Chapter 12

4354 Words
****** MIYA POV**** Ito na yata ang unang besis na nakita ko si young lady na sobrang saya .. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya ....napaka tamis ng kanyang ngiti halatang sobrang saya nya nga Napatingin ako kay Young master logan kung si young lady tudo ngiti si Young master naman parang pinag bagsakan ng langit at lupa naka simangot Lang sya buong araw halatang napipilitan.Tsk Nagulat kami ng biglang tumayo si Young lady habang May hawak ng mic "Hello everyone...Gusto ko Lang mag pasalamat sa pag punta nyo sa kasal namin ng mahal ko , Alam ko na bata pa kami para mag pakasal pero mahal Lang po talaga namin ang isa't isa "- Napayuko si young master logan at umiiling " Maaga po kasing nag proposed ang mahal ko kaya Sino ako para tanggihan sya diba?? "- nakangiting sabi ni young lady Napailing naman sina lady sandy at napangiti si lord seth Yung mukha ni young master parang gusto ng tumakbo "May inihanda akong kanta para sa Lalaking unang nagpatibok ng puso ko "- Wait??? Marunong ba syang kumanta??? Ni minsan hindi ko pa narinig na kumanta si young lady "Seth? Marunong bang kumanta si kiana?"- Tanong ni lady sandy Hindi sumagot si lord seth " She has an angelic voice "- sagot naman ni young master Sean Agad naman tumango si young master zach bilang pag sang ayun "Ha???? Talaga??? Bakit hindi ko alam !!!?"- nagtatampong sabi ni lady sandy " That's her secret "-sagot ni lord seth Secret??? Pero bakit nila alam ?? Paano naging secret yun !? Napatigil ako sa pag iisip ng marinig ko ang boses ni young lady "This is for you my love "- sabi ni young lady at nag umpisang kumanta >> ?I like your eyes, you look away when you pretend not to care I like the dimples on the corners of the smile that you wear I like you more, the world may know but don't be scared 'Cause I'm falling deeper, baby, be prepared? Parang nanayo lahat ng balahibo ko sa katawan ng marining ko ang pagkanta ni young lady ... napakaganda ng kanyang boses!!! ?I like your shirt, I like your fingers, love the way that you smell To be your favorite jacket, just so I could always be near I loved you for so long, sometimes it's hard to bear But after all this time, I hope you wait and see? Napatingin ako kay young master logan habang tinitingnan nya ng Seryoso si young lady ... ?Love you every minute, every second Love you everywhere and any moment Always and forever I know I can't quit you 'Cause, baby, you're the one, I don't know how? Kitang kita sa mata ng mga tao kung gaano sila na amazed sa boses ni young lady ..kakaiba ang kanyang boses napaka sarap pakinggan "I love you 'til the last of snow disappears Love you 'til a rainy day becomes clear Never knew a love like this, now I can't let go? Napatingin naman ako kay lady sandy na ngayon ay umiiyak " Huhu ...Seth inlove nga ang prinsessa ko "- sabi ni lady sandy Tumango naman si lord seth ?I'm in love with you, and now you know I like the way you try so hard when you play ball with your friends I like the way you hit the notes, in every song you're shining I love the little things, like when you're unaware? Lumapit si young lady kay young master At hinawakan ang kamay ni young master ?