“Halika ka, ineng... tutulungan ka raw ni Pablo.” Aya ni Manang pagkatapos na maghanda sa gagawin namin mamaya.
May dala pa akong bayong at nandoon lahat ng susuotin ko mamaya. At ang tinurong tutulong daw sa’kin ay yong lalaking nakatitigan ko kahapon. Ito ang kasama ni Tito Titus na nagbuhat ng punong putol.
“Ako na,” nahihiyang abot nito sa dala ko. Iiling nga sana ako kaso lumapit sina Tito At Lily saka nakipagkuwentuhan kina Manang.
“Magugustuhan mo rito, panigurado.” Biglang sabi ni Lily.
Ngumiti ako at tumango saka naglakad. Sumunod din ang mga ‘to habang nakasunod ako kay Manang. Bali lima kami ngayon. May dala pang mga pagkain. Si Manang personal na mga gamit ang dala... puro sina Tito at yong Pablo ang nagdala ng mga pinaglagyan ng mga pagkain at gagamitin mamaya.
Sampung minuto lang naman ang lalakarin. Pababa at mabilis. Klaro ang daan na para bang sinadyang ganoon. Para siguro madali lang kapag gustong maligo sa baba.
Nakasunod sina Tito at Lily. Nandoon ako sa gitna at nauuna sina Manang. Nakasunod din si Pablo at panay ang silip dito. Hindi naman kami mawawala. Saka ayaw ko ngang maligaw. Pokus ako sa paglalakad dahil di ko kabisado ang lugar.
“Babalik ako ng sentro sa Lunes. Ihahatid mo ba ako?”
Narinig ko na tanong ni Lily. Ayaw ko sanang makinig kaya lang sa sobrang lapit ng dalawa, hindi maiiwasan.
“I will try, Baby...” sagot ni Tito.
Mas binilisan ko na lang ang paglalakad kaya naabutan ko sina Manang. Saktong lumingon si Pablo kaya nagulat ako at nadulas patungo sa kanya. Unang nakita ko pagkadilat iyong pulang-pula niyang tenga na nasisinagan ng araw.
“Niece, are you okay?” Pati si Tito ay nagulat sa nangyari. Di ko nga namalayan na mabilis pala itong nakalapit at parang kay gaan lang na itinayo ako nang mabuti. Napatitig tuloy ako kay Pablo na napalunok muna bago umiwas.
“Sorry, nadulas lang.” natatawang sabi ko. Kunot noo pa rin si Tito. Sumimangot tuloy ako lalo na at alam ko kapag ganyan na ay nagsusuplado na naman iyan.
“Kumapit ka sa’kin.” Iritableng utos nito at ikinawit ang kamay ko sa braso nito. Mas lalo tuloy akong napasimangot at sinilip si Lily na ngumiti nang mahinhin.
Sa ilang minutong paglalakad, para akong batang nakakawit kay Tito Titus. Minsan sinusubukan kong kumawala, kaya lang para nakakaramdam at hinihigpitan ang paghawak sa kamay ko. Nakawala lang ako noong nasa bulwagan na kami.
Tanaw na tanaw namin ang malawak na karagatan. Kulay berde at masyadong kumikislap, siguro dahil tanghali na at mainit pa.
“This is amazing,” bulong ko. Nakanganga. Habang nakatayo sa ibabaw ng bato. Ganito pala rito. Ang ganda-ganda.
“Baba muna tayo,” bulong ni Tito kaya napalingon ako at sumunod sa kanilang naglakad sa gilid ng bato at naroon ang ilang baitang na hagdan pababa... hagdang gawa sa bato. Mukhang sinadya.
Nilapag kaagad nina Pablo at Tito ang mga pagkain sa gilid ng maliit na kubo. Mukhang bago pa lang at ganito katibay. Walang upuan... papag lang talaga para sa mga dalang gamit o pagkain. At maliban doon ay wala na. Mabuti na lang puro malalaking bato at puting buhangin lang ang nasa paligid. Kahit papa’no hindi nakakatakot.
“O? Maliligo ka kaagad ineng?” Tanong ni Manang nang nakita akong nag-aangat ng damit.
Ngumit ako at tumango bago isinampay ang pinaghubaran. Ganoon din sa manipis na pyjama.
Pagkalingon ko nga ay ngumiti pa si Tito at nagthumbs up. Pinapayagan ako! Syempre naman at minsan lang ‘to.
Nauna ako sa dalampasigan. Hindi ko naman naramdamang sumunod ang iba. Itinampisaw ko lang muna ang mga paa. Bago nagtumbling. Tawang-tawa tuloy si Tito, rinig ko... at para bang nakakatawa itong ginagawa ko.
Umiling ako at nakangiting bumalik saka hinanap sa bayong ang dalang camera saka sinabihan si Tito na kunan ako noon. Nang silipin ko si Pablo ay napaiwas ito. Bakit ba parang naiilang ito? Ngayon lang ba ito nakakita ng nakatwo piece?
“What am I going to do this?” Agaw pansin ni Tito.
Sumimangot ako at tinuro ang dalampasigan. Sinilip ko pa si Lily na inayos ang mahabang buhok. Medyo wavy at makapal iyon. Mas lalong bumagay sa inosente nitong mukha. Siguradong ganoon ang mga tipo ni Tito Titus. Akala niya siguro hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Manang noong kahapon. Maraming babae na siguro ang dumaan dito.
“Anong gagawin ko?” Ulit ni Tito na nagpakurap sa akin.
Hinila ko na lang ito at dinala sa dalampasigan. May gagayahin ako at gusto kong kunan iyon ni Tito Titus. Iyong side cartwheel. Scissor sa ere. Sana lang magawa ng mabuti.
Sinabihan ko si Tito at mukhang gets naman nito. Sinubukan ko sa una at nang tingnan ko e sumimangot ako. Hindi klaro at parang minadali. Inulit ko pa... hanggang sa nanakit ang mga kamay ko pati tuhod dahil minsan hindi naiiwasang lumunod.
“Tito naman...” simangot ko na tinawanan lang nito.
“Masyadong kang mabilis,” tukso nito.
“Huli na ‘to... ayusin niyo naman po Tito.” Irap ko rito.
Natawa lang ito at sa huling subok nakuha na rin nito sa wakas. Tuwang-tuwa ako habang nakasplit ang mga binti ko sa ere habang nasa buhangin naman ang mga kamay.
“Okay na? I thought you’re gonna split into two...” tawang-tawa na silip nito.
“Tumigil ka nga...” simangot ko pa na ikinatawa niya lang.
“Mabuti hindi ka nasisilipan diyan sa suot mo...” sabi nito pagkatapos na paulit-ulit kong tinitingnan iyong kuha.
“Hindi naman siguro,” kibit balikat ko.
Umakbay pa ito sa akin at idinikit ang pisngi nito sa pisngi ko. Kaya para siyang nakayukod sa sobrang tangkad niya. Sinilip ko nga siya at nakita sa malapitan iyong kulay asul nitong mga mata. Manang-mana sa tatay nito. May pinagmanahan talaga... samantalang ako, simula noon hanggang sa nalaman ko ang totoo, ay wala akong makitang kamukha sa mga kamag-anak.
Napaiwas na lang ako lalo na roon sa bumabarang bikig sa lalamunan at tinitigan ang picture na kanina pa pala zinozoom ni Tito Titus. Namilog tuloy ang mga mata ko lalo na roon sa medyo tumagilid na bikini! Paano ba naman kasi, kanina pa ako paulit-ulit kaya siguro natabig pagilid.
“Nagshe-shave ka ba?” Biglang tanong ni Tito Titus na nagpakibot sa puso ko.
Mukhang normal naman ang pagkakatanong nito... ako? Ewan! Sa loob ng ilang araw na pagbabar medyo nasanay na rin ako sa lalaki. Kaya lang, iba pala talaga kapag si Tito na ang nagtatanong.
“H-hindi,” sabi ko.
Napahiwalay ito at napatitig sa akin. Ako naman napalunok ng isang beses.
“Brazilian wax? Narinig ko lang,” kibit balikat na tanong nito.
Kabado bente. Iyon ang nararamdaman ko. Grabi makatibok itong puso ko. Para namang hindi ako lumaking kinilala itong Tito. Kaya nagugulat akong ganito kalakas ang pintig. Para bang nagpapalpitate, gayong hindi naman ako nainom ng kape.
“H-hindi rin,” sagot ko bago napayuko at muling tinitigan ang picture na kanina pa pala pinipindot nang pakaliwa at pakanan ang nakazoom na picture. Parang may tinitingnan ng mabuti.
“Bakit parang wala namang buhok?”
Nanginig na ang mga daliri ko at nanghihina ang tuhod. Hindi naman ako ganito ah? Natsansingan na rin ako noon sa bar, ilang ulit na rin akong nabastos... at ilang ulit na ring may nag-ayang mag-ONS... dito lang ako naapektuhan ng sobra. Siguro kasi... Tito ko pa rin ito at hindi tama ang pagkakatanong nito.
Doon na ako natauhan at tinabig ang kamay nitong nakahawak sa DSLR. Di na tama. Di normal. Kahit sabihin pang ampon lang ako.
“That’s beyond my privacy, Tito...” bulong ko rito. Natigilan ito. Mukhang naoffend sa sinabi ko. At ako naman itong nakakaramdam kaagad ay napalingon sa kanya at bahagyang yumuko.
“Sorry,” hinging paumanhin ko rito.
Tumango ito nang angatan ko ng mga mata. Ngumiti pa nang bahagya na parang wala lang iyon.
“I think I asked too much... I just wondered, Niece...” iling nito. Totoo nga yata sa sinabi.
Nakagat ko na lang ang labi at tumalikod doon sa kubo saka tinitigan si Tito. Mahina yata ako eh. Hindi ko kayang tiisin na ganoon na lang.
“A-ano, hindi ako masyadong tinutubuan po, Tito...” sabi ko napakagat labi pa.
Napaawang ang labi nito. Ako nama’y hiyang-hiya kaso nasabi ko na kaya paninindigan ko na lang.
“Totoo? Walang masyadong buhok?” Ibinaba pa nito ang mga mata doon sa ibaba. Naiilang naman ako kaso nasabi ko na.
Tumango ako.
“Wow...” naaamaze na sabi nito. Parang nalula sa nalaman. Samantalang pulang-pula ako sa nangyayari. Masyado na ngang mainit, dinagdagan pa nang tuwa sa mukha nito.
“I’ve never seen one,” komento nito.
Umiwas na lang ako at hindi masyadong inisip ang sinabi nito. Bahala ito. Basta, malinis na ang konsensya ko at nasagot na ang kuryusidad nito. Tapos na iyon... kaya okay na. Pwede na ulit akong mag-enjoy.
“I hope Lily won’t shave hers...” bulong nito.
Ngunit dahil hindi pa naman sira ang pandinig ko ay narinig ko pa rin iyon. Nalaglag tuloy ang panga ko at napalingon sa likod. Kung saan nakikipagtawanan si Lily kasama sina Manang. Ano raw?! Yong inosenteng mukhang yon naghuhubad sa harap ni Tito? Alam ko namang madumi ang isipan ko pagdating sa dalawang ‘to... kaso para makumpirma mula kay Tito? Ibang usapan na iyon.