"Can you please forward the content on my email to give my review. Ah-uh. Regarding in that matter, tell to the management of Le Moil to move the meeting on next week since I am going to do some inspections there. I will call the director later. Yeah, yeah, thanks."
Hindi ko na mabilang kung nakailang palihim na sulyap ang ginagawa ko, habang nakaharap sa computer. Nakatayo ngunit nakatalikod siya sa akin. Nakaharap siya sa labas habang nakahawak sa leather chair. Hinubad kasi niya ang business coat nang napadpad kami dito. Nakatupi hanggang siko ang mga mangas ng polo. Hindi ko rin alam kung tama rin ba itong ginagawa ko, as far as I remember, I was graduated in business management major in marketing, so how come I am here? If I'm not mistaken, this workplace is suppose to be in his secretary at alam kong mayroon nga siyang ganoon dahil napansin ko 'yon kahapon!
Nang matapos na niyang kausapin sa kabilang linya ng telepono at humarap na siya na siya din ang pagbawi ng aking tingin. Lumapat 'yon sa monitor na nasa harap ko, kungwari abala sa ginagawa. Pero sa gilid ng aking mata ay kita ko kung papaano siya bumalik sa pagkaupo. Rinig ko ang sunud-sunod na pagtipa niya sa keyboard. Napalunok ako nang nagnakaw na naman ako ng sulyap sa kaniya. That man over there is so unbelievably sexy in his serious look. Bago man niya ako mahuli ay agad ko din itinutok ang atensyon ko sa aking ginagawa. Mahirap na at baka sabihin niya ay hindi ko pinanindigan ang bukam-bibig ko na hinding-hindi ko siya papakasalan kahit anuman ang mangyari.
Para mas lalo pa ako mapalayo sa kaniya, agad akong tumayo na pagkuha ko ang pansin niya. Isang pagtatakang tingin ang iginawad niya sa akin. Kahit hindi man niya sabihin ay nagtataning ang kaniyang mga mata.
Tumikhim ako. "I need to go out for a while. I am looking for some materials for my work..." half-truth 'yon. Mabilis ko siyang tinalikuran at nagmamadaling lumabas ng kaniyang opisina.
Sapo-sapo ako sa aking dibdib nang tagumpay akong nakalabas. Para ba akong nakahinga ng maluwag. Kung tutuusin, para na akong papatayin na ewan sa loob. Medyo nakaramdam din ako ng pressure kahit na sabihin nating magkasama lang kami sa loob ng apat na sulok ng silid na 'yon. Nang mahimasmasan ako ay nagpakawala na ako ng hakbang palayo sa opisina. I want to give myself a little tour, at least. Gusto ko rin malaman kung papaano mag-operate ang kumpanya ng mga Hochengco so I want to grab this opportunity.
Halos bawat department na nadadaanan ko ay mga abala sa kani-kanilang ginagawa, bakas sa mukha ang labis na pagkamangha. Nababasa ko sa mga mukha ng mga empleyado dito na sobrang dedicated sa kani-kanilang trabaho.
Huminto lamang ang mga paa ko nang nasa harap ko ang pinto. Tumingala ako saka binasa ang nakasulat doon. Advertising room. Dahil na rin sa kuryusidad ay pinihit ko ang pinto saka sumilip---na ang ulo ko lang ang ipinasok ko.
"Nice! Very good! Excellent!" sunod-sunod na sigaw ang naririnig ko sa loob. Nahagip ng aking paningin na ang lalaking sumisigaw ay ang lalaki na may hawak na DSLR. Oh, he must be a photographer. "Try to look on your right---yes, that's it!"
Lumipat ang tingin ko sa taong kinukuhaan ng litrato. Halos maluwa ang mga mata ko nang makita ko na at ang modelo na mismong kapatid ni Pierson, si Miss Eilva Ho! A top and high engross model not only in Asia, also in Europe and America!
"Great job, Eilva. You may now take some rest."
"Thank you. direk." nakangiti at malambing na sagot ni Miss Eilva sa kausap na photographer. Tinanggap ang tuwalya na inaabot ng babae, siguro ay PA niya. Bumaling siya sa aking gawi. Natigilan siya nang magtama ang aming mga mata. Mas lumapad ang kaniyang ngiti. "Oh! Sister-in-law!" may kasama pang pagkaway sa akin.
Namilog ang mga mata ko sa pagkagulat. Kusang pumasok na din ang katawan ko nang makita kong dadaluhan ako mismo ni Miss Eilva sa aking direksyon. Talagang iniwan niya ang mga PA na mukhang hindi pa tapos na asikasuhin siya. Isang nahihiyang ngiti ang sinalubong ko sa kaniya hanggang nasa mismong harap ko na siya. "Good day, Miss Eilva..." I humbly greet. "M-mukhang nakaisitorbo ako..." wala na akong makapang salita na sasabihin pa. Matik na aatras na ako para hindi ko na siya aabalahin pa pero bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko na ikinabigla ko ng palihim.
"No, hindi ka nakakaistorbo. In fact, I am glad you're here. By the way, wala kang work as of the moment?" may bahid na pagtataka 'yon. "It's already office hours, right?"
Ngumiwi ako. Pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko na sabihin sa kaniya ang dahilan hanggang sa aksidente ako napadpad dito. "Oo, eh... At saka hinahanap ko pa 'yong materials na kakailanganin sa powerpoint na ginagawa ko..." ang tangi kong sagot. "Saka gusto ko lang makalanghap ng hangin ngayon..." pinili ko na tumingin na sa sahig.
Wala akong narinig na salita mula pa sa kaniya. Hindi kaya natunugan niya ang matindi kong pagtutol sa sinasabing engagement ko sa kapatid niya? Alam ko na kapatid niya si Pierson. As an elder sister, hindi niya hahayaan na ipakasal ang kapatid niya kung kani-kanino, lalo na't sa isang estranghero na tulad ko.
"You want to unwind for a short time, right? Why don't you join me for lunch?" aniya.
Muli na naman akong nawindang sa narinig. Ibinalik ko sa kaniya ang aking tingin. May bahid doon na hindi makapaniwala. "H-ha...?"
Lumapad ang kaniyang ngiti. "Yeah, you heard me right. Samahan mo akong maglunch mamaya. Kung ayos lang sa iyo..." sabay na niyakap ang sarili. She made a bashful smile. "If you have plans already, I understand..." may pahabol pa siya na bahagyang sulyap, animo'y tinitingnan niya kung ano ang magiging reaksyon ko.
Ako naman ang natahimik. Ughhh, bakit pakiramdam ko ay makukonsensya ako sa oras na tanggihan ko ang alok niya? Naiitindihan ko naman ang ibig niyang ipahiwatig. Kung bakit inaaya niya akong maglunch. She wants to know me better, right? "O-okay..." kusang lumabas 'yon sa aking bibig. "I will... Join you."
She give me her brightest smile right away. "Oh my! Thank you so much, Miss Lovelyn!" dahil din sa sobrang kagalakan ay hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. "So hihintayin kita mamaya sa lobby, ha? Saktong lunch tapos na din ako dito."
"Oh...kay."
**
Sumilay ang maliit kong ngiti nang nakabalik na ako sa opisina ni Pierson. Dala ko na din ang iilang dokyumento na kakailanganin ko. Naabutan ko siyang abala pa rin siya habang nakaharap sa kaniyang laptop. Binawi ko din ang aking tingin at mabilis kong binalikan ang aking desk. Inumpisahan ko na din ang aking trabaho.
"You took so long." rinig kong wika niya.
Tumigil ako sa pagtipa at bumaling sa kaniyang direksyon. "I give myself a little tour, sir." pinaghalong kaswal at pormal kong tugon.
"With my sister?" sunod niyang sabi.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang banggitin niya ang bagay na 'yon. Umawang ang aking bibig. Gustuhin ko man tanungin kung papaano niya nalaman tungkol doon ay walang boses na lumabas sa akin.
Inangat niya ang kaniyang cellphone. Ipinakita niya sa akin. "She texted me. Napadpad ka sa advertising room which the studio while she's in the middle of her work." he explain. "You finally have a conversation with your sister-in-law " and he flashes his sweet smile.
Inirapan ko siya. "That was an accident." halos pabulong kong saad.
"Since you agreed to have lunch with her, so I bet you're also agree to have a dinner with me...?"
Kumawala ako ng malaking buntong-hininga. How come this man is so persistent? Kanina pa, simulang tumuntong kami dito ay panay tanong niya sa akin kung tinatatanggap ko ang paangyaya niya tungkol sa dinner na 'yan. Wala naman akong maisagot kaya hindi ko rin siya masisisi kung bakit makulit siya. "I'm still a stranger to enter your house, Mr. Ho." I said with composure. I don't need to bother regarding that dinner thingy. At isa pa, baka hanapin pa ako ni Salve kung mas gagabihin ako ng uwi. Ayokong mag-alala sa akin ang isang 'yon.
I heard him sigh. Maybe I made him upset. Well, totoo naman ang sinasabi ko. Hindi pa namin lubusang kilala ang isa't isa kaya bakit pa ako pupunta sa bahay niya though na sinasabi na ako ang fiancee niya. But still, I don't want to let my guard down. Sa oras na pumayag akong sumama sa kaniya, baka mabigyan niya 'yon ng malisya---na pumayag nga ako.
Rinig ko ang mga yabag ng mga paa. Muli akong tumingin sa kaniya. Medyo napaatras ako nang siya na mismo ang tumambad sa akin. Ang mas ikinagulat ko pa ay yumuko siya na akala mo ay hahalikan niya pero naudlot 'yon. Kusang nagtama ang mga mata. Halos maduling na ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Halos ramdam ko na ang hininga niya. Ang pabango niya. Daig ko pang magheart-attack sa ginagawa niya! "I am too annoying, my lovebug?" nahihimigan ko doon ang kulungkutan.
"W-what are you talking about?"
"I'm just asking if nakukulitan ka na sa akin."
Ngumiwi ako. Hindi pa ba obvious? Gustuhin ko man sabihin sa kaniya ay hindi ko magawa. Tumikhim ako. Umiwas ako ng tingin. "Medyo..." pag-amin ko. Tumingin ulit ako sa kaniya. It was kinda surprise that he beamed at me with pleasure. Hindi ba dapat malungkot siya sa katotohanan? Bakit naging mas masaya pa siya?
"You're quite honest." kumento niya. "And I like that." bumaba ang tingin niya sa labi ko. "Someday, I want to hear with honesty about your feelings for me."
Sa hindi ko malaman na dahilan ay bumilis ang pintig ng puso ko. Marahan ko siyang itinulak. "Please... Let me breathe, Mr. Ho." mahina kong sambit.
He looks puzzled as I said that words. In the end, he finally got what I mean. He chuckled. "Oh, sorry."
Ang akala ko ay titigilan na niya ako pero nagkakamali ako. Walang pasintabi niyang hinawakan ang kamay ko. "What..."
"Did you know why I put you here closer to me?" he asked.
"W-why..."
"Because you bring me peace."
Lumunok ako ng matindi habang nanatili ang tingin ko sa kaniya. Ayoko na, hindi ko na kaya. Dahil d'yan, tumayo ako. Nagtataka siyang tumingala sa akin. Umirapan ko siya't nagmamadali akong lumabas ng opisina. Hindi na ako nakarinig sa kaniya na pagpigil basta ang gusto ko lang ay makatakas.
Sa pagsara ng pinto ay sumandal ako. Hinawakan ki ang magkabilang pisngi ko. Ramdam ko ang matinding init mula doon. Hindi ako sigurado kung anong ekspresyon sa mukha ang nagawa ko. Bakit hindi ako makahinga sa mga binibintawan niyang mga salita? Kulang nalang talagay ay aatakihin na ako sa puso!
"You, Hochengco... Ano bang ginagawa mo sa akin?" mariin kong ipinikit ang aking mga mata.
Naputol ang magsesentimento ko nang ramdam ko ang pagvibrate ng cellphone sa bulsa ko. Agad ko 'yon binigyan pansin. Kusang kumunot ang noo ko nang mabasa ko na unknown number ang nagpadala sa akin ng mensahe. Pinili kong basahin ang nilalaman ng text.
Hey, Lovelyn! This is Lilet. Your classmate from high school. Do you remember? I made you a contact kasi magkakaroon tayo ng alumni reunion. We didn't see you in years. I'm gladly to invite you. Next next week na. Punta ka, ha?
Nang mabasa ko ang mensahe ay nanigas ako sa kinakatayuan ko. Bigla na naman sumikdo ang puso ko. Maraming alaala ang nanumbalik sa akin buhay ng mga araw na 'yon. Humigpit ang paghawak ko sa phone. I remember why I'm cowardly stepping down in the crowd. Kung bakit takot ako sa magiging opinion ng ibang tao sa akin. Kung bakit mas pinili kong lumayo at iwan ang mga taong dumaan sa buhay ko. Sawa na ako na ako ang sentro ng pag-uusap nila. Ayoko nang dadaan ako sa harap nila na pagbubulungann at magpapalit ng masasama at masasakit na opinyon, lalo na't pagtitinginan nila ako na may halong malisya---na mababa ang tingin sa akin.
Ayokong umiyak. After all these years to endure everything. Hindi ako papayag na ganoon pa rin ang tingin nila sa akin.
Nakapagdesisyon na ako. May naisip na akong solusyon.
Mabilis kong hinarap ang pinto at bumalik sa pinto. Agad kong dinaluhan ang desk ni Pierson Ho na natigil sa ginagawa niya sa kaniyang laptop. Tumingala siya sa akin na may pagtataka. "Lovebug?"
TKinuyom ko ang aking mga kamao. Seryoso at determinado akong tumingin ng diretso sa kaniya. "Payag na ako, Mr. Ho." sabi ko.
Kumunot ang noo niya. Naguguluhan sa sinasabi ko.
"Payag na akong maging fiancee mo." sa wakas ay nagawa kong sabihin ang mga kataga na matagal na niyang inaasam.
Nanlaki ang mga mata niya sa pagkagulat. Lalo na sa sinabi ko. Napatayo siya at nilapitan ako. Hinawakan ang magkabilang balikat ko. Sa tingin niyang 'yan ay parang gusto niyang ulitin ko ang sinabi ko. "Hindi ba ako nabingi, right?"
"Papayag ako pero may kapalit. May dahilan ako kung bakit pumayag ako."
"What is it? I'm willing to listen."
"I agree to be your fiancee just for my revenge."
"Revenge...?" kita ko na hindi siya makapaniwala.
"I decided to attend on the upcoming reunion. I am an alumnae of that school. That place brings me to hell..." umiwas ako ng tingin. "And those my classmates are demons... They made my life miserable..."
"You want to show off?" diretsahan niyang tanong.
Kusa akong tumango. "I'm sorry."
"Don't be sorry..." he reached me. Mas inilapit pa niya ang sarili niya sa akin. "You're gonna be a Hochengco's wife. Since you're going to take my name, no one will touch you. No one will hurt you. My family name will protect you whatever it takes." tumitig siya nang diretso sa aking mga mata. "But if they break our rules, we will bring hell and make their life miserable."
"P-Pierson..."
"Don't dare ever hurt my peace and I'll bring war in an instant, this will be my promise, my lovebug."