***** KIANA POV ****
Nagulat kami nang Biglang tumalon talon ang Ina ni logan at mabilis na lumapit sa akin At niyakap ako ..
"OMG !!! Welcome to our family kiana "- sabi nya habang yakap yakap ako
"Hindi pa sila kasal kaya wag mo munang angkinin ang anak ko !"- mataray na sabi ni mama sabay hila sa akin papunta sa kanya
Ngumiti naman ang Ina ni logan sabay lapit kay logan ..
"Finally ikakasal kana "- seryosong sabi ng Ina ni logan kay logan
"Sa tingin ko kailangan din natin tanongin si logan kung payag ba syang pakasalan ang princessa namin "- Sabi ni mama
" Logan my son papayag ka naman diba??"- Tanong naman ng Ina ni logan habang tinitingnan ng masama si logan
Tahimik Lang sya halatang nag iisip pa ..
Waaa..bakit parang bumibilis ang pintig ng puso ko kinakabahan ako sa magiging sagot nya
Umabot ng five minutes pero hindi parin nagsalita si logan ..
? parang binibiyak ang puso ko . Parang naiiyak na ako .
"Ok !! That's it ! Walang kasal na magaganap! Ayaw ko namang ipilit ang anak namin sa taong ayaw sa kanya !pwedi na kayong umalis!" - galit na sabi ni mama sabay hila sa akin
"Sandy!"- warning ni papa
Tiningnan ng masama ni mama si papa
"Aba seth! Hindi ko sinugal ang buhay ko para sa mga anak ko para Lang ipamigay mo !! Aalis kami uuwi kami sa Isla ng mga samurai! Kung gusto mo talagang matuloy ang kasal kayo ang mag pakasal!!"- galit na sabi ni mama
"What ?!"- hindi makapaniwalang sabi ni papa
Nagulat ako ng May humila sa kamay ko
"Wait..Haist. ....I ..I'll marry you "- seryosong sabi ni logan habang hawak ang kamay ko
Bigla yatang lumiwanag ang paligid ko at tanging si Logan Lang ang nakikita ko .. Ito na yata ang isa sa pinaka masayang araw ng buhay ko
"Pasensya na kayo sa inasal ng anak namin pero sya na mismo ang nag sabi pakakasalan nya ang anak nyo "- nakangiting sabi naman ng papa ni logan
"At wag kayong mag-alala dahil nakahanda na ang kanilang kasal "- excited naman na pagkakasabi ng Ina ni logan
What???! Ganon kabilis?
Tumaas nanaman ang isang kilay ni mama
"Teka lang ha ?! Anong karapatan nyong akuin ang desisyon sa kasal ng anak namin ? Nag iisang anak na babae namin si kiana kaya mahalaga sa amin ang bawat detalye ng kasal nya !!! ....Ano ba seth!!! Na S-stress na ako dito!!"- galit naman na sabi ni mama
"Pasensya na excited Lang talaga akong ikasal ang tagapag mana namin sa susunod na magiging Lady ng Isla ng mga Thompson ..pwedi mo naman tingnan e tapos kapag ayaw mo palitan natin "- sabi ng Ina ni logan
Huminga ng malalim si mama
"Dala mo ba ang lahat ng detalye? Tara pag usapan natin sa kabilang dulo "- sabi naman ni mama habang nakangiti na at halatang excited at sabay hila sa Ina ni logan
Napa iling naman si papa at ganon din ang ama ni logan
Umalis muna si Papa at ama ni logan at kaming dalawa nalang ni logan ang nandito
Nakatingin sa akin ng masama si logan
"What?" - sabi ko
"Tsk..Are you happy now? "- inis na tanong nya
Tumango ako
"Yes "- nakangiting sagot ko
"Bakit kasi pumayag ka "- inis nanaman na sabi nya
"Dahil mahal kita "- seryosong sagot ko
Napatingin sya sa akin
"Gaano ka ka-Sigurado? Nasubukan mo na bang mag mahal? Mabigat na salita ang *mahal mo ako * kaya pag isipan mo ng mabuti " - sabi nya sa akin
Tiningnan ko sya ng masama
"Bakit ba ! Buo na ang desisyon ko! Binigyan ka ng pagkakataon upang tumanggi pero Ikaw tung pumayag! Tapos ako yung inaano mo !! Parang kasalan ko pa ! ! Syempri papayag ako kasi nga mahal kita!"- inis din na sabi ko sa kanya
"Syempri! Pakakasalan ko ang babaeng napili ng mga magulang ko ! " - labag sa Loob na sagot nya
Ngumiti ako ng matamis
" So Paano ba yan babe ako yung babaeng napili nila kaya wala kanang magagawa kundi pakisamahan ako "- sabi ko with a big smile
" Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito kung hindi mo ginulo ang date ko !!"- inis nanaman na sabi nya
Tinaasan ko sya ng kilay
"Hindi ako papayag na nakikipag Landi ka sa ibang babae!kaya ito na ang kabayaran mo "- sabi ko
Napakamot naman sya sa kanyang ulo ..
******
Nandito kami ngayon sa Dining table habang kumakain kasama ang pamilya ko at mga magulang ni logan .
"Anong buhay ang mabibigay nyo sa aking apo ?"- seryosong tanong ni lolo kina logan
" Ang aming anak ang magiging susunod na lord ng Isla namin at karapatdapat para sa inyong apo na syang magiging reyna nya at magdadala ng aming lahi "- seryosong sagot naman ng papa ni logan
Magdadala ng lahi nila?? Yiiiii!!! Nakaka excite naman!
" Sapat ba ang lakas ng Isla nyo?"- Tanong pa ni lolo
Tumango naman ang papa ni logan
"Hindi Lang proteksyon ang maibibigay namin kay kiana mamahalin din namin sya na parang tunay namin na anak "- nakangiting sabi naman ng Ina ni logan
Waaa..sana si logan din.
"Gusto kong subukan ang kayang gawin ni logan nais ko syang idaan sa isang pag subok "- seryosong sabi ni lolo
Tumayo naman si logan at sabay yuko
" Tinatanggap ko po" - sabi naman ni logan
"Hmm..Magalang na bata "- nakangiting sabi ni lolo
Tiningnan ko si lolo at kinindatan..
"Sean ! Zach! Kailan kayo ikakasal!! ?"- Tanong naman ni lolo kina kuya na kanina pa nakasimangot
" Wala pa po sa isip namin"- walang ganang sagot ni kuya Sean
Tumawa naman si lolo
"Hindi pa ba napakilala sa inyo nina Seth ang dalawa pa nilang anak?? Pwes ako na ang mag papakilala sa inyo ...Yan si Sean ang panganay at tamad na anak ni Seth at sandy ang sabi ko mag hanap na ng Girlfriend pero hindi ako sinusunod!! Sya ang susunod na magiging lord ng Isla ng mga Devon ..... At yan naman si Zach ang Pinaka tamad na anak nina Seth!! Wala pang pinapakilalang babae sa amin!! Napaka walang kwenta! Sya ang susunod na magiging lord ng Isla nila sandy ang Isla ng mga samurai!!" - seryosong sabi ni lolo
"Lo!!"- sabay na sabi nina kuya habang hiyang hiya
"At ito naman ang paborito kong apo si Kiana ...napaka lambing na bata at napaka masunurin lahat ng inuutos ko sinusunod nya nakakatakot Lang dahil kaya nyang gawin ang lahat para sa mga minamahal kahit buhay pa ang kapalit.....Madami nadin syang sinunog na Isla at madami syang kaaway kaya sigurado ba kayong gusto nyong maging susunod na Lady si kiana? O baka naman gusto nyo sya dahil malakas ang islang pinag mulan nya ? "- seryosong tanong ni lolo
Hindi agad nakapag salita ang ama at ina ni logan
"Hindi man kasing lakas ng Isla nyo ang Isla namin pero handa kaming makipag laban kung kina kailangan natural Lang sa aming isla na hanapan ng mga magulang ang kanilang anak ng mapapangasawa at natural Lang din na pumuli sila ng babaeng nag mula sa malakas na isla at sa tingin nila ang inyong apo ang May sapat na karapatan upang maging kabiyak ko Pasensya na sa aking pag sagot pero hindi ko hahayaan na maliitin nyo ang isla namin..." - sagot ni logan
Hindi ko napigilan pumalakpak..
*CLAP
*CLAP
Napatingin si mama sa akin at tiningnan ako ng masama
"What??? Masama bang maging proud wife?"- takang tanong ko
Pa simpleng tumawa ang Ina ni logan
Si lolo naman nakangiti Lang sa akin kaya mahal na mahal ko sya e !
