"Ano nang gagawin mo ngayon?" tanong ko kay Hestia, best friend ko.
Her ex bought some tickets for her favorite band. Yes tickets, for the whole squad, so that our lovely friend will agree on going to that concert with him. Nice tactics. Well I can't blame him though, with Hestia's beautiful face that could pull any gender, plus the confidence and attitude she has, and oh she also has the name of the Goddess of the hearth fire of Mt. Olympus. Who wouldn't get attached to her that much?
"Ewan ko, paano kung biglang ipabayad sa akin lahat yun?" panghihimutok nya.
Natawa na lang ako, masakit nga naman kasi talaga sa bulsa kung out of the blue biglang pabayaran yun sa kanya. But I doubt it, I don't think Brayson will stoop that low, I mean it's his decision, wala namang pumilit sa kanya. Bigla akong napaisip, ano bang pakiramdam na may taong nagmamahal sayo na kahit tapos na kayo, andun pa rin yung nararamdaman nya. Masaya siguro pero masakit din kasi tapos na nga eh pero yung nararamdaman mo, patuloy pa ring lumalago. Alam kong may nararamdaman pa rin kahit papaano si Hes dun sa lalaki, that's why nagtataka ako kung bakit hindi pa rin nya binibigyan ng isa pang pagkakataon. And then I remember, Brayson cheated. Kaya, naiintindihan ko talaga kung bakit kahit anong gawin ng ex-boyfriend nya, hindi na natitibag pang muli ang pader na binuo nya sa puso nya.
"At least sumaya ka diba, worth it naman," sinamaan nya lang ano nang tingin at bumaling sa katabi para magreklamo ulit.
Meron pa kaming 20 minutes bago magsimula ang klase at imbes na magreview for the upcoming exams, eto kami at nagkukwentuhan para sa mangyayaring concert. If ever na makumpleto kami that day which is tomorrow na pala since friday ngayon, it will be the first concert of the whole barkada, but I know better. Some of us have strict parents at isa na ako dun, idagdag mo pa na nag-iisang anak lang ako tapos babae pa kaya ang percentage na mapasama ako sa concert ay napakababa pero hindi naman siguro masamang magbaka sakali, sagot naman na ni Brayson ang pag travel at ihahatid din kami sa kanya kanya naming bahay kaya hindi na masama.
"Jae, tapos ka na ba sa notebook ko? Hiramin ko muna kung hindi pa, magbabasa na kasi ako, ibabalik ko na lang sayo mamaya."
Napalingon naman ako sa biglang nagsalita sa tabi ko. The familiar scent of a man started to linger in my nose and my lips automatically broke into a smile. I've been liking Gael since 2 years ago, after we started to get close. Halos pareho kami ng gusto sa lahat kaya mas lalo ko syang nagustuhan, from music up to the course that we will going to take in college. We're also on the same club kahit na nagpalit na kami, pareho pa rin kami ng binagsakang club. It's like the destiny is really on our side. Pero akala ko lang pala yun.
"Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong ko sa kanya.
Ang lakas ng pag-ulan at hindi pa ako makauwi agad dahil wala akong payong at mahihirapan akong makasakay agad kung lulusong ako sa malakas na bugso ng ulan kaya papatilain ko muna.
"Syempre, hinihintay kita. Wala kang payong diba? Patilain muna natin ng konti bago kita ihatid sa sakayan para hindi tayo ganong mabasa, medyo maliit kasi yung payong para sa ating dalawa," tugon nya kasabay ng marahan nyang pagngiti sa akin. Napatulala na lang ako sa kanya at feel ko sa mga oras na yun na para akong isang karakter sa isang libro kung saan mas narealize ng bida on how she's so smitten on the person she likes.
Simula ng araw na yun nagtuloy tuloy ang pagiging malapit namin sa isa't isa lalo na ng nalaman kong pareho lang pala kami ng nararamdaman at dahil doon mas lalo pa kaming naging mas malapit, halos hindi na nga kami mapaghiwalay noon. Hanggang sa isang araw, he became cold and started to avoid me. Hindi nya na ako kinakausap at dahil magkatabi kami, halata talaga ang pag-iwas nya sa akin. Kapag wala na yung teacher namin sa isang subject, agad agad syang umaalis at pumupunta sa kabilang side para makipagkwentuhan, para akong biglang hindi nag-exist sa paligid nya. Of course, our classmates and friends began to talk about us, they all witness everything, wala naman akong masagot dahil mismong ako wala ring alam.
Jae:
Pwede bang sabihin mo sa akin kung anong problema? Bakit mo ako iniiwasan? May nagawa ba akong mali sayo?
Hindi ko na napigilan at kinausap na sya, hindi nga lang sa personal kasi hindi ako makahanap ng magandang tyempo dahil lagi naman nya akong iniiwasan.
Gael:
I started to feel awkward when I'm with you. Hindi na ako comfortable. Sana mabawasan mo yung pagiging clingy. I'm sorry Jae.
Napamaang ako sa naging reply nya, unti unti kong naramdaman ang pamamasa ng mata ko kaya agad akong tumingin sa taas upang maitigil ang pagbagsak ng luha. Yun na yun? Napakababaw naman. Pwede naman nyang sabihin sa akin ng diretsa, bago naman nagkaroon ng kung ano mang meron sa amin eh naging magkaibigan naman kami.
Dun ko nalamang wala na, ako na lang pala ang nakakapit sa hindi mapangalanang meron sa aming dalawa.
Gusto ko sanang magalit at magreklamo sa kanya but I stop myself. Instead of long paragraphs with hurtful messages, I just said that I'm sorry because he felt that way and I will try to lessen my "clingy side" which is I do to all my friends by the way. After that day, balik kami sa dati na parang walang nangyaring hindi pansinan sa aming dalawa. Sa feelings ko wala ring nangyari, gusto ko pa rin sya hanggang ngayon, tinatago ko na lang ng mabuti para hindi nya mapansin.
"Jae?? Hello? Yung notebook ko, tulala ka na dyan", napakurap kurap akong nag-iwas sa kanya ng tingin, natulala na naman pala ako nakakahiya.
"Hala sorry teka kunin ko lang," bumaling ako sa bag at natatarantang hinanap ang notebook nya.
"Okay ka lang ba ha? Para kang nanaginip ng gising kanina ah," pang-aasar nya.
"Huh? Ah oo ano ka ba, kulang lang ako sa tulog. Eto na oh", abot ko sa kanya sa notebook. "Ibalik mo rin agad sa akin yan ah? Hindi pa ako tapos kumopya".
"Ay wow ikaw na ata may-ari nito ah? Sige po babalik ko mamaya, nakakahiya naman," tinawanan ko lang sya tinulak paalis. Kahit na umalis na sya, nanatili pa rin ang amoy nya sa kung nasaan sya kanina, grabe namang pabango yan hindi mawala wala.
"Hoy gaga nakita ko yun ah? Ano ba yan halatang hindi pa rin makamove-on oh, hanapan kita gusto mo?" I glared at Hestia, makasabi 'to akala mo naman sya oo.
"Gawin mong sampu para siguradong limot nya talaga si Gael," pagsingit ni Alya na agad ko namang sinipa sa paa dahil ang ingay nya.
"Tigilan nyo nga akong dalawa! Magreview na lang kayo," I said as I pulled out my phone from my bag.
"Keri na yun, nandyan ka naman love you Jae!" Napailing na lang ako at magpapatuloy na sana sa pagkalikot sa cellphone nang dumating na ang teacher namin sa math.
"Okay class wala muna tayong klase for now, hiniram ng susunod nyong subject ang oras ko ngayon, bibigyan ko lang kayo ng assignment na ipapasa bukas," nagsimula na syang magsulat sa blackboard habang ang mga kaklase ko ay tahimik na napa yes!
Makalipas ang ilang oras, huling subject na namin bago mag-uwian at dahil nga friday ngayon kaya PE na lang ang nangyari. I'm not really the sporty type student that's why I stayed in the room habang ang iba ko namang mga kaklase ay bumaba na. I enjoyed myself looking at my classmates below doing different things, may nagbabasketball, meron namang naglalaro ng volleyball at natawa pa ako nang nakita ko na naglalaro ng mga larong pambata yung iba. Napadako naman ang tingin ko sa lugar kung nasaan nandoon ang mga kubo and there I saw Gael together with our co-journalist. Bago ko pa maiiwas ang paningin ko, bigla syang napatingin sa taas na sakto sa pwesto ko at doon kami nagkatitigan.
He smiled at me points his finger at me kaya napatingin na din sa akin sina ate Ari, pagkakaway ko aalis na sana ako sa pwesto pero inanyayahan na nila akong bumaba. Tapat lang kasi ng building namin ang mga kubo at nasa second floor lang naman ako kaya narinig ko pa rin ang sinabi nila. With no choice, I started to walk down the stairs para pumunta sa kanila. Alam kong magpapatulong ang mga 'to sa paggawa ng article kasi alam nilang wala na akong gagawin pa dahil natapos ko na nung nakaraan pa.
"Ryeline tulungan mo nga itong si Gael sa paghanap ng sources at hinahanap na Ma'am Dela Costa yung article nya noong isang araw pa," bungad sa akin ni ate Ari. Napairap na lang ako, nagkamali na naman sya sa pangalan ko.
"Ate malaki na yan, kaya nya na yan noh, pabibo lang talaga at saka it's Raelyn not Ryeline duh." Ilang taon na kaming magkakasama sama sa pagsusulat pero hanggang ngayon namanali pa rin sya sa pangalan ko.
"Hindi ba pareho lang yun? Jae na nga lang! Bat kasi dala dalawa mga pangalan nyo buti pa ako, Adriana Cruz lang. Ari for short," she replied as she part her hair to the side then make a face.