‍♀️ ?I catch you steal a glance and smile so perfectly Though sometimes when life brings me down You're the cure, my love In a bad rainy day You take all the worries away Love you every minute, every second Love you everywhere and any moment Always and forever I know I can't quit you 'Cause, baby, you're the one, I don't know how In a world devoid of life, you bring colors? "In your eyes I see the light, my future Always and forever I know, I can't let you go"? Tiningan nya sa mata si young master "I'm in love with you, and now you know I'm in love with you, and now you know" Lahat ng tao ay napatayo ng matapos si young lady sa pag kanta.. "Hindi ko alam na ngayon nya pala ipapa rinig ang boses nya sa maraming tao "- sabi ni young master zach "Teka nga ha!! Bakit kayo Lang ang nakaka alam sa napakagandang boses ni Kiana!!"- inis na sabi ni lady sandy "It was an accident "- sagot ni lord seth Ha??? ***** SEAN POV **** Tsk. It was really an accident ^^ FLASHBACK 10 years ago ^^ Kaarawan ngayon ni lolo at tulad ng naka ugali an invited lahat ng malalakas na isla "Seth!! Nasaan si kiana!! Kanina pa sya hinahanap ni papa!! Alam mo naman hindi mag bo-blow nang candle yun pag hindi nya katabi si kiana!!"- sabi ni mama Tsk.. iba talaga kapag paboritong apo! Lumapit ang mga taohan namin kay papa "lord seth hindi po namin mahanap si young lady "- Napailing si papa That brat !!! "let's go find her "- sabi ni papa sa amin ni zach Kahit Kailan sakit ka talaga sa ulo kiana ! Nandito kami ngayon sa gubat ng Isla at nagbabakasakali na makita dito si kiana We're in the middle of the forest when we hear some angelic voice Her voice looks familiar "Is that Kiana?"- Zach said. Na unang lumakad si papa para tingnan kung sino ang kumakanta "Shhhhh! Be quiet" -sabi ni papa Tsk Dahan dahan namin hinawi ang halaman para makita kung sino yung kumakanta . And there we saw Kiana singing while sitting on the big rock. Napakaganda ng kanyang boses Napangiti kaming tatlo.. Napatingin kami sa isang puno dahil May isang lalaki na nakatayo habang pinag mamasdan si kiana Lumapit kami sa kanya agad na tinutok ni papa ang kanyang b***l sa lalaki "What are you going here, young man?"- seryosong tanong ni papa sa kanya Nanlaki ang mga mata ng lalaki Tsk. Yumuko sya para mag bigay galang " Namamangha Lang po ako sa boses ng babae "- sagot nya "shes my daughter you can leave now "- Ngunit hindi parin sya umaalis Nagulat kami ng lumuhod sya sa harap ni papa " I want to marry your daughter Sir I'm gonna make her, my queen " - seryosong sabi nya Tinutok ulit ni papa ang b***l sa Kanya "you can't just marry my daughter you are still both young!! "- "if you will give me a chance I can prove myself to you " Tiningnan sya ni papa ng mabuti Ang Tapang nya para hingin ang kamay ni kiana kay papa !! Nakaka init ng ulo ! "No! I will not let my daughter marry you!!....... Unless she's willing to marry you "- Pina tayo sya ni papa "You look weak come back when you're strong and when the time that we will meet again and you're still like my daughter Don't admit that you like her."- Tsk . Na unang umalis si papa kaya agad kaming sumunod sa kanya " My name si Logan Thompson Sir!!"