KABANATA 57 BUBOY ( POV ) KANINA PA SIYA NAGHIHINTAY PERO HINDI PARIN bumababa ang dalaga. " Ang tagal naman ng babaeng 'yun. Ano bang ginagawa niya? Nagpapaganda? Maganda na naman siya kahit wala ng kolorete sa mukha." Inis na bulong ko sa sarili. 5 mins na ako naghihitay at ayaw ko pa naman pinaghihitay dahil mabilis akong mainip. Maya-maya'y nakita kung bumababa na si Nosgel. Hindi ko napigilan mapaawang ang labi ko habang nakatingin dahil ang ganda talaga ng babaeng 'to kaya nga nainlove agad ako sa kanya ng makita ko siya kahit subrang sungit ng dalaga. Pero hindi naman iyon ang nakita ko,kundi ang kabutihan ng puso niya sa pamilya ko lalo na sa mga bata. Feeling ko magiging mabuting ina siya balang araw kahit ayaw niyang nasa bahay siya. Siguro nasasabi niya iyon pero kapag mag-

