Chapter 5

2394 Words
Hinagis ko ang sarili ko sa kama nang tumapak na ako sa kuwarto. Nakadapa ako pero hawak ko pa rin ang strap ng aking bag hanggang sa tuluyan ko 'yon nabitawan. Bumagsak 'yon sa sahig. Umikot ako at nakipagtitigan sa kisame. Doon na ako kumawala ng malalim na buntong-hininga. Muli ko na naman kinastigo ang aking sarili. Tama ba itong ginawa ko? Ang selfish ko naman pakinggan nang tinanggap ko na ang alok ni Pierson Ho na maging fiancee niya! Ang buong akala ko pa naman ay tatanggihan niya dahil ang dating eh manggagamit ako, pero hindi, tinanggap pa talaga niya! Pumayag siya! Ang mas nakakapagod ng araw ko ay sumabay ako sa lunch kapatid ni Pierson na si Eilva Hochengco. Natutuwa naman ako sa company niya pero siyempre may ilang pa rin akong nararamdaman dahil na rin sikat siya at mayaman, while I'm a nobody. I'm just an ordinary employee of her father's company. Kahit na pinagpipilitan na ako ang fiancee ng kapatid niya! Minsan napapaisip ako kung may saltik ba ang isang 'yon? Si Pierson? Isa pang problema ko ay papaano ko ipapaliwanag sa pamilya ko ang lahat? Ang alam talaga nila ay lumuwas ako dito ay para makapagtrabaho at makatulong sa kanila, pero ano itong ginawa ko? Nagbigay pa ako ng sakit ng ulo sa kanila! Mababalitaan na lang nila na magpapakasal ako sa isang estranghero! Ni isang beses nga ay hindi ko pa ito nakikita man lang. Dagdag pa na pormal na pumunta ang mag-asawang Hochengco sa bahay! "Lovelyn? Nakauwi ka na ba?" rinig kong katok ni Salve mula sa labas ng kuwarto. Doon na ako naglakas-loob bumangon. Dinaluhan ko na ang pinto saka binuksan. Nakatayo si Salve, mukhang kakarating lang niya, suot pa kasi niya ang kaniyang bag at nakauniporme pa. "Kakarating ko lang." tamad kong sagot, sinusuklay ng mga daliri ko ang aking buhok. "Ah okay. May dala na akong ulam dito, magsasaing na ako, ha?" "Ay, ako na-" "Okay lang. Sige na." umalis na siya sa harap ko at tinungo na ang kusina pero hindi ako nagpatinag, Sinundan ko pa talaga siya pero bago ko siya tuluyang lapitan ay biglang may kumatok. Medyo nagtataka ako. May bisita ba si Salve kaya bumili na lang siya ng lutong ulam? Lumihis ang daan ko patungo sa pinto para buksan 'yon. Muli na naman akong natigilan nang makita ko si Pierson Ho ang nasa labas! Hindi tulad noong una na naka-casual wear, ngayon ay semi-formal naman. A simple white long sleeves polo shirt, black slacks at color gray casual leather shoes. Kung kanina ay naka-brush up ang buhok para magmukhang pormal, ngayon ay nakababa na ito. "What brings you here?" kusa lumabas 'yon sa aking bibig bilang pagsalubong. Tumaas ang kilay niya saka ngumuso, nagpipigl na ngiti. "I want to visit my significant other... You're busy?" may bahid na pag-aalangan sa huling kataga na kaniyang binitawan. Bakit parang ang dating sa akin ay nagpapa-cute ito? At ano na naman itong pakulo niya? Anong significant other? Oh yeah, right. Pumayag na pala ako na maging fiancee niya. Mukhang wala na ring choice kungdi sakyan ko na lang kung ano ang pakulo niya so... Nilakihan ko na lang ang awang ng pinto na dahilan ng pagkagulat niya. Nang tingnan pa niya ako, bakas doon na parang hindi siya sigurado sa signal na ibinigay ko na pinapasok ko siya sa bahay. Nagkibit-balikat ako. Medyo nakaramdam ako ng guilty dahil pinagsarhan ko siya ng pinto noong huling punta niya dito. Malaki pa nga ang pasasalamat ko dahil nagawa pa niya akong kausapin sa kabila n'on. Siguro naman ay makakabawi ako sa kaniya ngayon. "Lovelyn, okay