4

1795 Words
Ngumiti ako, kunwari ay hindi ko napansin iyon saka nilingon muli ang hawak na DSLR saka nilipat sa iba pang nandoon. “Mainit Tito, balik po muna tayo ron.” Natawa lang ito at mas lalong lumiwanag ang mga mata . Siguro kasi ganoon? Ewan ko ba. Ipinilit ko ang bumalik kina Manang saka naupo doon sa upuan na kung saan nila nahablot bago nag-abot ng tubig at uminom at tinanaw na lang ang karagatan. Parang nawala iyong excitement ko sa nangyari. Mas gusto ko na lang maupo roon at tumahimik. Bakit naman kasi ganoon ang mga tanong ni Tito? Para namang hindi nito alam na alam ko ng ampon ako. “Nauuhaw ka pa ba? Ikukuha pa kita,” biglang singit ni Pablo. Ngumiti ako at umayos nang upo, para lang matitigan ito. Tipikal na pinoy... morenong-moreno, matangos naman ang ilong kahit papa’no. Saka amoy maginoo. “Okay na ‘to, mauubos ko pa yata.” Tawa ko at tinulak itong tubig na dala namin. “Okay lang. Malapit lang naman, baka gusto mo ng malamig.” Umiling na ako at hinarap muli ang karagatan. Saka sinilip si Tito na tinutulungan si Manang sa pag-aayos ng mga dala naming pagkain. Napansin ko ang titig ni Lily, parang tutunawin pa yata ng taong ‘to ang walang alam na si Tito Titus. Mukhang inlove na inlove, ah? Tumayo ako at hinarap si Pablo na mukhang nahintakutan at naninilat ang mga mata. Pansin kong bumababa iyon ngunit pinaninindigan yata nito ang pagiging maginoo. “Samahan mo muna ako, please?” Aya ko rito. Tumango ito at tumayo nang maayos bago umikot. “Saan kayo?” Nagulat ako sa tanong ni Tito na akala ko e masyadong abala para mapansin pa ang ginagawa ko. “Maliligo po, Tito. Papasama lang ako kay Pablo.” Baling ko sa katabi. Tumayo rin nang tuwid si Tito at nilingon si Lily na kumurap-kurap pa at mukhang nagulat sa pagbaling ni Tito rito. Lihim naman akong napangiti. Muntik na! Para namang hindi magsyota kung mailang itong isa. Akala niya yata hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila ni Tito kahit takpan pa nito ng kainosentihan iyang nangyayari. “Gusto mo na rin bang maligo? We can join them,” anyaya nito. Unti-unting tumango si Lily. At saka nahihiyang humalungkat ng susuutin. Naghintay ako. Hanggang sa nakontento ito sa suot na sleeveless at maong shorts. Hindi ako makapaniwalang napatitig kay Tito Titus. Bakit ganoon? Para talaga itong inosente. Ibang-iba sa inaasahan ko at sa kung paanong nadudulas si Tito pag tungkol na rito. Ewan, Bahala na nga... naglakad na lang ako habang nakasunod sina Tito mula sa likod. Nauna akong nagtampisaw. Sinuong ko iyong malumanay na hampas ng dagat. Hindi maalon... sadyang normal. Kaya nang naramdaman kong pwede na akong sumisid ay ginawa ko. Lumangoy pa ako... palayo... palayo nang palayo. Hanggang sa nagulat ako noong may pumulupot sa bewang ko at may nag-angat. “Niece?! What are you thinking?!” Hinihingal na sigaw ni Tito. Namimilog naman ang mga mata ko sa gulat. Lalo na roon na para itong sumabog. Galit ba?! Bakit ito nagagalit?! Anong nagawa ko?! “Tito, I was just swimming!” Napasigaw na rin ako. Hindi ko maintindihan itong galit nito. Para namang may nagawa akong mali. “Swimming?! Sa layo nito?!” Galit ito. Galit nga! Hindi ako magpapakamatay! Ngayon na napagtanto ko kung bakit galit ito, natatawa na lang ako. “Tito naman...” iling ko. Huminga ito nang malalim. Mahigpit pa rin ang hawak sa bewang ko. Para namang tatakasan ko ito... eh hindi! Wala akong balak na ganoon. “You should swim but not this far...” bulong nito. Tumango na lang ako para matigil na ito sa kapraningan. Okay lang naman ako maliban sa nararamdamang pulikat. Napangiwi ako habang nakatitig kay Tito Titus na unti-unti nang binibitawan ang bewang ko. Napahigpit tuloy ang kapit ko sa braso nito. Natigilan din ito at nagtatakang napatitig sa akin. “Muscle cramps... sandali lang, Tito.” Kinakabahang tawag ko rito. Mahigpit pa rin ang pagkakapit ko sa braso nito. “s**t!” Nagulat ako at mas lalong naninigas ang hita ko, at sa tuwing sinusubukan kong kumilos ay kumikiliti... “Teka lang,” tawag pansin ni Tito at inangat ang bewang ko saka nito pilit na inaabot ang hita ko at hinihilot-hilot sa ilalim ng tubig. Napapangiwi na lang ako. Pumikit na lang ako nang mariin saka idinantay ang noo sa balikat nito. Mas lalo akong nanghihina... nanginginig na yata sa pinaghalong kiliti at ngilo. Napaungol pa ako nang bahagya. At kagat ang labi. Natawa ito, at nakatanggap pa ako ng tukso na ikinapula ko. “Parang sarap na sarap, ah?” Aliw nito. Umiling ako at sumilip sa likod nito. Medyo malayo kami sa dalampasigan kaya hindi ako sigurado kung ano ginagawa nina Lily at Pablo. Wala namang naglakas loob na sumunod. Nandoon pang sila, nag-eenjoy nga yata. “Had you been kissed?” Biglang singit ni Tito. Napabaling tuloy ako sa kanya at napatitig nang matagal. Ngumiti ito, parang may gusto lang talagang malaman. “S-secret lang po Tito, ah? Opo...” sagot ko rito. Tumango ito, nangingiti pa rin bago bumaba ang mukha at sinungkit nang isang beses ang pang-ilalim kong labi. Namilog tuloy ang mga mata ko. Hindi ko maintindihan, kung bakit ganoon. Parang hangin, na parang marshmallow, at matamis kahit maalat naman ang dagat. “Torrid?” Tanong nito ulit. Tumango ako at hindi ko maintindihan kung bakit kinailangan ko pang sagutin iyon. Hindi naman dapat ah? Kasi kahit sabihin pang alam na naming pareho na hindi kami magkadugo ay hindi pa rin ito magiging tama. At tulad nang tanong nito ay muli nitong sinungkit ang labi ko. Kaya lang, this time, agresibo... kasama kaagad ang dila. Tulad ng mga natutunan ko ay sinunod nang labi ko iyong mga alam ko. Hindi ko rin alam kung bakit wala akong makapang pandidiri... sabagay, hindi ko naman ito kadugo. Plus, Uncle is just hot. Mas hot pa yata sa mga naging boyfriend kong palihim, at sa mga ka-fling. “Galing,” komento nito. Napanguso na lang ako at nahihiya. Nawala na iyong pulikat. Tumigil na rin sa kahihilot si Tito. Ngunit ramdam ko iyong kamay nitong humahaplos sa hita ko paakyat. Na hinayaan ko at pinakiramdaman hanggang sa tumigil sa ibaba nang aking pang-upo. Napalayo tuloy ako nang kaonti, ngunit dahil makulit si Tito ay mas lalo niya akong inilapit sa sarili kaya napadikit tuloy ako sa dibdib nito. Bumaba pa ang mga mata nito at sinilip iyong gitna namin. “You don’t mind, right? We’re not blood related.” Sabi nito na ikinabigla ko. Nanlalaki tuloy ang mga mata ko lalo na roon sa naramdamang kamay nito na sumisiksik sa dulo ng suot kong bikini. Nasa pang-upo ko na nga iyong daliri nito... pumipisil. Natauhan na ako at tinulak ito saka sumilip sa likod. Walang nakakapansin. Sa layo namin. Wala talagang makakapansin. “You sure?” Tukso nito at kinabig uli ako para lang dumikit lalo sa katawan nito. Napasinghap ako lalo na roon sa pagbuhat nito at pinulupot kaagad ang binti ko sa bewang nito. Dahilan kung bakit... ano, kinalas ko kaagad kasi, ano... “Nabigla yata kita,” tawa nito. Nahihimigan pa rin ang pang-aasar nito. Paanong hindi! “Tito naman... you’re cheating po.” Pulang-pula na sabi ko. “Hmm...” ngisi nito. Umiling ako at nag-aalalang sumilip muli sa likod. Baka kasi sa sobrang pang-aasar nito ay biglang lumapit ang dalawa at hindi na namamalayan. “Kumusta ang Maynila?” Tanong nito, Ngumuso ako at napatitig sa mga mata nitong asul na asul. Ayaw pa rin mawaglit sa isipan ko iyong naramdamang bukol na sumentro dito sa ibaba ko. Kaso, kailangan ko nang alisin iyon sa isipan ko. Kahit nangilabot ako sa pagkakatusok. “Maingay,” sabi ko na lang. Para na rin matigil na at kailangang-kailangan na naming bumalik. “I heard from Agnes, you were a bit a headache lately? Was that about what you found out?” Tanong pa nito. Tumitig ako rito. Nitong huli lang naman ako nahuli ni Tita Agnes... yong mga iba pa ba ay alam din ni Tita? Hindi naman siguro kasi wala naman itong sinasabi. Nag-iingat din ako ng kaonti noon. “Nagrerebelde Tito,” sabi ko na lang. Natawa ito, “Tumawag si Agnes kagabi, hinahanap ka... sorry, Niece. But I had to tell her.” Namimilog na lang ang mga mata ko. Sinabi niya?! Sinabi niya! Kailangan kong mag-isip ng ibang paraan. Akala ko pa naman hindi nito sasabihin. Kasi nakiusap ako. Akala ko pa naman kakampi ko ito. “Don’t worry, I told her not to bother you for awhile... hindi ka mahahanap noon dito. No signal, Niece. Plus, they didn’t know that I built a house here. You’ll be safe. Ayaw ko lang mag-alala iyong kapatid kong iyon baka atakehin din sa puso.” Lumunok ako at nakontento na lang sa sinabi ni Tito. Tama na siguro iyon. Oo nga baka matulad kay Lola at atakehin din sa puso si Tita Agnes. Hindi na ito bumabata. At hindi ko alam kung anong sakit pa ang meron ito. Hindi naman kami close kaya wala talaga akong alam. “So?” Baling nito. Nagtatakang napatitig na rin ako sa kanya. Na ngayon nga’y ngumingisi. Na para bang may nakakatwang pangyayari. “Anong sakit sa ulo ang ginagawa mo noon? Tulad ng sinabi ni Agnes.” Kuryusong tanong pa nito. Napalunok na lang ako at nahihiyang napakamot ng batok. “A-ano, I partied Tito...” amin ko rito. “With boys?” Nakataas kilay na tanong nito. Tumango ako, oo totoo naman... may ilang boys. “You got drank? And what happened next?” Tanong pa nito. Ngumiwi ako at inalala ang ilang ulit na tumatakas ako noon, hindi naman ako sobrang naglalasing. Nitong huli lang. Siguro lumala dahil sa sobrang pag-iisip. “Nothing,” iling ko. “Sigurado ka? O nahihiya ka lang?” Nagdududang tanong pa nito. Umiling ako. Totoo naman, wala pagkatapos nang maging tipsy. Pinipilit kong umuwi kaagad. “Hindi ka ba inaaya ng mga nakakasayaw mo sa Bar?” Kumunot ang noo ko. Oo naman! Inaaya akong makipagdate pagkatapos noon kaso isang malutong na ‘hindi pwede!’ ang lagi kong sagot. “Ibang usapan na kasi kapag sinagot kong pwede, Tito. Saka iba ako, kung anong nangyayari sa Bar... do’n lang iyon. Wala nang kasunod.” Natawa ito, “Mahihina pala,” sabi nito. Nagulat ako roon sa paghaplos muli ng kamay nito sa hita ko. Paakyat ulit. “Kung ako iyon—“ putol nito, umiling pa. Nakaawang na lang ang labi ko. Kinukutuban na ako sa nangyayari. “Yari ka sa akin... “ ngiti nito. Samantalang pinangilabutan ako sa narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD