“Stable na si Lola, at sinasabi ko Tito hindi ako ang dahilan...” nguso ko habang nakatitig sa kabuuan ng bahay. Halos gawa sa salamin at tanaw na tanaw ang sinag ng araw pati ang palibot. Klaro rin sa malayo ang malawak na karagatan... maganda ang pagkakapwesto ng bahay. Halatang pinagpaguran at milyones din ang gastos.
“I know, Roana. You’re just so kind.” Kunot noong sabi nito.
Ibinalik ko naman ang mata sa kanya na ngayon nga’y halata ang pagtataka sa mukha. Lumunok ako lalo na noong nagtagal ang mga mata ko sa kulay asul nitong mga mata. Palibhasa kasi may lahi, bunso sa magkakapatid at anak ni Lola mula sa isang banyagang naging huli nitong asawa.
“Fine,” buntong hininga ko.
Alam ko naman kung bakit ganyan ang pinapakita niyang itsura. Hindi ako mabulakbol na bata. Simula pagkabata ay desiplinado ako. Masunurin, mabait at mabilis pangaralan.
“Alam mo ba?” Kunot noong tanong ko rito.
“Ang alin?” Mas lalo itong nagtaka. Napatitig tuloy ako sa buo nitong dibdib. Putok na putok. Halatang mas alaga sa ehersisyo kesa noon. The last time I saw him, it was 4 yrs ago. Sa Debut ko pa.
“Ampon ako,” nanginginig na sabi ko rito.
Natigilan ito. Hindi naman nagulat. Alam niya panigurado. Sa layo ba naman ng agwat namin, siguradong alam na nito simula pa noon.
“I’m sorry,” hinging paumanhin nito pagkatapos na makapag-isip.
“Okay lang naman Tito, hindi lang naman ikaw ang nakakaalam. Sigurado ganoon din ang mga kapatid niyo. Saka, si Ren-Ren.”
Tumango ito. Natahimik na nga yata. Ayaw magsalita. Hindi naman ako galit kahit alam na nito. Hindi naman ako pupunta rito kung ganoon talaga ang nararamdaman ko.
“Pwedeng makitira?” Lakas loob na tanong ko rito.
Napakurap ito at napatitig sa akin. Waring hindi makapaniwala sa narinig.
“May pasok pa, ah?”
“Titigil na ako,” ngumiti ako.
Mas lalo tuloy nangunot ang noo nito. Pakiramdam ko palalayasin niya ako anytime.
“Please, Tito. Please Uncle Titus? Isang taon lang tapos uuwi ako saka mag-aaral ulit.” Pang-uuto ko rito.
Dahil ang pagkakakilala nito sa akin ay sadyang mabait. Kahit malaking porsyento na ayaw nito sa naiisip kong plano. Ay napa-Oo ko rin ito.
“May kasambahay ako, di nga lang stay in. Nandiyan lang naman sa baba ang bahay kaya tuwing umaga ay nandito. Pwede mong utusan.”
Tumango ako at sumunod kay Tito Titus na umakyat habang bitbit ang bagahe ko. Kailangan ko pa itong kausapin. Kailangang makumbinse ko siyang wag magsumbong.
“This will be your room for the meantime. Ito lang ang malinis sa ngayon. Ipapalinis ko yong iba saka ka magdesisyon kung saan mo gusto.”
Ngumiti ako sumilip sa loob. Okay na ako rito. Tanaw na tanaw ang karagatan. Malawak ang glass wall at hindi pa nalalagyan ng kurtina. Saka queen size ang higaan, may maliit pa na living room. Engrande ang pagkakagawa. Sinadya nga yata talaga ni Tito Titus. Halatang bagong-bago pa ang buong kabahayan. Katatapos lang siguro.
“Aalis ako mamayang hapon, sasamahan ko si Lily.” Paalam nito.
Napalingon ako at nakitang nakatayo lang siya roon. Malapit sa pintuan. Hindi ako sigurado kung sinong Lily ito. Baka yong katulong?
“Pwedeng favor din, Tito? Can you buy me pads? Yong with wings, kahit anong brand. Ipag-utos niyo na lang po kay Manang Lily. Alam na niya iyon.”
Natawa ito. Di ko naman alam kung bakit. Baka natatawa dahil inutusan kong bumili ng ganoon.
“She’s not my maid, Roana... girlfriend ko.”
Namilog naman ang mga mata ko. Laglag ang panga.
“But I can ask her about that. Pahinga ka muna.” Utos nito.
Lumunok na lang ako at naupo sa single sofa. Dapat yata magsorry ako. Nakakaoffend iyon. I should know this Lily girl. Kailangang malaman rin nitong masyado siyang pinagpala dahil abunado si Tito Titus. Kahit suplado.
Nilibot ko lang ang mga mata nang napag-isa roon. Walang gaanong gamit ang loob ng silid. Ngunit malinis na malinis. At sadyang presko sa mga mata ang tanawin. Kailangan ko lang talagang humingi ng kurtina mamaya. Tipo ko pa naman na naghuhubad habang nililibot ang buong silid.
Inayos ko lang ang laman bagahe. Nilagay ko sa maliit na closet. Saka itinabi ang mga importante dokumento. Bago sinilip ang naitabing selpon na maya’t mayang nawawala ang signal.
Ngumiti ako at ini-off iyon. Hindi rin naman mapapakinabangan.