"Kailan ba ang kasal?? "-Tanong ni lolo
"Next week "- sagot ni papa
"Wait !!what???!"- gulat na gulat na sabi ni logan
Kahit ako na gulat
"Bakit next week!?"- takang tanong ko
"Masyado yatang mabilis " - reklamo ni logan
"Ma!! Akala ko ba bukas!!!"- inis na sabi ko kay mama
Napatingin sa akin si logan
"Seriously?"- hindi makapaniwalang sabi nya
" Yes "- sagot ko Paano kung mag bago ang isip nya !!!
" No . Next week and that's final "- sagot ni papa
Huhu ! Gusto ko bukas e !!!
At syempri wala nanamang magagawa si logan my future husband *Evil smile
****MIYA POV ****
Nakasimangot ako habang naka upo dito sa dulo ! Huhu ikakasal na ang young lady ko !! At Sa Thompson pa !!!
"Ma kailangan ko din bang sumama kay young lady sa Isla ng mga Thompson??"- Tanong ko kay mama
"Oo naman kailangan mo syang protektahan don "- sagot ni mama
Huhu..
"Pero dadating ang panahon na papalayain ka na ni young lady at na sayo na kung mananatili kang nasa tabi nya ...ito ang buhay natin mga tagasilbi anak "- sabi ni mama
"Kakayanin kaya ni logan ang pag subok sa kanya ng dating lord "- sabi ni mama habang nakatingin sa isang malaking Tv kung saan nakikita namin kung ano ang ginagawa ni logan ngayon
May naka kabit kasi na CCTV sa Gubat ng Isla na kung saan nandon si Logan Tsk tatawagin ko na ba syang young master logan??
Madilim na kaya Siguradong mahihirapan si young master logan lalo pa dahil hindi nya kabisado ang gubat Siguradong maliligaw sya at mahihirapan talaga
****** LOGAN POV*****
Nandito ako ngayon sa gubat ng Isla ng mga Devon habang pinapakiramdaman ang paligid
Masyadong tahimik at malakas na hangin Lang ang maririnig mo
Nagulat ako ng May sumuntok sa akin kaya agad akong napa higa ..
Tsk .! Ang bilis nila !! Ni hindi ko man lang namalayan ang kanilang yapak..
Tumayo ako ...mabilis ako sinugod ng lalaking naka itim..
Puro sipa ang kanyang ginagawa at napaka bilis ng galaw nya kaya iwas ako ng iwas..
Inaral ko ang bawat galaw nya at kahit na nahihirapan na gawa kong hawakan ang isang paa nya at mabilis na umikot sabay balibag sa kanya..
Kasabay nun ang pag labas ng kanyang mga kasama ..
Tsk ... sabay silang lumapit sa akin at tulad ng isa napaka bilis din nila
Puro sipa at suntok ang inaabot ko sa mga ulol nato !!
Nakakapang init na ng Ulo!!!
Kaya mabilis na pinag susuntok at sipa ang mga to ng matapos na !
Napahinto ako ng May naramdaman akong papalapit sa akin kaya mabiLis na sinalo ko ang
Pana???
Hindi ko alam kung saan nanggaling at kung sino ang pumapana sa akin..
Tuloy tuloy ang pag pana nya sa akin kaya mabilis kung iniiwasan!!
Nagulat ako ng May tumalon mula sa puno at mabilis nyang sinalo ang mga panang tatama sana sa akin..
Hanggang sa tumigil ang pag pana
Hingal na hingal sya habang hawak ang limang pana at sabay turo sa isang puno na kung saan nandon ang isang babae
Tiningnan nya ito ng masama
"Don't you dare Kill my man "- she coldly said
Pero yung babae nag peace ✌️ sign lang ..at mabilis na umalis
"That's my cousin and she's insane "- sabi sa akin ni kiana
Paano nya nagawa yun? ... Kaya ko naman ang sarili ko pero sya isa syang babae pero kakaiba ang kanyang bilis..
"Are you okay love?"- nag-aalalang tanong nya sa akin
Tsk..hindi ko sya pinansin at basta nalang umalis
"Wait !!logan naman e !! Ganyan ka ba mag pasalamat sa asawa mo !!"- sigaw nya pero hindi ko parin pinansin
Hindi ko kailangan ang tulong nya kayang kaya ko ang sarili ko !
