba?
“Ipapa-summon daw ako ni Lily,” biglang sabi nito na ikinalaglag na ng tuluyan ng panga ko.
Tama ba ang pagkakarinig ko? Pinapatawag?
“Tinawagan ko kaagad kagabi pagkatapos ng kaonting signal. Nakipaghiwalay ako... she gone mad. Nagsumbong sa tatay ma tanod dito.” Iling nito, seryoso sa sinabi.
Di ko naman alam kung bakit sa halip na matakot ay natawa ako na ikinalingon niya habang nagsasalansan ng frying pan sa electric stove.
Mula sa seryosong mukha ngayo’y nagpipigil na naman ng ngiti.
“I don’t know if you’re glad that I’ll be summoned... or you were laughing because that looked pathetic. Alin ba doon, Roana?” Iiling-iling na tanong nito habang nagpiprito ng itlog.
Umiling ako at umayos ng tayo. Mula sa paninigas ay nilambutan ko na ang katawan. Pakiramdam ko hindi naman sinasapian ng kamanyakan itong Tito ko kaya panatag ako ngayon. May problema itong dapat na kaharapin.
“Both, Tito...” sagot ko rito.
Natawa na ito ng tuluyan at patapos na sa ginagawa. Umiiling ako habang kumukuha ng mug at nagbuhos ng mainit na tubig saka nagtempla ng gatas. Ganoon ako noon sa bahay, at ganoon din ako ngayon.
“Samahan mo’ko mamaya, baka kuyugin ako ng buong mag-anak noon.”
Nangingiting sabi nito na binigyan ko lang ng isang irap.
“Deserve mo naman,”
Natawa pa itong lalo at hinila ako papunta sa upuan at nilagyan ng plato ganoon din sa gagamitin para makakain ng almusal.
“Roana...” tawag nito na ikinalingon ko.
“Gusto mo bang masubukang mahalin ng isang katulad ko?” Tanong nito na ikinagulat ko.