na-" natigilan si Salve nang napadpad na siya salas. Lalo na't nakita niya si Pierson Ho sa aking likuran. Inilipat niya sa akin ang kaniyang tingin, punung-puno 'yon ng katanungan. Inilapat ko ang mga labi saka umalis sa harap ng bisita namin para maipakilala ko siya. "Salve, si Pierson pala. Uhh, si Salve... College buddy ko..." Matamis ngumiti si Pierson nang lumapit siya sa kaibigan ko. Nilahad niya ang kaniyang palad. "Good evening, I'm Pierson. Sorry kung pumunta ako nang walang pasabi..." saka may ipinakita siyang box, nakasulat doon na Bizu. "May dala pala ako, baka lang magustuhan ninyo." sabay abot niya ang box na 'yon kay Salve. "Ay, naku! Nag-abala ka pa! Salamat! Tamang-tama, medyo marami din ang nasaing ko. Kakasalang ko lang." "No, it's okay. Binisita ko lang talaga si Lovelyn dito." sabay baling sa akin, hindi mabura ang matamis niyang ngiti. Talagang ipinapakita niya ang ngiting-tagumpay niya! Pasalamat ka't may utang ako sa 'yo! Pero wala, nar'yan na at bawal nang bawiin. "Next time, magsasabi ako bago pumunta." Humalakhak si Salve. "Walang problema! Sa totoo lang, ngayon lang nagkaroon ng bisita si Lovelyn sa tagal na magkakilala kami." tumingin din siya sa akin. "Siya, maiwan ko muna kayong dalawa." tinalikuran na niya kami habang dinala na niya ang box na dala ni Pierson sa pabalik ng Kusina. Nang nawala na si Salve sa paningin namin ay nagkatinginan kaming dalawa. Lumunok ako nang matindi. Medyo taranta kong inilahad ang aking palad sa single couch. "Maupo ka muna." alok ko pero hindi makatingin sa kaniya. "Thank you," saka umupo siya. "Anong gusto mong maiinom? Ice tea? Tubig?" Hindi niya agad ako masagot. Instead he chuckled. "Relax, lovebug. Huwag kang nerbyosin. Act normal like we're in work." malumanay niyang sambit. Ngumiwi ako at hindi na nagsalita. Sa halip ay hinihintay ko kung ano ang gusto niya at mukhang napansin niya 'yon. He sighs. "Ice tea na lang." Tumango ako saka umalis muna sa harap niya saglit para kuhaan ng ice tea. Pagdating ko ng kusina ay agad ako kumuha ng baso sa kitchen organizer. Nilapitan ko ang ref para buksan at inilabas ang pitsel ng ice tea. Habang nagsasalin ako ay lumapit si Salve. "He seems like a good man." kumento niya. Mahina 'yon, para makipagchismisan. "At talagang nagdala pa siya ng pasalubong dito." Nagbuntong-hininga ako. Hindi ko pa pala nasasabi sa kaniya tungkol sa natanggap kong text message mula kay Lilet. Sa oras na malaman niya 'yon, tiyak magagalit siya. Hindi lang 'yon, baka hindi pa niya ako papayagan na pumunta pa doon. Malaki nga ang ipinagpasalamat ko nang nakaalis na ako sa school na 'yon after graduation ng high school, nakahinga ako ng maluwag at makakarating ako sa isang unibersidad na hinding hindi ko na makikita pa ang ni isa sa kanila. "Tinatanggap mo na ba ang pagiging fiancee mo sa kaniya?" taas-kilay niyang tanong, diretsahan pa. Agad ako siyang tiningnan na may gulat sa aking mukha. Sa huli ay dahan-dahan akong tumango. Rinig ko ang singhap niya sa naging sagot ko. "Anong nagpabago sa isip mo kung ganoon? Eh diba ayaw na ayaw mo? Imposibleng wala kang rason para tanggapin na mapapangasawa ang isang Hochengco, Lovelyn." Ngumiwi ako. "Mamaya na natin pa-usapan, Salve. Pupuntahan ko muna siya sa sala." mabilis ko na siyang tinalikuran dala ang ice tea saka lumayo na. Mabuti na lang ay hindi na niya ako pinigilan pa. Nakahinga ako ng maluwag nang nakabalik na ako sa Salas. Natagpuan ko si Pierson na wala na sa couch. Nasa labas siya na tanaw pa rin siya sa mapapagitan ng pinto. Nakaside view siya. Nakapamulsa siya habang ay ang isang kamay naman niya ay may hawak ng cellphone at nakadikit 'yon sa kaniyang tainga. I could hear what he said from here. "Yes, mama. Narito ako sa bahay ni Lovelyn. Yes, yes." he muttered. Napalunok ako. So mama niya pala ang kausap niya. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya kung bakit ang bilis ng desisyon nila na maging fiancee ng isang Pierson Hochengco. Kitang kita na malayong malayo ang estado ko sa kanila. Magkaiba ang mundo na aming ginagalawan. He can live in an extravagant and luxury life, simple naman ako. Galing siya sa makapangyarihan at prominenteng angkan, ako ay hindi galing sa isang mayaman o kilalang pamilya. At the family of six, masaya at kuntento na kami sa buhay na meron kami. Kaya wala akong makitang rason para piliin na mapapangasawa niya. Kaya kung may pagkakataon man, kakausapin ko sina Madame Laraya at Sir Suther tungkol dito. Napukaw ko ang atensyon niya nang nailapag ko na ang baso ng ice tea sa mababang mesa dito sa Salas. I could also hear how her bid goodbye to his mother through calls. Pagkatapos ay lumapit na siya sa akin na may ngiti sa kaniyang mga labi. Napapansin ko na madalas na siyang nangiti pero kapag nasa trabaho, ang seryoso niyang tingnan. Parang intensyon niyang takutin ang mga empleyado. Ayoko man mag-assume ay 'yon ang napapansin ko. "Thank you," sabi niya nang kunin na niya ang baso ng ice tea at sumimsim doon. Umupo na rin ako sa single couch na nasa harap lang niya. "Bakit ka pala nagawi dito?" diretsahan kong tanong sa kaniya. Siguro naman ay may kinalaman 'yon sa trabaho. Sana. Tumingin siya sa akin. "Just nothing. Gusto ko lang mabisita ka. Hindi tayo masyado nagkausap habang nasa office tayo." "Hindi ka kanina sumama noong lunch..." ang tinutukoy ko ay kasama ko ang kaniyang kapatid na si Eilva. Muli siyang ngumiti. "I have a lot to do that time. And I don't want to interrupt. Para lalo ka pa niya makilala." Kusang kumunot ang noo ko. Huh? Ano naman ang ibig niyang sabihin doon? I mean... "Aside from that, we have a wedding to attend." "Wedding...?" ulit ko pa. Sa dami nilang magpipinsan, sino naman? "It's Nilus' wedding next week. I want to bring you there, lovebug. Para makilala mo na din ang iba ko pang pinsan at mga kamag-anak." "Uhh, kahit huwag na. Nakakahiya!" Tumitig pa siya sa akin. I could see his cold and dark eyes as I reject his offer. "Lovebug, pumayag ka man din sa set up na ito... Panindigan na natin. And besides, they won't harm you." Ano 'to? Guilt tripping ba? "It's an intimate and no medias allowed. Kaya wala ka dapat ikabahala. Hindi rin kita pababayaan sa malaking okasyon na ito. Okay, kapag ayaw mo na doon, ako na mismo ang mag-aaya sa iyo na umuwi. How about that?" I parted my lips while staring at him. Bumaba ang tingin sa sahig. Mukhang wala na nga siguro ako mapagpilian pa kungdi pumayag. Nakakahiya naman kung hindi nga ako pupunta at tanggihan siya. Isipin ko na lang na sinuklian ko ang pagpayag niya sa kondisyon ko para sa gaganaping reunion soon. "Si-sige..." sagot ko sabay tingin sa kaniya. I see his relief as I said my approval. Muli siyang ngumiti. "Then, let's do shopping-" "Shopping?" napamaangan ako. "Para saan?" "Para sa araw na 'yon." "Formal naman diba? I still have clothes upstairs-" Bigla siyang tumayo mula sa kinauupuang couch at mabilis siyang lumapit. Bahagya akong napaatras nang inilapat niya ang mga kamay