- sigaw nya Logan Thompson? I will remember that name ^^^^END OF FLASHBACK ^^^^^ Tsk ..Oo yun ang nangyari 10 years ago kaya mainit ang ulo namin ni zach sa mga Thompson lalo na talaga kay logan!!!! Maraming taon na ang nakalipas ! Kaya hindi ko akalain na nakuha nya nga ang kamay ng kapatid namin! ... Napatingin ako kay logan nag tama ang mga mata namin He smirk ? at me !!! While he's eyes telling me that he won my twin sister's heart! .. Tsk !! ***** KIANA POV**** Ito na ang gabi na pinaka hinihintay ko !!! Ang gabi ng lagim!! Ay este ang unang gabi na mag asawa kami ni logan Waaaaa!!!! Asawa????!!! Totoo ba to !!? Sabi na e lahat nang gusto ko makukuha ko ! Inayos ko ang damit ko sisiguradohin kong maakit ka sa akin logan !! Pumasok ako sa kwarto namin nandito pala kami sa isa sa mga Isla nila logan nandito kami sa rest house nila para gawin ang tagapag mana nya hihi.*evil smile "Babe yuhooooo "- sabi ko Nanlaki ang kanyang mga mata "A-ano Yang suot mo?"- kinakabahang sabi nya Hehe ang cute !!! Gumapang ako sa kama "Ito na ang oras para mag pa putok mahal "- Bigla syang tumayo "Anong pinag sasabi mo!!"- sabi nya Ngumiti ako nang nakakaloko "Don't worry baby I'll be gentle..Roar!!!"- Bigla syang namula Lumapit ako sa kanya "Wag kang lumapit!!! "- sabi nya Napa simangot ako "Ano ba Yang suot mo !!"- inis na sabi nya "Bakit ??? Hindi mo ba gusto??!"- inis din na sabi ko "Hindi !!"- sagot nya Haist .. "Edi wag !!! " - sabi ko sabay h***d ng damit ko sa harap nya Wala namang problema dahil asawa ko naman sya . Mas lalo syang namula Ngumiti ako sa kanya Tumayo ako "Enjoying the view babe?" Sabi ko with pa kagat labi pa Napa iling nalang sya "Mag suot ka ng damit! Tsk matutulog na ako " - sabi nya sabay higa sa kama sabay pikit sa kanyang mga mata What!!!!!! Ganon Lang yun !!!!! "Logan!!! Wala kang respeto!!! Ang ganda ganda ng tanawin bakit hindi mo tikman!!! Logaaaaan!!!!"- inis na tawag ko sa kanya Lumapit ako at sinampal sya pero hindi parin nya minumulat ang kanyang mga mata Sinampal ko ulit pero wala parin kaya sinampal ko ng pa ulit-ulit pero nanindigan talaga syang mag tulog tulogan!!! Sinuot ko ang damit ko at inis na humiga sa kama sabay talikod sa kanya Nakakainis "Aray "- Mahinang sabi nya Kaya agad akong Napatingin sa kanya Nakahawak Lang naman sya sa kanyang pisnge pero naka pikit parin ang kanyang mga mata "Gising ka pa???"- Tanong ko Pero hindi sya nag salita kaya lumapit ako at sinampal sya ng malakas Tsk...hindi parin nya binubuksan ang kanyang mga mata! Bahala ka !!! ****** Maaga akong nagising para mag luto ng pagkain ni logan Yiiiiii..official wife is on duty!!!!! "Magandang umaga young lady " - sabi ni miya sa akin Nandito din kasi sya pati narin ang mga pinsan ni logan!!! Ayaw ko sana silang isama kaso si logan gusto nyang kasama ang mga pinsan nya kaya sinama ko nalang din si miya !!!! "Kamusta ang unang gabi nyo young lady " - nakangiting tanong ni miya sa akin Sumimangot ako "May mali ba sa akin miya ??? Pangit ba ako Ha !!? Hindi ba ako ka akit-akit?"- seryosong tanong ko "Ha?? Ah eh napaka ganda nyo po young lady kahit langaw mahihiyang dapuan ka at sobrang hot nyo po "- walang ganang sabi nya Tiningnan ko sya ng masama "Bakit parang masama ang loob mo?"- Tanong ko "Syempri! Pina pa mukha mo sa akin kung gaano kalayo ang ganda mo sa ganda ko !!!"- inis na sabi nya Ngumiti ako at lumapit sa kanya "Ito naman parang hindi pa nasanay "- sabi ko Sumimangot sya "Young lady!!!!"- inis na sabi nya Haist "Wag mo akong gulohin miya busy ako "- sabi ko "Bakit ba kailangan Ikaw pa ang mag luto e May chef naman para mag luto sa atin "- "Buti nga May chef e kasi baka kasi wala kayong makain dahil si logan Lang ang pwedi kumain ng luto ko " - sabi ko Napailing sya "Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko young lady ,Ano na ? Kamusta kagabi?"