Ilang ulit na akong umiyak, di ko na nga mabilang pero ito ang pinakamasayang iyak na naranasan ko. Walang pagsidlan, actually, sumasabog sa sobrang saya. Pagkakita ko pa lang sa mukha ng bata... alam ko na kaagad na anak ko ito. Walang pagdududa. Hindi talaga ako maaaring magkamali. “Tahan na, niece. He’s here.” Malumanay na ngiti ni Tito. Kayal lang, pansin ko... hindi man lang umaabot sa mga mata nito. “Can you give us a warm hug?” Tanong nito, nag-aalangan. Iyak pa rin ako ng iyak habang nakayakap kay Tito. Tinitigan ko iyong anak ko na mahimbing na natutulog. Lumaki talaga itong guwapo. God, ngayon ako napapatanong kung totoo na ba ang lahat ng ‘to. Lahat ng paghihirap ko parang problemang napawi. Wala nang nakadagan. “I missed you so bad... I missed you, Roana.” Humihigpit ang ya