niya sa magkabilang hand rest ng couch na kinauupuan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang yumuko siya't itinapat niya ang mukha sa akin, kulang na lang ay halikan ako! Diretso ang tingin niya sa aking mga mata. "Although you're not a bride, I want you to be the most beautiful lady infront of my eyes." and he gave a glanced on my lips. Sa ginagawa niyang 'yon, mas kumalabog ang puso ko! Hindi lang gulat sa inakto niya, kung gaano siya kalapit sa akin! Yes, he's handsome pero may something pa, eh. Hindi ko lang matukoy kung ano 'yon. Para bang may kakaiba pa sa kaniya. Minsan, napapaisip ako, kung nagkagirlfriend ba siya at ganito ang galawan ng lalaking ito. "P...Pierson..." "Yeah?" "Masyado kang malapit..." I said breathlessly. Hindi siya nagpatinag. Imbis na lumayo ay hindi. Nanatili siyang ganoon ang posisyon. "Lovelyn," he called my name huskily. Bakit kusang tumindig ang balahibo ko sa boses na 'yon?! Parang... Parang ang nagising ang buong kaluluwa ko?! "A-ano...?" Sumilay ang gilid ng kaniyang labi. "I was wondering what is more seductive - a woman's eyes or her lips... But then I got a better answer." Napalunok ako. Anong tanong naman 'yan? Ramdam ko tuloy ang pamamawis ng palad ko sa hindi ko malaman na dahilan. "W-what is it?" bakit nauutal ako ngayon? s**t. "You legs." Bahagyang umawang ang bibig ko sa narinig ko. "M-my legs...?" He grinned devilishly. "Yeah..." mas inilapit pa niya ang sarili niya sa akin. Akala ko ay hahalikan na niya ako nang tuluyan. Lumihis ang mukha niya hanggang ramdam ko ang hininga niya sa aking tainga. "You have no f*****g idea how hot you are." "A-anong pinagsasabi mo...?" kakapusin na talaga ako ng hininga! "It's not that I'm h0rny all the time, but fuck... It's just that you're always sexy." namamaos niyang sambit. Nanigas ako sa sinabi niya. "And I can't wait to get married with you so when we live together, I'm purposely gonna try and make you h0rny like... All the time, lovebug." "Lovelyn, Pierson, ready na ang dinner..." rinig naming boses ni Salve. Tumayo na ng tuwid si Pierson, iniwan niya ako na ganito ang posisyon. Nahagip ng aking tingin na hindi pa rin nawawala ang mapaglaro niyang tingin. Napalunok ako nang matindi dahil sa mga narinig ko. "Kumain na tayo." aya pa ni Salve. Doon ay parang nanumbalik na ang aking ulirat. Mabilis akong tumayo. Imbis na kumilos na ay nagkatinginan kami ni Pierson. Isang mataimtim na tingin ang iginawad niya sa akin. My lips twitched. "You..." mahina kong sabi. "Yes, lovebug?" Unti-unti ko nang nararamdam ang umaalab na apoy sa aking kaibuturan. I get it now. I got electrified! He's like a monster and I am his prey, huh? Pwes, kahit wala pa akong karanasan, subukan natin! Tumaas isang kilay ko. "Don't tease me unless you're going to please me, Mr. Hochengco." sabi ko na may paghahamon. Kitang kita ko kung papaano umukit ang pinaghalong pagkagulat at pagkamangha sa sinabi ko. Mas lalo siya napangiti, hindi ko malaman kung papatulan niya ang sinabi ko o hindi. Sa huli ay kinagat niya ang kaniyang labi. Mas inilapit pa niya ang kaniyang sarili sa akin na siya naman ang pag-atras ko. Uh-oh! Wrong move yata ako! He chuckled and wrap his arm on my waist. Mas idiniin niya ako sa kaniya! Hindi matanggal ang tingin niya sa akin. "Alright. Let's eat first and later, sit on my lap and we'll talk about the first thing that pops up, my Mrs. Hochengco." Oh no. Pinalala mo pa yata, Lovelyn!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD