Dalawang araw akong puro tulog. Na mabuti na lang ay hindi iniistorbo. Mukhang hindi naman nagduda si Manang, tinukso pa nga ako the next day...
Sinisi iyong lambanog... kung alam lang nito.
“Ano, gusto mo bang sumama? Luluwas ako.” Aya ni Tito habang nagmemeryenda kami. Ako na nakaupo sa isang tabi at si Tito na nagpapakinis ng mga muwebles. Balik sa dating gawi, yon bang nagtatrabaho si Tito samantalang nagbebehave lang ako rito.
“Tito, no more liquor ha?” Nakakunot noong sabi ko rito.
Tinawanan naman ako ng walangya, na para bang katawa-tawa iyon samantalang seryoso ako sa sinabi.
“Oo, no more liquor for you, Roana... but I’ll buy one for myself.”
Umirap nga lang ako at tinuloy ang pagbabasa. Mabuti at seryoso naman ito sa trabaho. Hindi na ako kinulit, napasulyap na lang ako rito. Naninigas na naman iyong katawan nito sa tuwing may ginagawa siyang kailangan ng puwersa. Nagiging depena iyong mga muscles niya sa katawan. Na para bang nang-iinggit sa mga kabaro nito. Ang yabang, ano...
“Ano, sasama ka?” Ulit nito pagkatapos nang mahabang katahimikan.
Napaisip lang ako kung ano bang gagawin ko roon? Wala naman akong kailangang bilhin pa. Nabili ko na. Saka... ewan, ano mangungulit ako sa kanya?
“Ibibili kita ng mga gusto mo,” alok nito.
Napailing ako, ano nga ba? E nabili ko na lahat. Ano pa bang kulang?
“May maliit na health center diyan sa ibaba, baka gusto mong magpacheck pagkatapos itanong na lang din natin kung anong pills ang nababagay sa’yo.” Ngisi nito, parang nang-iinis.
Ako naman ang nagulat at nalaglag ang panga. Ano raw? Teka nga lang— teka nga, bakit hindi ko naisip iyon? Kaya lang nag-aalangan ako kasi paano kung pag-usapan iyon? Sa liit ba naman ng bayan na ‘to, di talaga malayo. At mapapatanong sigurado ang mga tao kung bakit kailangan ko iyon e ke bago-bago ko rito, saka wala akong boyfriend! Mahihintakutan ang mga yon, magdududa kung sino ang pumapatong sa’kin. E si Tito lang naman ang laging nasa paligid ko. Alangan namang aminin ko ring siya nga?
“Tito naman, nag-iisip ba kayo?” Simangot ko.
Na tinawanan lang nito, “Incestuous.”
“Tado...” nandidiring reklamo ko na lang.
Napahalakhak na nga ito ng tuluyan. At tumigil na naman sa ginagawa para lang lumapit sa akin. Inakbayan pa ako na para bang pamangkin lang ang turing sa akin.
“Tumigil ka ah, stop putting that image inside my head, Tito. Kadiri kaya, hindi naman tayo magkadugo.” reklamo ko.
Umiiling-iling itong idinikit ang pisngi sa pisngi ko saka ikiniskis kaya sinamaan ko ng titig.
“Naks, dalaga na ah. Ayaw magpalambing...” tukso nito.
Napailing na lang ako at medyo lumayo sa kanya kaso idinidiin naman ako nito palapit din sa katawan nito.
“Magaling ka na yata e...” kagat labing sabi nito at idinikit iyong labi nito sa labi ko. Kunot na lamang ang noo ko at hindi makapaniwala sa pagiging malambing ni Tito. Alam ko naman no’ng una pa lang ay malapit na talaga ito sa mga pamangkin. Kaya siguro, ewan, naaalangan ako sa pinapakita nito kasi pareho naman naming alam na hindi kami magkadugo.
“Kainis ka ah,” naiiritang sabi ko rito. Na tinawanan na lang nito. Tumatama iyong hininga nito, mainit at saka mabango. Kaya siguro hindi ko napigilang matuliro. Tulala lang ako rito, hanggang sa tumigil na ito sa katatawa.
Ngumisi ito, nagmamayabang... saka inabot muli ang labi ko hanggang sa nalunod na naman ako... iyong halik talaga na nangangain. Pati labi ko e namanhid ganoon din ang dila. Masyadong makulit si Tito, para maramdaman ko iyong pag-iinit ng batok ko.
“Let’s have s*x, Roana...” bulong nito, hindi na yata nakatiis. E siya naman ang nagsimula noong halik!
“Tumigil ka ah,” saway ko rito. Umagang-umaga, nag-aaya. Nakalimutan niya bang nandiyan lang si Manang? Baka hanapin kami noon! Di nadatnan kaming nagkakabayuan dito.
“Hayy,” buntong hininga nito, “Seks lang naman ah?” Nagtatakang tanong nito.
Namilog tuloy ang mga mata ko! Ano raw? s*x lang daw? Parang nanghihingi lang ng candy ah.
“Tumigil ka sabi... sige na, sige na... sasama na ako sa ibaba.” Sukong sabi ko rito.
Kumunot naman ang noo nito hanggang sa unti-unting lumiwanag at natawa na lang. Ewan ko rito, at nagiging makulit.
Umiiling-iling itong bumalik sa trabaho. Tinuloy ko naman ang pagbabasa bago tumayo at nagpaalam sa kanyang kukuha lang ng makakain. Sakto at naabutan ko si Pablo na naghahanda rin ng pagkain doon sa island counter. Napasinghap pa nga pagkakakita sa akin, parang nakakita ng multo. Umismid ako na para bang natatawa.
“What are you preparing?” Silip ko sa ginagawa nito. Namula pa ito nang angat ko ng mga mata.
“A-ah, meryenda. Gusto mo?” Turo nito sa egg sandwich na naroon. Patapos na ito, tatlong patong siguro para sa kanya.
“Di na, maghahanda rin ako para kay Tito.” Sabi ko na lang.
Tumango ito nakakagat labi. Akala ko nga aalis na ito ng tuluyan, pabalik-balik sa’kin ang mga mata. Ramdam kong may pag-aalangan sa kanya. May itatanong siguro, kaso nahihiya.
“Shoot,” sabi ko habang nag-aabot ng maliit na lalagyan.
“H-ha?”
“Sabi ko, ano yon? Sabihin mo na.” Ngiti ko rito pagkatapos na mapansing nahihiya pa rin ito.
Napakamot batok ito at mas lalong namula ang tenga.
“A-ano,” putol nito, “M-may boyfriend ka na ba?” Hilaw ang ngiting tanong nito.
Ako na naman ang nagulat. Hindi pa naman ako totally na manhid, alam ko at ramdam ko, binabaliwala ko kasi wala naman akong nararamdamang kakaiba para rito. Just a typical boy from this house. Yon lang, wala na... kaya nagulat ako rito.
Natatawa ako bago umiling.
Napangiti na ito, iyong ngiting parang nakaginhawa.
“Magagalit si Titus kapag ipinagpaalam kita...” sabi nito.
Teka lang, hindi na yata matapos-tapos ang gulat ko sa taong ‘to. Bakit mukha yatang nagkakalakas ng loob? Anong nakain nito?
“Magpapaalam ka?” Hindi dapat ganon ang pagkakatanong ko, kaya ang labas parang iba ang naging dating sa kanya.
“Pwede bang tumakas-takas? Gusto kitang edate, Roana.”
Shit! Hindi yon ang ibig kong sabihin. Hindi ako interesado kay Pablo. Napapansin ko lang talaga ito at higit roon ay wala na.
Nagiging peke tuloy ang ngiti ko. Paano ko ba sasabihing hindi pwede? Kasi dahil kay Tito Titus. Pagkatapos hindi na ako birhen, may kasalukuyang pumatong na. Magiging salawahan ako kapag pinatulan ko ‘to.