"Ang sabihin mo ate inggit ka lang, 'di ka kasi mahal ng nanay mo kaya isa lang pinangalan sayo eh," pang-aalaska ni Gael.
"Wag mo akong ma-asar asar dyan at hindi ka pa tapos sa article mo, dinamay damay mo pa ako dapat kanina pa ako naka-uwi anong oras na kaya oh." Nagsimula nang mag-ayos ng gamit si ate Ari, well tama nga naman kasi sya, kanina pang alas dose ang uwian nya pero quarter to 6 na at nandito pa rin sya. Ate Ari is one year ahead of us kaya iba na ang uwi nila sa uwi namin.
"Nagsorry na nga ako eh, gagawin ko naman na, uwi ka na! Thank you very much mabuhay ka hangga't gusto mo!" Ate just raised a middle finger as she walks away from us. Huli ko nang napagtanto na kami na lang pa lang dalawa ang natira rito. Err. Awkward. Mukhang napansin nya rin ang katahimikan kaya nagsimula na rin syang mag-ayos ng gamit, ang mga kaklase namin ay nagsimula na ring umakyat, tapos na pala ang oras.
"Pst wala ka bang balak pumasok?" Tumayo na rin ako at lumabas na sa kubo. Mabilis ang lakad kong nauna sa kanya saka humalo sa mga kaklase naming paakyat.
"Nasaan ka kanina? Bigla ka na lang nawala," bumaling ako kay Hestia nang biglang umangkla ang mga braso nya sa braso ko. Wala man lang kapagurang nakikita sa kanyang mukha. Kasama ko nga pala syang nagpa-iwan kanina dahil katulad ko, hindi rin sya masyadong mahilig sa mga laro at pagpapawis, mahina rin kasi ang puso nya. Nagkibit balikat lamang at hindi na nag-abala pang sumagot.
Pagkarating namin sa room, kanya kanyang punta na sa electric fan ang mga kaklase ko kaya naghalo halo na ang amoy ng pawis at pabango sa buong kwarto. Disgusting.
"Magpunas nga muna kayo ng mga pawis nyo ang babaho nyo! Tapos tumutok pa talaga kayo sa fan ah? Kadiri!" sigaw ng President namin.
Napagdesisyunan na lang namin ni Hestia na lumabas muna dahil wala pa naman yung adviser na magpapa-uwi sa amin.
"Bukas na pala yung concert. Did you tell to your Mom na ba?"
"Alam mo naman na ang sagot dyan, syempre hindi pumayag but I'll try again later. Kahit naman hindi ako fan nung band, ang ganda pa ring experience kung makakasama ako diba?" Yes, nasabi ko na nga sa magulang ko ang planong pagpunta sa concert pero hindi ako pinayagan. Mamaya susubukan ko ulit and I'm hoping na sana sa pagkakataong yun, payagan na ako.
"Sana makasama ka, hindi na rin kasi makakasama yung iba kaya yung ibang tickets mapupunta na lang dun sa mga kaibigan ni Brayson." I wish.
"Ano pang ginagawa nyo dyan? Magsipasok na kayo," saway sa amin ng adviser na kakarating lang.
Nawala na ang hindi kaaya-ayang amoy pagkapasok namin sa room, napalitan na ito ng pambabaeng pabango. Kaninong pabango na naman kaya ang naubos? Nag-announce lang ng ibang bagay ang guro bago kami hinayaang umalis. Hindi ko na nakita si Hestia, nagmadali na naman ata syang umuwi.
Agad naman akong nakauwi agad dahil ang service ay nasa labas na pagkalabas ko sa gate. Medyo malayo kasi ang eskwelahan ko sa bahay plus hindi naman ako papayagang magcommute kaya nagkaroon ako ng service na maghahatid sundo sa akin. Naabutan ko si mama na nanonood ng TV sa sala, nagmano ako at pumasok na sa kwarto para magbihis.
Pagkatapos kong magbihis, nakailang hinga ako ng malalim, kinakabahan kasi ako sa sasabihin sa akin kapag binanggit ko ulit ang concert na gusto kong puntahan. I really want to go.
"Ma, tungkol doon sa sinabi ko noong isang araw. Hindi mo pa rin ba ako papayagan?" nag-aalangang tanong ko.
"Sinabi ko na 'di ba? Hindi nga pwede, wag ka nang makulit. Ang papa mo hindi rin papayag, saka na lang kapag matanda ka na at kaya mo na ang sarili mo. Kumain ka na dyan at masakit ang ulo ko, matutulog na ako."
Bigo akong napayuko at halos mawalan na ng gana pang kumain. Alam ko naman kasing ganun pa rin ang magiging sagot, bakit umasa pa akong magbabago pa yun?
15 minutes after, nagbukas ako ng phone para sabihing hindi ako makakapunta. Isang mensahe ang natanggap ko na mas lalong nakadagdag sa lungkot ko.
Hestia:
Girl, don't bother asking for permission na pala. I'm in the hospital right now and I don't think I will be able to attend tomorrow.