Kanina pa ako lakad ng lakad at hindi ko parin alam ang daan palabas ng Isla .
"Logan masakit na ang paa ko ! Saan ka ba pupunta!?"- naiiyak na tanong ni kiana sa akin kanina pa kasi sya sunod ng sunod sa akin .
Hindi ko parin sya pinapansin
Napaka ingay nya !!! Paano nalang kapag magkasama na kami sa iisang bahay!! Haist!! Ang g**o!!!!
Napahinto ako dahil sa aking nakikita
Ano to ???
Puro kulongan ng mga hayop at ibat ibang klasi ng hayop
"Sila Lang naman ang mga anak ko "- nakangiting sabi nya
"What? Sayo lahat ng yan? "- mangha na tanong ko
Nakakamangha!
Tumango sya ..
"Dyan din sana ang kulongan mo kung pumayag ka sana noon na umuwi dito sa Isla namin "-sabi nya sabay turo sa isang bakanteng kulongan
Tiningnan ko sya ng masama
Tumawa sya..
"Ang cute mo talaga babe "- sabi nya sabay kurot sa pisnge ko
"Araaay Ano ba !"- galit na sabi ko sabay tapik sa kamay nya
"May papakilala ako sayo "- excited na sabi nya
Lumapit sya sa isang kulongan
Binuksan nya ang kulongan
At lumabas ang isang Uso
What the!!!!??
"Bakit May uso ka ??!!"- hindi makapaniwalang tanong ko
" Meet Mr.Blacky our baby...say Hi to daddy Mr.Blacky "- sabi nya sabay halik halik pa sa uso
"Well sya Lang naman ang dahilan kung Bakit mainit ang Ulo ng Isla ng mga uso sa akin "- nakangiting sabi nya
Tsk..Napa iling ako
She's crazy.
"Bakit Mr.Blacky? E brown naman sya "-takang tanong ko
"Kaya nga blacky e dahil hindi sya black at kaya din Mr. dahil hindi sya lalaki "- sabi nya sa akin
What???
"So You mean babae sya?"- takang tanong ko
Tumango sya
"Yeah "- nakangiting sagot nya
*Facepalm ??
"Ewan ko sayo! Nahihilo akong kausap ka !"- sabi ko
Mababaliw yata ako dito sa babaeng to.
"Gaano ba kalaki ang Isla nyo? May lugar ba para sa mga anak natin?" - tanong nya
"Noooo!! Walang lugar para sa kanila! Ang dami nila ! "- sagot ko sabay alis
" Wait naman Babe!! "-sabi nya
Pero hindi ko nanaman sya pinansin..
Napahinto ako at sabay lingon sa kanya
"Miss me?"- ngiting asong sabi nya
Tsk .
"Saan ang daan palabas?"- seryosong tanong ko
"Finally!tinanong mo na din !! "- sabi nya sabay hila sa akin
Tinapik ko ang kamay nya pero Napatingin sya sa akin at hinawakan ulit ang kamay ko at hila sa akin
Tsk...
*****MIYA POV *****
Lahat kami dito tulala habang pinapanuod si Young lady at young master Logan..
Kulang nalang popcorn para na kaming nanuod ng cine..
Pero malakas at mabilis din pala si young master logan nakakatakot din pala syang kalabanin..
Kung hindi sana dumating si young lady malamang May tama na si young master ng pana ni Young lady Jenny ang anak ni lady jana ang kapatid ni lord Seth wala kasing kapantay ang bilis nyang pumana ng target ..
"Sa tingin ko bagay sila "- sabi ni mama
Napatingin ako sa dating lord
Nakangiti sya habang nanonood kina young lady
Pumasa yata si young master logan! So tuloy na tuloy ang kasal!!
*****JERIC POV *****
Nandito kami ngayon sa Dorm at balita sa isla ng mga Thompson ang nalalapit na kasal ng Crown prince ng isla namin at ang mas nakakagulat dahil kay Ms.Devon pa !
"So Paano ba yan magiging Lady na pala natin si Ms.Devon "- sabi ni Marvic
"Ikakasal na si Logan so paano nato? Lilipat na ba tayo ng Dorm? "- sabi ko din
Umiling si Marvic
"Hindi ako papayag "- sabi nya
Napatingin kami ng biglang dumating si logan habang seryoso ang kanyang mukha
Halatang inis na inis..
"Yoow "- sabi ni Marvic kay logan
Tiningnan sya ng masama ni logan
Ngumiti naman si Marvic na syang kina inis lalo ni logan
G*go talaga tung Marvic nato gusto nya bang mamatay na
Lumapit sa amin si logan at umupo sa harap namin
"May alam ba kayo na pwedi kong pag taguan kahit isang taon Lang ?"- seryosong sabi nya sa amin
"Woah! Kung Ano man ang iniisip mo wag mo kaming idadamay mahirap kalabanin ang Thompson at ang Devon "- sabi ko
Tumango naman si Marvic
"Tanggapin mo nalang ang kapalaran mo logan "- sabi ni Marvic
Napakamot si logan sa ulo nya halatang depress..
*****KIANA POV ****
Tatlong araw!!! Tatlong araw na ang nakalipas simula nung nangyari sa isla namin at tatlong araw na na hindi ko nakikita si logan !! Halatang pinag tataguan ako !!!
Lagi syang absent at tuwing pupunta ako sa Dorm nila wala sya !!! Pinag tataguan nga ako !!!
"Miya hindi mo parin ba na natatanong kung Nasan si logan!!"- inis na sabi ko
"Young lady naman kahit sabihin pa ng mga taohan ng devon kung nasan si Young master logan At kung pupuntahan natin sya kung nasaan man sya Siguradong pina paalam nadin ng mga taohan ng Thompson na parating na kayo"- pag e-explain nya
Oo nga ! Dahil tuwing pina paalam sa amin kung saan si logan at tuwing pinupuntahan namin sya ! Wala sya!!
"Miya parang tinatakbohan yata ni logan ang responsibilidad nya sa akin "- naiiyak na sabi ko
"Ito naman young lady para namang nabuntis ka ni young master at tinakbohan " - sabi nya
Tiningnan ko sya ng masama
Teka parang May naalala ako ??
Aha!!!! Hehe
"Miya May dala pala ako galing isla "- nakangiting sabi ko
"Ano po yun ?"- nagtatakang tanong nya
May kinuha ako sa bago ko
"Tada!!!!"- sabi ko sabay taas ng alak
"Waaaaa young lady ayaw ko !!! Bakit May dala ka nyan ??"- sabi nya
Ngumiti
"Pang pawala ng inis hehe "- sabi ko
"Noooooo! Hindi po ako makakapayag na mag lasing tayo!!!"- seryosong sabi nya
After 10 minutes
"Hehe Young lady namin eh Hihihi shabi ko shayooo ayaww ko e *hink hehe "- miya
"Hehe anoba meeyaa minshan * hink lang namen to eh hehe gushto ko lang naman makheta shi logan eh *hink huhuhuhu logan huhu "-kiana
"Shuuuuu wag kayong umeeyaaak gawa tayo paraan shama ka sha akin- miya
****MARVIC POV ****
Nandito kami ngayon sa basketballs court nagpapa pawis
"Hoy logan! Hanggang kailan mo tataguan si Ms.Devon?"- natatawang tanong ko
"Tsk .."- tanging sabi nya sabay shoot ng ball
"Syempri pagkatapos ng kasal nila habang buhay nyang makikita at makakasama si ms.devon kaya sinusulit nya ang pagkakataon habang hindi pa sya sakal I mean kasal "- sabi naman ni jeric
Haha .. Oo nga no
Napahinto kami ng May biglang nagsalita sa speaker na naka connect sa radio/announcement room ng campus na kung saan naririnig sa buong academy..
[ Heelooooooow? Hehe Young lady *Hink owkeeey na shabii shayooo gagana e]-
Teka Bakit parang pamilyar ang boses
[ Talagaaaa *Hink waaaa huhu meeeyaaa... ]
Teka??
"Si Ms.Devon ba yan?? "- sabi ni Jeric
Biglang natigilan si Logan
[ Huhu..Looogaaan babe? Huhu shaan kana?? Bakeeet *Hink hindi ka nag papakita sha sha akin huhu!! Panagutan mo ako huhuhuhuhu ]
"Sh*t"- logan
Malakas na naitapon ni logan ang bola at mabilis na tumakbo papunta sa kung saan si Ms. Devon
Umpisa palang yan