“Sorry, Pablo. Magagalit talaga si Tito.” Iling ko na lang.
Naging hilaw ang ngiti nito bago tumango.
“Naiintindihan ko,”
Nagpaalam din ito pagkatapos. Nakasunod lang ang mga mata ko sa likod nitong papalayo. Dapat lang talaga na sagutin ko ito ng totoo. Kesa sa mauwi sa pagpapanggap. E hindi ko naman yata obligadong patulan lahat ng lalaki. Problema na nga si Tito tapos dadagdag pa ba ako?
Iwinaksi ko na lang sa isipan iyon at natuloy sa paghahanda ng meryenda bago bumalik sa likod at pinaghainan si Tito Titus na ngumisi pa habang nakatitig sa akin.
“Bakit na naman ba?”
Napatawa ito, “Bakit mainit ang ulo mo?”
Umirap nga ako at tinulak ang meryenda nito. Hindi naman padabog, malumanay iyon. Ayaw ko kasing masabihan na bastos gayong ako na nga itong nagkusang maghanda.
“Masarap...” komento nito.
Kumunot tuloy ang noo ko. Bakit masarap? E simpleng slice bread lang iyan na nilagyan ko ng palaman. Anong masarap diyan?
“Iniinis niyo ho ba ako, Tito?” Iritableng tanong ko rito.
Nabilaukan ito sa kakatawa kaya inabot ko ang inumin. Tinitigan ko siya nang mariin habang naghihintay na matapos ito sa iniinom.
“Masarap talaga,” sabi nito.
Umirap nga ako at sumandal sa upuan saka pinagkrus ang mga braso. Ewan ko ba at iritado ako sa pang-iinis ni Tito. Basta inis na inis ako sa kanya. O dahil dala lang ito sa mga nangyari no’ng nakaraang araw? Kaya para akong bulkan na sumasabog.
“Wala pa nga...” sabi nito pagkatapos lumagok ng pantulak.
Kumunot ang noo ko rito. Anong sinasabi nito?
“Ang alin?” Mahinahong tanong ko rito.
Makahulugan itong ngumisi bago dumapo ang mga mata sa bandang kaselanan. Napanganga tuloy ako. Bakit ganoon ang titig nito?
“Tito! Mahiya naman kayo...” nahihiyang bulong ko rito bago lumingon sa paligid. Kami lang talaga. Walang ibang tao at kami lang ang nakakapanood ang ibabang bahagi ng burol. Tanaw iyong mainit na karagatan. Nakakaantok titigan. Parang mas masarap yatang umidlip kesa makipagbardagulan kay Tito Titus na mukhang nag-eenjoy sa pang-iinis ko.
“Wala namang tao ah,” sabi nito.
Ngumuso ako at dumukwang sa kanya. Bago nagdesisyong simangutan ito na ikinatawa niya lamang.
“Tito, pag nahuli tayo... anong sasabihin mo?”
“E di we’re in a relationship. Magiging totoo ako. Sasabihin kong hindi tayo magkaano-ano. And what they’ll say then? Hindi naman tayo lumaki rito kaya hindi mahalaga kung anong magiging komento nila sa nangyayari sa’tin.”
Napangiwi ako rito. Saka lumingon muli sa gilid. Baka kasi madatnan kaming ganoon ang pinag-uusapan.
“Masyadong mainit ang ulo mo ngayon. You want me to cool it down?” Tanong nito habang nagpapagpag ng pants.
Kumunot na lamang ang noo ko rito lalo na noong yumuko ito at dumampi ang malambot nitong labi.
“Kinulang ka yata sa dilig, Roana... at saka—“ makahulugang ngumisi ito sa akin, “— wala pa ngang laman yan, mainit na kaagad ang ulo. Paano pa kaya pag nabuntis ka na?”