Ilang oras lang ako roon bago bumaba at nilibot ang buong bahay. Alam ko na rin kung saan ang papuntang kusina. May isang bakanteng malaking silid sa right wing na bukas na bukas para sa malawak na karagatan. May mga mwebles doon. May nagawa na at napakinis, may ibang raw pa lang... siguradong gawa iyan ni Tito Titus. Ang alam ko e ito ang pinagkakakitaan nitong negosyo.
Pagbalik ko sa living room ay nagkagulatan kami noong matanda. Siguro ito yong sinasabing katulong ni Tito Titus.
“Uhm, pamangkin po ako ni Tito Titus.”
Ngumiti at pinasadahan ako ng titig.
“Akala ko bagong chics...” natawa ito.
Natawa lang din ako at naisip na mukhang naghahasik ng lagim dito si Tito Titus. Pang-ilang girlfriend na kaya itong si Lily?
“Nasa lahi niyo na talaga ang makikisig ano at magaganda ang katawan?”
Di ako nainform na madaldal pala si Manang. Sinamahan ko ito sa kusina at sinabi nitong maghahanda raw ito ng pananghalian. Tatlong putahe kaya naawa naman ako at nakitulong sa pagsla-slice. Nakatitig nga ito sa sobrang bagal ng ginagawa ko.
“Pasensya na po, hindi po ako marunong.” Nahihiyang sabi ko rito.
Ngumiti lang ito at tinuruan ako. Mahirap pa rin naman pero siguro sa tagal kong magste-stay dito e matututunan din iyon.
“Nag-aaral ka pa ineng?” Maya’y tanong nito.
“Tumigil po muna ako,”
“Bakit naman? Sayang... mukhang maykaya naman kayo.”
Ngumiti lang ako rito at sumandal sa island counter. Patapos na rin naman at binabantayan ko lang iyong rice cooker. Dapat bang bantayan iyan?
Alas dose eksakto nang natapos kami. At narinig ko na parang may dumating. Nagpaalam ako kay Manang na sisilipin pang kung sino iyon.
Nakita kong si Tito Titus iyon, nakapolong puti na may tatak ng brand sa dibdib at pantalon. May nakasabit pang mga susi malapit sa bulsa nito. May bitbit itong tatlong supot at mula sa likod ay may nagpakitang isang simpleng babae. Nakaterintas ang buhok. Mukhang bata pa... morena at nakaputing dress. Maganda. Napakasimple. At mukhang mahiyain. May bitbit ding isang mas malaking supot.
“Lily, meet my niece... Roana.”
Tuluyan na ring lumingon dito iyong si Lily. Ngumiti pa at lumabas ang malalim at maliit na biloy nito. Ngumiti na rin ako. Talagang inosenteng-inosente ang mukha. Kaya siguro nagustuhan ni Tito Titus. Iyon nga lang habang tinititigan ko nang matagal ay napansin ko na voluptuous ang katawan nito. Natatakpan lang talaga kainosentihan. Napagtanto ko rin kung ano ang higit na nagustuhan ni Tito Titus mula rito.
“Ah, nga pala, Roana. Binilhan ka na rin namin ng iba pang kailangan mo. Pakicheck na lang at baka may nakaligtaan pa kaming iba.”
Nilapag kaagad ni Lily iyong hawak nitong supot doon sa isang sofa. Lumapit ako at nagpasalamat bago sinilip ang mga binili nito. Namula lang ako noong makitang may isang pack ng medium size panties. Bakit may ganoon?
“Pasensya ka na, marahil nagtataka ka kung para saan iyan. Nasabi kasi ng Tito mo na nagpapabili ka ng pads, baka kasi kailangan mo ring magpalit ng panibagong panloob.”
Ngumiti na lang ako at tumango. Siguro. Ewan. Nahihiya lang talaga ako kapag ganito na ang pinag-uusapan. Saka may kasama pang lalaki.
“Tito, baka tapos nang magluto si Manang. Sa kusina na po tayo.”
Iniwan namin ang supot doon. Mukhang mga personal na bagay lang naman ang nandoon. Baka nga ipinagbili pa iyon ni Tito Titus para kay Lily. Halata namang natutuwa si Tito Titus para rito. Iba kasi ang mga titig nito. Parang natutuwa. Ewan. Hindi ko naman talaga masyadong kilala si Tito Titus kaya wala akong masabi pang iba.
Masarap kakuwentuhan si Manang. Magiliw at talagang marami akong nalalaman. Minsan nakikisali rin naman si Lily kaya lang mas madalas nitong kausapin si Tito Titus.
“Pwede po bang sumama?” Tanong ko kalaunan. Hindi gaanong kalayuan ang dalampasigan na tinutukoy nito. Nasabi na rin ni Tito na pwede talagang lakarin mula rito. At pagkatapos ng isang mas manipis na kagubatan ay karagatan na iyon.
“Oo naman, matutuwa ang anak kong makilala ka.” Halata ang galak sa boses nito.
Bukas na iyon. At sinabi ni Tito na pwede kaming magdala ng pagkain. Baka kasi mawili kami at matatagalan ulit bago umakyat. Akala ko kami lang... para kasing gustong sumama ni Lily. Na hindi yata nakaligtas sa mga mata ni Kuya Rameil.
“We can also join them, Baby.” Tawag pansin nito rito na talagang kumislap ang mga mata.
Ngumiti na lang ako at ibinaba ang mga mata bago sinubo ang huli broccoli.