- pangungulit nya Tsk!! Nakakainit Lang ng ulo ! "Walang May nangyari!!! Masaya kana!"- inis na sabi ko Tumawa sya ng mahina Tiningnan ko sya ng masama kaya agad syang umalis Tsk! *** Nandito kami ngayon sa dining table para kumain Hinihintay nalang namin si logan na bumaba "Bakit ang tagal ni logan..... Pinagod mo ba kagabi Ms.Devon?"- nakangiting tanong ni Marvic Tiningnan ko sya ng masama kaya agad syang napatahamik Napatingin kami sa bagong dating na si logan "Anong nangyari sayo?"- takang tanong ni Jeric kay logan Napangiti ako Namamaga Lang naman ang kanyang mukha at putok ang kanyang labi sa kakasampal ko kagabi Buti nga sayo !!! Tiningnan ako ni Jeric "Masyado mo namang ginalingan Ms.Devon " - amaze na pagkakasabi nya "Ako pa ba ?"- nakangiting sabi ko m "Upo kana babe pinag luto na kita ng pag kain mo "- nakangiting sabi ko kay logan Tahimik na umupo sya at sabay kain sa pag kain inihanda ko para sa kanya " Babe San tayo mamaya?"- Tanong ko sa kanya "Ikaw bahala "- simpleng sagot nya Haist . "Gusto mo bang mag swimming?"- Tanong ko "Ikaw bahala "- sagot nya " Hindi ako pamilyar sa isla pwedi mo ba akong ipasyal mamaya?"- Tanong ko "Ikaw bahala "- sagot nya Parang sasabog na yata ako sa inis kay logan pero kailangan ko pigilan "Nakakatamad na palang lumabas kaya doon nalang tayo sa kwarto natin buong araw??? Ako parin naman diba ang bahala???"- seryoso na pagkakasabi ko Napatigil sya sa pag subo Tumawa naman ang kanyang mga pinsan Huminga sya ng malalim " Ano ba talaga ang gusto mong gawin?? Swimming o mamasyal?"- seryosong tanong nya Ngumiti ako ..hehe 1 vs 0 "Tara pasyal tayo mamaya?"- excited na sabi ko Tumango naman sya Yessss! ****** JERIC POV***** Umalis na ang dalawang mag asawa haha parang hindi parin ako sanay na mag asawa na si logan at Ms.Devon "Haist..kawawang logan "- biglang sabi ni Marvic sabay inom ng kanyang tea "Bakit naman sya kawawa?? Napaka swerti nya nga kay young lady e!"- inis naman na sabi ni miya Tiningnan ko sya ng masama "Alam mo ang tagasilbing tulad ay dapat matotong lumugar! Wag kang makisali sa usapan ng May dugong maharlika "- sabi ko sa kanya Abat! Tiningnan din ako ng masama "Yang mata mo miya!!! Umayos ka ha gusto mong dukotin ko yan !"- sabi ko sa kanya Lumapit sya sa akin "Sige dukotin mo !!! Dukotin mo !!"-galit na sabi nya Napaka high blood talaga nito ! Manang mana sa amo ! "Ano na Mr.Royal Blood! Dukotin mo na mata ko !!"- pamimilit nya sa akin Tsk..Ang tapang!!! "Ayaw ko !!! Ang daming muta!!!!"- sabi ko sabay alis at labas ng rest house Alam ko kasing hindi ako mananalo sa tagapag silbi ni Ms.Devon haist masyadong malakas ang kanyang tagapag ligtas kapag pinatulan ko sya baka ipa tapon ako ni Ms.Devon sa dagat Napakunot ang Noo ko nang May nakita akong pamilyar na babae Teka? Anong ginagawa nya dito?? Lumapit sya sa akin at sabay yuko "Sir Jeric "- sabi nya "Ayara??? Anong ginagawa mo dito??"- takang tanong ko Si Ayara ang isa sa mga malakas na assasin sa Isla namin bukod dun sya ang ex-Girlfriend ni logan!! Oo nagkaron sila ng relasyon ni logan Masaya sila noon pero ayaw ni lady fatima kay ayara kaya gumawa sya ng paraan upang ipag hiwalay ang dalawa.. Pero pinaglaban ni logan ang kanilang relasyon ngunit si ayara ang kusang sumuko sa dahilan na pweding manganib ang pwesto ni logan bilang isang tagapag mana kapag pinag patuloy nila ang kanilang relasyon.. Apat na taon nadin ang nakakalipas alam kaya nyang ikinasal na si logan "Pina punta ako ni Lady Marie dito bilang isang tagasilbi "- nakangiting sabi nya Si Lady Marie??? Tsk "Matagal narin simula nang huli tayong nagkita Ano po ba ang bago ngayon sa Isla natin ?"- nakangiti parin na tanong nya Bago pa ako makapag salita nakita namin si Logan at Ms.Devon na naglalakad papuntang dalampasigan "Si logan ba yun ??? Tara puntahan natin "- sabi nya sabay takbo papunta kina logan "Tekaa ayara "- sabi ko pero mabilis syang naka takbo Kaya Wala akong nagawa kundi sumunod nalang "Logan "- tawag ni ayara kay logan Agad namang napalingon sina logan At Ms.Devon "Ayara??"- gulat na sabi ni logan Agad na tumaas ang isang kilay ni Ms.Devon "Young master Logan Kamusta kana??"- nakangiting sabi ni ayara "Kailan ka pa dumating?"- Tanong ni logan Hindi nagsalita si Ayara pero mabilis syang lumapit kay logan at niyakap ito Naku patay!!!! Nagsisi akong sumunod pa ako dito " Pina tawag ako upang maging tagasilbi mo kaya agad akong pumunta dito apat na taon na ang nakakalipas simula nang Pina lipat ako sa ibang Isla Wala akong ibang inisip kundi Ikaw Lang logan "- sabi nya habang nakayap ng mahigpit Biglang lumapit si Ms.Devon at inalis sa pagkakayap si logan kay ayara.. " At Sino ka ?"- mataray na sabi ni Ms.Devon Nagtataka na nakatingin si ayara kay Ms.Devon "Isa ka ba sa mga bagong taga silbi ng mga Thompson?"- inosenting pagkaka tanong nya kay Ms.Devon "I'm his wife "- mataray na sagot ni Ms.Devon Biglang napaatras si Ayara "Wife??? "- nagugulohan na tanong nya "Asawa sya ni logan sya si young lady kiana ang susunod na Lady ng mga Thompson "- sabi ko Agad na pumatak ang mga luha ni ayara Lumapit ulit sya kay logan "Logan nag bibiro Lang sila diba ??"- sabi nya sabay hawak sa mga kamay ni logan Lumapit si Ms.Devon at tinulak ng malakas si ayara dahilan upang matapilok ito " Ahhhh "- daing ni ayara "Don't touch my husband!"-galit na sabi ni Ms.Devon "Ayara "- nag alalang sabi ni logan sabay tulak kay Ms.devon at sabay lapit kay ayara "Ok kalang?? "- nag-aalalang tanong ni logan Umiling si ayara "Hindi ako matayo "- sagot ni ayara Agad na binuhat sya ni logan at naglakad papuntang rest house Napatingin ako kay Ms.Devon habang pinag mamasdan nya si logan habang buhat si Ayara Napatingin ako sa kanyang Paa Nagulat ako ng makita Kong dumudugo ito habang nakaapak sa shell Napalakas yata ang pag tulak sa kanya ni logan dahilan para maapakan nya ang shell "Ms.Devon dumudugo ang paa mo "- sabi ko sa kanya Bakit kasi naka paa Lang sya Napatingin sya sa paa nya Hindi sya nag salita sa halip ay dumiritso sya ng lakad para sundan sina logan Pero yung paa nya??? Tutulongan ko sana sya kaso ayaw nya Huminto sya sa pag lakad "Sino ang babaeng yun ? "- tanong nya Sasabihin ko ba ??? Naku naman bakit kasi lumabas pa ako ng rest house "Si Ayara ang ex-girlfriend ni logan "- sagot ko "Ganon ba " -simpleng sabi nya at nagpatuloy na sya sa paglalakad Kakakasal nyo Lang ! Ang g**o na ng buhay nyo !! Ito palang ang unang araw nyo! Ang dami na nangyari!! Tsk ***** MIYA POV**** Nagulat kami ng biglang pumasok si young master habang May buhat na isang babae Ha??? Bakit sya buhat ni young master??? Nasan ang young lady ko !? "Ayara???"- takang sabi ni Marvic Pina upo ni young master si ayara raw sa sofa at mina-massage ang paa nya Teka!!! Ano ang nangyayari "Ahhh Araaay "-daing ni ayara "Tiisin mo Lang madali Lang to "- sagot ni young master "Teka lang ha! Ano ang nangyayari!!? Nasan si young lady???"- Tanong ko Pero hindi sila nagsalita Napatingin ako sa pinto ng pumasok si young lady Napahinto sya at tiningnan si young master logan Napatingin ako sa paa nya dahil dumudugo ito "Young lady Anong nangyari sa paa nyo ?"- nag-aalalang tanong ko Napatingin naman si young master logan sa paa ni young lady Bigla syang napatayo "Anong nangyari sayo ?"- Tanong ni young master Hindi sya pinansin ni young lady dumiritso sya ng lakad papunta sa kanilang kwarto "Pag tulak mo sa kanya kanina naapakan nya ang shell "- sabi ni Jeric Ano !!! Tinulak nya si young lady!!!!! Gusto ko sana syang sigawan kaso hindi pwedi kasal na sila ni young lady isa na ako sa tagapag silbi nya !! "Sundan mo na ang asawa mo kami na ang bahala kay ayara " - sabi ni Marvic Agad namang tumango si young master at patakbong umakyat sa kanilang kwarto Napatingin ako kay ayara na ngayon ay tahimik na Sa tingin ko sya ang dahilan kung bakit nangyari yun kay young lady ! Tsk humanda ka Lumapit ako sa kanya "Ako na ang bahala sa kanya "- sabi ko kay Marvic Tinaas ko ang paa nya "Araaay dahan dahan Lang "- daing nya Mukang masakit nga ang paa nya *****KIANA POV***** Pumasok ako sa kwarto ay umupo sa kama Parang gusto kong umiyak sa sobrang selos at galit !!! Mali ba ang ginawa ko !!!? Para itulak nya at ipag palit agad sa ex nya !!! Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Logan Agad na umiwas ako ng tingin.. Nagulat ako ng buhatin nya ako at dinala sa C.R at hinugasan ang paa ko at sabay buhat ulit at pina upo ako sa kama umalis sya saglit at pagbalik nya May dala na syang medicine kit Nilinis at ginamot nya ang sugat ko .. Tsk..Hindi ako kinikilig!!!! " Bakit ka nandito? Puntahan mo na ang Ex mo " - inis sa sabi ko " Bakit mo kasi sya tinulak " - tanong nya "She deserved it!"- seryosong sabi ko Huminga sya ng malalim " Hindi ka na bata kiana kaya ayusin mo Yang ugali mo "- sabi nya Bakit??? Wala ba akong karapatan mag Selos??!! "Tsk "-sabi ko "Oo nagkaron kami ng relasyon ni ayara noon hindi pa ba sapat sayo na ikaw ang asawa ko ngayon?"- sabi nya Hindi ako nagsalita.... hindi magiging sapat ang pagiging asawa ko sayo kung hindi mo pa ako mahal!!!! Alam ko kasalanan ko dahil pinilit kong maging akin ka !!! Pero Ito palang ang unang araw kaya hindi pa ngayon ang araw para sumuko!!! Mamahalin mo din ako !!!! Tumayo ako "Saan ka pupunta ??"- takang tanong nya "Uuwi na ako ng Isla namin!! Kayo nalang ni ayara ang mag honeymoon!" - sabi ko Pinigilan nya ako "Dito kalang !"- galit na sabi nya Tiningnan ko sya ng masama "Kiss mo muna ako "- sabi ko Napailing sya sabay lapit sa akin at pinitik nanaman ang Noo ko Pasalamat ka mahal kita !!! ****** Nandito nanaman kami sa dining table para kumain ng haponan kahit masama parin ang loob ko pinag luto ko parin si logan ng pagkain nya Tahimik Lang kaming kumakain ng biglang nagsalita ang Bruha "Patawarin nyo po ako sa inasal ko kanina young lady hindi ko po alam na kasal na pala si logan este young master logan " - sabi ni ayara