Pusang gala?! What did I just do last night? Totoo ba? Oo totoo nga yata, nalumpo ako. Masakit ang buong katawan kaya hindi makakilos. Nanlulumpo yata si Tito eh. I have a vivid flashback of what happened. Memorabelya. Just... so... damn!
“Do you want me to massage you, Roana?” Biglang bulong ni Tito.
Na siyang nagpadilat sa’kin. Oo kinilabutan ako sa pagtama ng hininga nito sa tenga ko. Ganoon din sa malahangin nitong pagtatanong.
Natawa tuloy ito kaya napalingon ako sa gilid. O por dios! Masakit talaga ang katawan ko at hindi lang puro arte. Pakiramdam ko pati buto-buto ko e inabuso.
“I guess you’re tired...” sabi nito at pinatakan ng halik iyong labi.
Ngumuso lamang ako at kahit nanghihina pa ay tumalikod ako rito saka inabot ang unan at niyakap nang mahigpit bago muling nagpatianod ng tulog.
Mabuti at sa muling pagkagising ay hindi na ganoon kalala. Somehow, gumiginhawa na ako kahit ramdam ko pa rin ang pagkapagal ng katawan. Sinilip ko ngang muli ang likod, baka sakaling madatnan ko roon si Tito. Kaya lang, maayos na maayos na ito walang ibang nakahigang katawan.
Ngumiwi pa ako noong naupo at nilibot ang mga mata. Ah! This is my room. Mabuti at ayaw ko namang magising sa sariling silid ni Tito Titus, ano! Karimarimarim pag naging ganoon.
Kailangan kong umihi. Oo ganoon nga kaya lang napangiwi pa ako lalo nang naramdaman iyong hapdi. Anong ginawa ni Tito? Did he just f**k me hard? Naku, ramdam ko iyong pag-aalburuto ng mikmik ko, aba! Walangya talaga!
Kaso kailangan ko nang kumain. Gutom na gutom ako. At tanghali na pala. Mag-aalas dose ng umaga... kaya ganoon na lang ang gutom. Lalo at lasing ako kagabi.
Kahit nanginginig e pinilit ko ang sariling bumaba. Kahit ba naduduling ako sa taas ng mga hagdan. Kaya ko kaya? I doubt—
“Oh s**t!” Naisigaw ko sa gulat.
Tawa naman ng tawa si Tito habang buhat ako nito. Nagulat talaga ako pagkakita rito na mapaglaro ang ngising nakatunghay sa akin.
“Roana, you’re not healed yet... nakalimutan mo yatang may sugat ka pa sa baba...” mapanuksong sabi nito na ikinalaki ng mga mata ko.
Ngali-ngaling sinapak ko ito sa baba na hindi naman nito ininda. Tawa pa nga ng tawa...
“Marinig ka ni Manang, malalagot tayo...” paalala ko rito.
Umiiling naman siyang humigpit ang kamay sa bewang ko kaya para bang naalala ko sa isang cartoon na palabas iyong pagtindig ng mga balahibo ng isang pusa. I felt like I was at that show, at ako yong pusa.
“Sige, titigil na. I’ll behave, nakuha ko naman na.” Iiling-iling na ngisi nito.
Sinapak ko ngang muli. Baka kamo maalala niyang nakakahiya ang pinagsasabi niya. Dapat sekretong malupit lang na nasa pagitan lang naming dalawa, walang dapat na makaalam. Ang pagkakaalam ng lahat, I am his niece. Di kaya mandiri ang mga yon kapag nalaman nilang pinatungan ako ng isang ‘to?
“Ipinaghanda kita ng fresh milk, kanin at afritada. I cook, Roana...” proud pang sabi nito habang nilalahad ang ilang lalagyan na nasa gitna ng mesa.
“Nasa’n si Manang?” Nagtatakang tanong ko.
Ngumingisi itong inayos ang upuan saka lumapit sa akin.
“Pinagday off ko... baka mahalata ka noon.”
Ngumuso na lamang ako at umayos na rin para makakain. Gutom na gutom ako. At kasalanan lahat yan ni Tito Titus! Oo kasalanan niya. Iyong imahe habang nanginginig ito sa ibabaw ko e parang flash na biglang sumagi sa isipan ko. Kaya hindi ko napigilan at nabitawan ang hawak na tinidor.
What? What?! That couldn’t be!
“Tito, did you shoot your load inside me?” Nagdududang tanong ko rito.
Natigilan ito sa pagtitig sa akin. Kinabahan naman ako... naalala ko, balat sa balat ang nangyari. Walang condom! For my sake... I cannot be pregnant.
“You passed out Roana after your one blow orgasm...” sabi nito.
Napanganga na lang ako. Hindi iyon ang tanong ko!
“Tito! Ang tanong ko kung sa loob ka ba nagpaputok?!” I was a bit hysterical.
Natawa ito, humalakhak nga. Saka umiling. Unti-unti na ring kumakalma ang puso ko. Talagang hindi pwede! Dahil malalagot ako.
“Just calm down, Roana. I can’t risk you. Baka makalbo ako ni Agnes kapag ginawa ko sa’yo yon.” Iiling-iling na sabi nito bago umiwas at tumitig sa maliit na bintanang nandoon sa ibabaw ng kusina.
Mabuti na lang din at naisip niya iyon. Tinuloy ko na lang ang kinakain dahil talagang hindi pa rin naiibsan ang gutom. Ubos na ubos ako. At hindi ko na maalala pa ang ibang ginawa ni Tito Titus. O kung paano natapos iyon. I only remembered some fragments of the flashback.
“Matulog ka ulit para makapagpahinga pa. Ako na ang bahala rito...” sabi nito sa gitna ng kinakain ko.
Tumango ako. Oo kailangan ko iyan. Kailangan na kailangan. Dahil talagang nanakit ang katawan ko sa pinaggagawa nito. Di ko alam kung ano ang nangyari o kung anuman, bahala na. Di naman ako natakot o nangamba, at wala rin akong makapang pagsisisi. Tama na iyon. Sabagay, ako nga, kahit no’ng una ayaw ko e sadyang nalukob na rin at nagpadala.
Tulad nang sinabi ni Tito ay talagang itinulog ko ang buong araw. Nagising na lang ako kinagabihan dahil sa paggising din sa akin ni Tito Titus. Pinabababa ako dahil hapunan na naman.
Tahimik akong kumakain habang nasa tapat ko si Tito na maya’t ang maya ang silip sa akin.
“Stop staring, Tito... naiilang ako,” sabi ko.
Natawa lang ito bago yumuko at kumain. Pagkatapos noon ay boluntaryo kong hinugasan ang pinagkainan namin.
“Can I sleep with you?” Tanong nito habang patapos na ako sa ginagawa.
Kumunot ang noo ko at ganoon na lang din ang pagsalubong ng mga kilay ko. Why would he?
“Tito, may room ka naman ah...” sabi ko rito, habang punong-puno ng pagtataka ang mukha.
Napangisi ito saka dumikit sa akin.
“I thought you’ll be clingy... bakit ayaw mong magtabi tayo?” Siya na naman ang nagtaka ngayon.
Napasinghal ako. Ano raw? Teka nga lang, ako magiging clingy? Hindi ako ganoon!
“Tito naman, mas lalo lang tayong matutukso! Ano ba, hindi pa ako magaling!” Nag-iinit ang pisnging paalala ko rito na lalo lang ikinatawa nito.
“Sige... sige, I’ll behave.”
Dapat lang ano! Give me a break, unang araw pa lang at lasog-lasog pa ako. Bukas siguro pagbibigyan ko naman ito. Wag muna ngayon. Kailangan kong bumawi ng lakas.
Kaya nga nakatulog ako nang maaga at maaga ring nagising kinabukasan. Para lang datnan ng lagnat. Nagulat ako sa pagtaas ng temperatura ng katawan ko. Ganoon din sa pananakit ng mga kaso-kasuhan. Bakit ganoon? Akala ko ba okay na ako?
Lumala pa yata. Ni hindi ko man lang maigalaw ang katawan. Hindi ko man lang maidilat ang mga mata. Alam kong gising na gising ako dahil ramdam ko iyong lamig ng aircon. Gusto kong patayin, dahil kahit nakatago ako sa ilalim ng kumot e parang ang lamig-lamig pa rin. Ni hindi ko nga maibuka ang bibig. Hinang-hina talaga ako.
Kaya bago sumikat nang tuluyan ang haring araw e pumasok si Tito. Nakadilat na ako at naibuka ko naman ang labi... kaya lang hirap akong magsalita.
“Damn, Roana! You’re sick...” nagulat din ito sa pagsalat ng leeg ko.
Napailing ako bago muling pumikit. Gusto ko na lang matulog. Gusto ko nga sanang ituro ang aircon para patayin kaso hinang-hina na ako.
“Normal na trangkaso lang iyan, Titus... bumababa naman kaya obserbahan mo na lang bukas. Kapag nagpabalik-balik e dadalhin na natin sa ospital.”
Yon ang bumungad sa’kin pagkagising sa muling pagkakatulog. Sinilip ko si Tito na nakaupo sa gilid ng kama, doon malapit sa side table. Lumabas na rin si Manang kaya naiwan kaming dalawa doon. Pinilit ko talaga ang sariling maupo, kaya napalingon si Tito rito... may hawak na libro at mukhang nagbabasa.
“Napasobra yata,” bulong nito bago hinalikan iyong sentido ko. Nag-abot ito ng tray at tinulungan akong kumain. Kulang na lang isubo niya na lahat...
“Masakit talaga itong katawan ko Tito... hanggang ngayon nangangalay parin. Ano ba kasing ginawa niyo?” Nagdududang tanong ko rito habang kumakain ng hinog na mangga.
Sumeryoso ito habang nakatitig sa mga mata ko kaya umangil ako at umiwas.
“Nanggigil lang, Roana. Napasobra nga ako at nakalimutan kong unang beses mo pala iyon. Next time, I’ll be gentle...”
Napamaang na lang ako at unti-unti na ring natawa... may sinat pa rin naman ako kaya lang kaya ko nang magsalita.
“Gentle ka diyan... talaga lang ha?” Nagdududang sabi ko rito.
Siya naman itong unti-unti nang napangisi at hinaplos ang gilid ng ulo ko.
“Seryoso... I’ll be gentle next time.” Bulong pa nito.
Ngumiwi ako at umiwas, ayaw kong makipagtitigan kay Tito. Lalo na sa paraang ito, iyong nanunuyo. Natakot din yata at nagulat sa biglang pagkakasakit ko.
“Kung may susunod pa, Tito...” pang-aasar ko na lalo niyang ikinangisi.
“Meron pa yan, I’ll prove it.”
Oo na nga, kulit din nito. Hindi ko alam kung nag-aalala lang din ito o sadyang ginanahan.
“Kaya pagaling ka na, Roana. Aalis pa tayo... at saka alam kong magiging mapusok ang mangyayari.”
Okay, fine!