# CHAPTER03
Sa mga binitawan niyang salita ay daig ko pang pinagsakluban ng langit at lupa. What the hell is he talking about? Anong pinagsasabi niya na makita niya ang nga damit ko sa bedroom floor niya? Porke't iba na ang hitsura niya sa paningin ko sa mga oras na ito, madadaan niya ako sa mga kabaliwan niya! Daig pang tinamaan ng kidlat sa sobrang bilis ng pagbabago niya.
Ako na mismo ang pumutol ng aming tinginan. Muli ko hinawakan ang doorknob. Nagbabalak akong bumalik sa loob at iwan nalang siya sa labas. Nagbabaka sakaling uuwi nalang siya at wala na akong panahon sa mga biro niya. Mas mainam na nga ito at mas maiging kakausapin ko ng masinsinan ang mag-asawang Suther at Laraya Hochengco na bawiin ang kagustuhan nila na ipakasal sa akin ang anak nila! Wala talaga sa priorities ko ang bagay na 'yan lalo na't ako ang breadwinner ng pamilya namin. Kapag pinatulan ko pa ang Pierson Ho na 'yon ay tiyak mas lalala lang ang problema.
Akmang umatras ako ng isa pabalik sa loob ay naudlot pa nga. Medyo nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang kamay niya na nakahawak sa pinto! It's beyond on my imagination that he will stop me! "Wait, Miss Montano!" he said loudly.
"What do you want, Mr. Ho? Wala na akong panahon na kausapin ka. I need to talk to my family regarding with this mess!" hindi ko naman mapigilang suminghal. Kulang nalang ay mahisterikal na ako. I don't really want my family will left confused. "So please, umuwi ka na sa inyo---"
"But I need to see you---"
"I said, I don't have time." mas matigas kong saad.
Kita ko kung papaano siya nawindang sa naging ekspresyon ko. Sa lagay niyan ay tila ngayon lang niya ako nakita na maging ganito. "Atleast accept this." inangat ang isa niyang kamay. Bumaba ang tingin ko doon. Oo nga pala, may dala nga siyang bouquet para sa akin. Sa lagay ngayon ay medyo nag-aalangan na ako kung tatanggapin ko ba o hindi. "I promise, once you accept this, I'm going to go home..."
"Lovelyn?" halos matalon ako sa kinakatayuan ko nang marinig kong boses ni Salve mula sa likuran ko.
Mabilis pa sa alas kuwatro nang tinanggap ko ang mga bouquet saka isinara ko ang pinto. Pero bago man at nahagip pa ng aking tingin na parang may gusto pa siyang sabihin pero inunahan ko na siya sa pagsara kaya hindi ko nakuha ang idudugtong niya. Agad din akong humarao kay Salve kahit na mapupuna niya na may hawak akong mga bulaklak.
"Oh, saan galing 'yan?" ang bouquet ang tinutukoy niya. As what I expected.
Isang pekeng ngiti ang iginawad ko sa kaniya. "Mukhang maling address ng nagdelivery nito. Kawawa naman yung delivery boy, tinanggap ko nalang para hindi sayang ang effort." palusot ko pa.
Sa sinabi ko ay hindi mapigilang tumalikwas ang isang kilay niya. Halatang hindi siya naniniwala at wala na akong magagawa pa doon. "Delivery boy nga ba...?" nahihimigan ko pa ang pang-aasar. Dumaplis ang tingin niya sa pinto mula sa akin. "Medyo nakita ko ang mukha ng delivery boy. Guwapo. Pormadong pormado, ano?" naiiling niyang sabi, may halong sarkastiko saka humalukipkip at tinalikuran na ako. "Maya maya matulog ka na at may pasok ka pa bukas. Mauuna na ako."
Hinatid ko lang siya ng tingin hanggang sa nakapasok na siya sa kaniyang kuwarto. Nang marinig ko na ni-lock na niya ang pinto ay isang malaking buntong-hininga ang pinakawalan ko. Binaba ko ang hawak kong bouquet. Sumandal ako sa pinto at pumikit ng mariin. "Ang shunga mo, Lovelyn. Ang shunga-shunga moooo." mariin kong bulong sa aking sarili.
Nagpasya na din akong pumasok na sa aking kuwarto. Nang maisara ko na ang pinto ay marahan kong ipinatong ang punpon ng mga bulaklak sa mesa na nasa tabi lang ng aking kama. Umupo ako sa gilid. Tinititigan ko ang mga bulaklak. Ngayon, nag-iisip na ako kung ano ba ang dapat kong gawin bukas? Kung papaano ko ba siyang haharapin? Hindi ko naman siya pupuwedeng iwasan lalo na't anak siya ng boss ko. Kahit balik-baliktarin pa ang mundo ay boss ko din siya. Mahaharap at makakaharap ko pa rin siya. Isa pa, kailangan ko din makahanap ng pagkakataon na makausap ng personal sina Sir Suther at Ma'm Laraya. Kailangan kong pigilan ang engagement o kasal hangga't maaari. Alam kong mahirap makalapit sa mag-asawang Hochengco kahit na sa iisang kumpanya pa kami. Pero hindi bale, gagawa pa rin ako ng paraan.
**
Mas pinaaga ko pa ang pagpasok ko kinabukasan. Sinadya ko talaga 'yon para hindi ako maabutan ni Pierson Ho. Tama, nag-uumpisa na ang pag-iiwas ko sa kaniya. Siguro naman ay maiitindihan na niya na malaki ang pagtutol ko sa sinasabing kasalan na magaganap. Kahit na sabihin natin na malaki nga ang respeto niya sa mga magulang niya, para sa akin naman ay hindi na tama 'yon. He have own life. He need to choose someone else. 'Yung tipong kilalang kilala talaga niya, unlike me who's totally stranger.
Tikom ang aking bibig nang lumabas ako sa isa sa silid. Tapos na akong magtime in. Papasok na sana ako ng elevator nang biglang may sumagi sa aking isipan. Ang workplace ko ay mismo sa loob ng opisina ni Pierson Ho. Dahil d'yan ay pumikit ako ng mariin saka kinagat ang aking labi. Ugh, bakit hindi ko naisip 'yon kagabi? Dahil ba sa sinisink in ko pa kung ano ang mga naganap kahapon pa?
Sumagi sa isipan ko na kailangan kong makausap ang mismong HR Department kung pupwedeng magrequest na magpalit ng departamento. Kahit anong trabaho ang ipapagawa nila sa akin ay magagawa ko basta ba hindi muli magkukrus ang mga landas ko sa kaniya anuman ang mangyari.
Humarap ako sa pinanggalingan ko kanina pero nanigas ako sa kinakatayuan ko nang tumambad sa akin ang lalaki na kinakailangan kong iwasan. Kakatapak niya lang ng lobby. Tulad ng inaasahan ay halos sabay na bumati sa kaniya ang mga empleyado. As if he's a noble that should pay a high respect or something if he's wearing a three-piece suit. Malaki nga ang ipinagkaiba niya kapag suot niya ang normal na damit tulad kagabi. I can describe him as a boy-next-door. But no! Delete! Delete! Hindi dapat ako magpapadaig sa mga natuklasan ko. Matindi akong lumunok sabay tumalikod ulit para hindi niya ako matunugan. Lumipat ako sa kabilang elevator na. Sakto na may iba pang empleyado na nakatayo, nag-aabang sa pagbukas nito. Right, I will take that opportunity to hide as possible! Gagawin kong harang ang mga ito.
Yakap-yakap ko ang aking bag. Doon ako humuhugot ng lakas ng loob. Ilang beses akong nangangalangin na sana at hindi ako mahagip ng kaniyang paningin.
Napatingala ako nang tumunog na ang elevator. Sumabay ako sa agos hanggang sa tagumpay akong nakapasok sa loob ng elevator. Nakahinga ako ng maluwag. Finally, nakatakas din. Kulang nalang ay magsara na ito.
'Please, please... Magsara ka na.' akala mo ay tao kung kausapin ko ang pinto ng elevator.
Isang hilaw na ngiti ang umukit sa aking mga labi nang unti-unting nagsasara ang pinto pero bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na naudlot ang tuluyan na pagsara nito. Muli itong bumalik mula sa pagka-awang. Halos malaglag ang panga ko nang tumambad sa akin si Pierson Hochengco na nakatayo mismo sa harap ko. Nakamulsa at talagang diretso ang tingin sa akin sa pamamagitan ng malalamig niyang tingin. Sa hindi ko malaman na dahilan ay bumilis ang kabog ng aking dibdib. Yeah, kinabahan ako kahit wala naman talaga akong ginawang masama, maliban lang sa pag-iwas ko sa kaniya!
"G-Good morning, Mr. Ho..." rinig kong bati ng mga empleyado mula sa likuran ko. Alam kong kahit sila ay nawindang sa biglaang pagsulpot ng anak ng boss nila na boss din nila.
"My elevator is broken. You wouldn't mind to join you, there's any space available?" kaswal niyang sambit sa amin.
Mas ikinagulat ko pa na halos pagtulakan ako ng mga tao. Nang bumaling ang tingin ko sa kanila ay napansin ko na isa-isa silang lumabas saka humarap kay Pierson, maliban lang sa akin. "Mauna na po kayo, sir. Wala pong problema sa amin."
"You sure?"
"Of course, sir." sabay nilang sagot.
Ngumiti sa kanila si Pierson. "If that so, I owe you this one." saka humakbang na siya papasok dito sa loob. Napaatras ako nang abutin niya ang buton ng elevator. "Thanks, I promise to treat you next time." pahabol pa niya bago man tuluyan nagsara ang pinto.
Nanatiling tikom ang aking bibig. I hardly try to compose myself infront if him. Gusto ko lang ipakita na walang nangyari. Na wala akong ginawa. Kung tutuusin, wala naman akong dapat ikatakot o iwasan. Maski ako ay nagtataka sa aking sarili kung bakit ko nagagawa ang mga bagay na ito.
"Now..." bigla niyang umpisa na dahilan upang maitlag ako. Seryoso siyang sumulyap sa akin. "You would mind to explain why you didn't call or tell me for not waiting me to pick you up?" maski boses niya ay mas naging seryoso.
Agad akong umiwas ng tingin. "You don't have to." halos pabulong kong tugon. "I'm not your responsibility, Mr. Ho."
"You're my finacee---"
"But I'm already declined."
Saglit siyang tumahimik. Tuluyan siyang humarap sa akin. Nanatiling nasa bulsa ang mga kamau niya. Nagtama ang aming mga mata. Mataimtim niyang akong tinitigan. Tila pinag-aaralan niya ako sa pamamagitan ng mga mata niya, kasabay na humahakbang siya palapit sa akin na siya naman ang pag-atras ko. Hanggang sa ramdam ko na lumapat na ang likod ko sa pader ng elevator. Halos ipagsiksikan ko ang sarili ko sa sulok. No, he got me in the corner! I need to escape---
Halos masuntok niya ang pader. Halos matalon ako sa gulat dahil sa kalabog. Talagang ikinulong niya ako dito. Para bang nababasa niya kung ano ang iniisip ko sa mga oras na ito. Lumunok ako ng matindi nang ibinalik tingin ko sa kaniya. "Why you keep gettting away? Anong problema sa akin, Lovelyn? Anong kulang para magustuhan mo rin ako?"
Halos kakapusin ako ng hininga dahil sa mas lalo pagbilis ng t***k ng aking puso. "Because I am a total stranger for you, Mr. Ho..." pag-amin ko. "You don't know me, and I don't know you. We're already living in a modern world. Fix marriage is not my thing. Kung matuluyan man ito, I gurantee this will be a failure. In the end, we will be divorce..."
"How can you be sure, hmm? Wala pa pero nag-assume ka na." kumento niya. "But this is not a fix marriage."
Kumunot ang noo ko. "Huh?"
He grinned. "You have no idea, my lovebug. Before the formal engagement, I'm already courting you. Hindi mo ba pansin?"
Wala akong makapang salita.
Inilapit pa niya ang kaniyang sa akin. Akmang hahalikan niya ako but he stop half-way and whispers, "I have already received a report regarding your background. Your problem is to get knowing me, right? Well, shall I pick you up for dinner? I'll let you to know me." lumihis ang labi niya sa aking tainga. "In my place."