bc

Invisible String (Disconnected Series #1)

book_age16+
176
FOLLOW
1K
READ
forbidden
age gap
self-improved
student
twisted
bxg
lighthearted
realistic earth
first love
naive
like
intro-logo
Blurb

Ever wonder why you always feel connected to someone? Na parang may string na nagdudugtong sa inyong dalawa?

Raelyn Jae Hernandez fell in love with a stranger she barely know, someone she met online. Kumpyansa sya sa estranghero dahil kilala ito personally ng kanyang kaibigan. Aside from that, cliche as it sounds pero nararamdaman nya talagang para sila sa isa't isa but suddenly, her world crumpled down when she learned the man's deep secrets that lies behind the screen.

This is a story about Love, Friendship and Betrayal.

chap-preview
Free preview
SIMULA
Parang nagbabanta ang kalangitan sa kung ano mang padating. It's all black, no stars, just pure black. The cold wind started to brush in my skin, making me embrace myself because of the chill it gives. It's already mid of May where the rainy season usually starts. "Uulan siguro nang malakas," mahinang sambit ko habang naglalaro sa aking kamay ang isang maliit na string rope, yung ginagamit sa mga crafts and journals. I got hooked with it kaya para akong pusa na nilalaro ito until I decided to tie it into circle so I can put it in my finger as a ring. Natatawa na lang ako sa pinaggagawa ko. Bumaling ang paningin ko sa lamesa kung saan nag-vibrate ang cellphone ko. Napahinga na lang ako ng malalim, ang kaninang ngiti ay unti unting nawala, as much as I want to turn in off and forget everything for a while, I just can't. GC: Demons Hestia: Jae usap tayo I sighed and ignore her message. I'm confused and a mess right now. I chatted him para ipaalam sa kanya ang message sa akin ni Heatia. Haru (Active Now) Haru Typing... Don't talk to her please babe Napaigtad ako sa mensaheng natanggap mula sa kanya. Agad na gumapang sa buong sistema ko ang kaba. There's something wrong, and I don't like where it is going. Jae: Can you just tell me what's happening? Haru: Just don't. Please trust me on this. Napapikit na lang ako sa inis. Bakit ba hindi nya na lang sabihin kung ano man yun? May karapatan naman akong malaman 'di ba? Matalik na kaibigan ko ang pinapatigil nyang kausapin ko at hindi lang basta ibang tao. Kilala ko si Hestia, marunong syang magseryoso kapag importante at kailangan. What's happening Haru? Ano itong kabang nararamdaman ko? Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan? Jae: Is it bad ba? Will I hate you? Hindi ko ba kayang i-handle? Haru: Maybe yes. It's not true anyway. I thought you loved me? Jae: Of course, I love you. Why is he using that card to me? He knows that I can't say no to that. I love him. I don't know how or when or even why. Basta ang alam ko hindi ko sya kayang mawala sa akin. Hestia: You're ignoring me because of your man? Wtf Sige bahala ka na She's angry. Mas lalo itong nakadagdag sa kaba ko. Bakit hindi na lang nya diretsuhin kung ano man yun? Alam nya ang nararamdaman ko sa lalaki, at mahirap itong posisyon ko. I'm torn between two sides na pinapahalagahan ko. Hindi ako tumugon sa kanya at hindi na rin nya dinugtungan pa ang mensahe nya. Samantalang si Haru naman ay nagpaalam munang maliligo sandali. He just reacted heart to my message, saglit na kumirot ang dibdib ko na agad kong winaksi. "Jae nak, 'di ka pa ba kakain?" Nag-angat ako ng tingin sa nanay kong naghihintay ng sagot ko. "Mamaya na ma—" Sasabihin ko sanang mamaya na nang nagsunod sunod ang tunog ng cellphone na hawak ko. Parang mauubos na ang battery nito sa walang tigil na pagtunog. Si mama ay nagtatakang nakatingin sa akin at sa cellphone na nasa kamay ko. Alam kong ano mang sandali ay mag-uusisa na sya kung sino yun at anong meron. Pero bago pa nya mabuka ang kanyang bibig agad na akong nagsalita. "GC lang ma, mamaya na lang po ako kakain," ngumiti ako para upang mapagtakpan ang panginginig ng mga labi ko dahil sa kaba. Tumango lang sya at walang imik na tumalikod. The moment I open my phone, familiar names of my friends started to pop up. They all said the same thing.. "Stay away from him" Dahil marami rami silang nagmessage kaya natabunan na ang pangalan ni Haru. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong buo pa rin ang loob kong maniwala sa kanya dahil alam ko sa sarili kong, unti unti nang natitibag ang tiwala ko sa kanya. Haru: I'm done babe Jae: My friends bombed me with non stop messages, they all wanted you to leave me alone. But I don't want you to go. I'll trust you, don't make me regret it ha? Haru: Yes babe, thank youuu Nag-usap na lang kami na parang walang nangyari hanggang sa nagpaalam na syang matutulog dahil maaga sya bukas. Patuloy pa rin ang pagchachat sa akin ng mga kaibigan ko pero wala akong binuksan ni isa and I feel guilty about it. Pero naisip ko, wala ni isa sa kanila ang naglakas loob na sabihin kung ano ba yun. They can't blame me, wala akong mapanghahawakan sa mga sinasabi nila. But then I remember, even Haru, wala rin pala syang sinabi. Hindi ko na namalayan ang oras, it's already 9:30 pm, nawalan na ako ng gana kumain that's why I decided na magtimpla na lang ng gatas para magkaroon man lang ng laman ang tyan ko. Sino nga ba naman kasi ang gaganahang kumain sa sitwasyon ko? Nakakapanghina at nakaka overthink kung ano bang nangyayari. Matutulog na sana ako pero may isang message na pumukaw sa atensyon ko. Binuksan ko ito almost forgetting na hindi ko nga pala dapat titignan muna ang mga mensahe nila na alam kong mas lalong magpapagulo sa mga iniisip ko. Maeve: I love you Jae, we're your friends and we want nothing but to keep you safe. Matalino ka, wag kang magpapakatanga dahil lang sa isang lalaki. Think wisely. What the hell is she saying? Bakit imbes na sabihin na lang kung anong meron eh patuloy pa rin sila kung magbigay ng puzzle na hindi ko mabuo dahil kulang kulang ang mga piraso nito. Maeve: And also, don't wait na pati kami mawala sayo. Love u, take care. Nanlamig ang buo kong katawan sa sinabi nya, sabayan pa ng biglang pagbuhos ng malakas na ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat. Pinapapili ba nila ako? For what? Hindi naman pwedeng pumili ako ng basta basta gayong wala naman akong alam. Pero kaibigan ko sila, hindi naman nila ako papipiliin kung makakasama sa akin diba? Wala sa sariling napahawak ako sa daliri kung saan ko nilagay ang sing sing na ginawa ko. Wala na 'toh dito. I tried searching it pero hindi ko na makita. Mahigpit ang pagkakatali ko doon pero bakit nawala? Halos mapatalon ako sa lakas ng kulog at parang binalik ako sa problemang iniisip ko kani-kanina lang. Tama ba ang ginawa ko? Did I just choose a man over my friends. Lalaking nakilala ko lang online? Hindi ko alam na simula pa lang pala iyon ng mga magiging problema ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.1K
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook