KABANATA 58 BUBOY ( POV ) MASAYA AKONG UMUWE NG ma-ihatid kona ang dalaga sa trabaho nito. Sarap ng feeling dahil hatid sundo kona siya ngayun. Napansin ko kanina ay ang daming nakatingin sa dalaga habang papasok ito ng building. May tiwala naman ako kay Nosgel at alam ko ay hindi niya ako lolokohin. Hindi ko rin naman siya lolokohin dahil mahal kona ang babaeng 'yun kahit may pagka-masungit pa. Kahit maging alipin pa niya ako ay wag lang siya mawala sakin. Sumakay agad ako ng buz ng may huminto sa harapan ko. Maluwag na ang buz ngayun at hindi na siksikan. Hindi katulad kanina. Nagbayad na rin ako kay kuya'ng kundoktor. Tahimik akong nakaupo ng tumunog ang cellphone ko. Napakunot ang nuo ko habang kinukuha ang cellphone ko mula sa bulsa. " Namiss agad ako?" Mahina kung bulong sa sar