Hindi ako nagsalita Ewan ko ba bakit nakiki kain to dito! Napatingin ako kay ayara nang kukuha sana sya ng pagkain na luto ko para kay logan Subokan mo!!!!!!!! "Oppos Ayara hindi ka pweding kumuha dyan para Lang yan kay young master "- warning ni miya sa kanya Hmm! Agad na napa yuko si ayara "Sorry"- sagot nya Sorry mo mukha mo !! Nagulat ako ng binigyan sya ni logan ng pagkain na luto ko ! "Kumain ka ng madami "- sabi ni logan Bigla yatang umusok ang ilong ko Tumayo ako at kinuha lahat ng luto ko sabay tapon sa sink .. "Kiana!"- galit na sabi ni logan "Young lady !! Sayang!huhu"- sabi naman ni miya "Ah busog na pala ako mauna na akong umalis sa inyo "- sabi ni Marvic "Ako din "- sabi naman ni Jeric Tiningnan ko ng masama si logan at umalis Nakakainis!!!! Tinulak nya na nga ako kanina binuhat nya pa ang kabit nya sa harap ko tapos ipapakain nya pa ang luto ko !!!! Pumasok ulit ako sa kwarto namin Kinuha ko ang unan ko at lumipat sa kabilang kwarto Dito ako matutulog ngayon!! Bahala sya mag isa ka kwarto na yun ! Kung gusto nya Itabi nya si ayara ng mapugotan ko na nang ulo !! Kinabukasan hindi ako Lumalabas ng kwarto nagpapahatid Lang ako ng pagkain kay miya Naiinis parin akong makita si logan at ayara!! Hindi ko pinag luto si logan!! At hindi ko na sya ipagluluto!! Ni hindi man Lang ako pinuntahan dito sa kwarto! "Young lady magkukulong nalang ba kayo dito ?"- Tanong ni miya "Oo " - sagot ko "Alam nyo bang hindi kumain si young master ng almusal at tanghalian "- sabi ni miya Tsk ..wala akong paki alam "Hayaan mo sya " - sabi ko "Eh young lady naman e hahayaan mo bang umaligid si ayara kay young master?"- Oo nga no ??? Pero naiinis parin ako !!! " Haist "- sabi ko sabay tayo upang lumabas ng kwarto Bumaba ako para puntahan si logan Lalo akong nainis ng makita ko si logan na naka upo sa sofa habang katabi si ayara habang nanonood ng TV . Huminga ako ng malalim Napatingin si logan sa akin "Kamusta na ang paa mo?" -tanong nya sa akin Wow !! Ngayon kapa nag tanong matapos mo akong hindi dalawin sa kwarto!! Lumapit ako at kumadong sa kanya sabay tingin kay ayara "Ok Na babe "-sabi ko Akala ko itutulak ako ni logan pero hinayaan nya Lang akong kumandong sa kanya. Napangiti ako Nawala agad ang ngiti ko ng magsalita nanaman si ayara "Young master Pasensya na sa abala pero gusto ko sanang pumasok na kwarto ko kaya mauna na ako sa inyo "- sabi nya Sabay lakad habang nahihirapan Buti naman Bigla akong inalis ni logan "Tulongan na kita "- sabi ni logan "Naku wag na nakakahiya kay young lady "- sabi nya Ngayon ka pa nahiya "Logan hayaan mo na sya "- sabi ko Pero hindi ako pinansin ni logan "I insist ihahatid na kita "- sabi nya kay ayara Napaka sweet!!!!!! Tumayo din ako at padabog na umalis Humiga ako sa kama ko !! Kailangan ko nang e tulog ang inis ko Napa mulat ako ng May maramdaman akong May yumayakap sa akin Pagtingin ko si logan Nanlaki ang mga mata ko Bakit sya nandito???? Bakit sya dito natulog ??? Waaaaaa...kikiligin na ba akon Napa upo ako at tiningnan sya ng mabuti "Ilang araw palang tayong kasal pero naka ilang broken-hearted na ako sayo!!!"- inis na sabi ko Nagulat ako ng bigla syang nagsalita " Buong araw akong hindi kumain"- sabi nya sabay mulat ng kanyang mga mata Nagtama ang aming mga mata Ngumiti sya "Ipag luto mo ako "- sabi nya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD