"Mahirap iyan, Miss Roana..." sabi ng PAO pagkatapos kong lumapit dito. Yong akala kong makakatulong sa akin, mahirap din palang lapitan. Halos mabaliw na ako sa kaiisip kung paano ko mababawi ang anak ko. Ilang Linggo na akong pabalik-balik sa bahay. Ni isa wala man lang nag-abalangan patuluyin ako. Mas lalong nagpupuot ang loob ko sa pinaggagawa nila. Pakiramdam ko inaalisan nila ako ng karapatan, hindi lang pakiramdam kundi talagang inaalisan nila ako ng karapatan! Awang-awa na ako sa sarili. Hindi ako makatulog, para bang dinidikdik ang puso ko sa sobrang sakit noon. Nakakalimutan ko na ang kumain dahil sa pag-aalala kay Drake, bakit ba nagawa iyon ni Tita? Ano bang kasalanan ko? Dumiin ang lapat ng labi ko habang nagpapahinga. Saka tumitig sa likod na building bago muling tumayo at

