PROLOGUE
" Young Lady sigurado ba kayo sa gagawin natin??magagalit nanaman po yung mama nyo sa gagawin natin e " - kinakabahan na sabi ng isang dalaga
" Syempri magagalit sya kung mag susumbong ka nanaman!" -sagot naman ng isang Dalaga
" Pero Young Lady napaka delikado po dito " takot naman na sabi ng dalaga
Nasa Isla sila ng kanilang kalaban nabalitaan kasi ng Young Lady na nganak ang kanilang Oso kaya gusto nya sana itong bilhin..
"Ang lakas naman ng iyong Loob para pumunta sa aming Isla na nag-iisa "-sabi ng pinunu ng isla habang ngumingiti ng nakakaluko
Napa kunot ang Noo ng Young Lady
" Ah excuse me po ha, Dalawa po kami ! Hindi mo ba nakikita...lumapit kanga dito miya! Kaya hindi ka nakikita e! Lapit!bilis! " -
" Young Lady magkatabi na nga tayo e "-bulong naman ng dalaga
"E ang Tanga e! " bulong rin ng kanyang young lady habang na iinis...
Agad na tinutukan ng b***l ang dalaga dahil narinig nito ang kanyang sinabi..
Agad din nag labas ng b***l si miya upang protektahan ang kanyang amo..
Ngumiti ng nakakaloko ang dalaga.
" Darating din tayo dyan, Pero iba ang sadya ko dito,Gusto ko sanang bilhin ang anak ng inyong uso " seryosong pag kakasabi ng dalaga
" Madali lang naman pala ang gusto mo e....Pero hindi pera ang gusto kong pambayad mo " -nakangiting sabi ng pinunu sabay tingin ng malaswa sa dalaga
"Ano pala ang gusto mo? " nakingiti at kagat labi na sabi ng dalaga
"Isang gabi lang.ibigay mo sa akin ang iyung katawan at makukuha mo ang iyong gusto " -sabi ng pinunu sabay ngiting maniac
Tumaas ang kilay ng dalaga...
Napalunok naman ang miya
" Sure " - nakangiting nakakaloko sabi ng dalaga
" ayaw po namin ng g**o kaya tanggapin nyo nalang po ang pera " kinakabahan na sabi ng miya
" Hindi miya,Ibigay ko sa kanya ang katawan ko " nakangiting sabi ng dalaga
" kung ganon tara sa kubo ?" Sabi ng pinunu sabay turo sa maliit na kubo
Tumayo naman ang dalaga at sabay silang pumasok sa kubo
" May mga timba ba kayo dito? Mabilis ba kayong kumuha ng tubig sa dagat o kahit saan na may tubig?? Mukang kailangan nyo yan ngayon kung ayaw nyong maging abu ang isla nyo " seryosong sabi ng miya sa mga taohan ng kalaban
Napakunot noo naman ang mga ito..
Hindi nag tagal may narinig na silang sigaw at umuusok na ang kubo ...
" Sunooooooooog!!!!!!!!!!" Sigaw ng mga tao
Napa tampal nanaman sa Noo ang miya
Haist!!!!
Lumabas naman ng kubo ang dalaga habang ngumingiti ng nakakaluko
"Young lady!!! Diba sabi ko walang sunugan!" Naiiyak na sabi ng miya
Hindi sya pinansin ng dalaga sa halip ay pumunta sya sa isang kulungan kung saan naron ang maliit na uso..
Kinuha nya ito..
" Ang cute mo Talaga!! Ako na ang mama mo ha! Hehe uwi na tayo sa isla natin " sabi ng dalaga habang karga ang uso
At umalis na sila sa nasusunog na Isla...