Inakay ako ni Lawrence sa lounge area nila. Pinainom niya agad ako ng tubig para kumalma.
Nilibot ko ang paningin sa kanilang lahat at nababakas ang pagkabahala sa mukha nila. Magkatabi kami ni Lawrence ng upo. Sa bandang kanan ko nakaupo sila James at Ian. Sumunod kay Ian si Jack at si Reid. Sa pinakadulo si Chris na nakatingin sa cellphone nito. Pabilog ang sofa na kinauupuan naming lahat.
“I'm sorry Emz kung dito pa talaga sa bar ko nangyari yung kanina. Pangako, hindi na mauulit ito.” Wika ni James. Nagiguilty siya sa nangyari kahit wala naman siyang kinalaman.
Nginitian ko siya. “Okay na ako. Don't feel guilty. I'm not blaming you. Hindi mo na kontrol ang mga ganoong pangyayari. At pasensya ka na rin sa nagawa kong gulo.” Hinging paumanhin ko sa kanya.
Umiling ito. “Wala kang kasalanan.” Tumayo ito ng bahagya para maabot ang wine glass at bote ng alak at nagsalin.
“Ang kasalanan mo lang ay ang pagkakaroon ng magandang mukha at katawan.” Ngisi ni Jack. Siniko ito ni Ian. “Joke lang dude! Chill!” Dugtong nito nang makitang umaamba si Lawrence para suntukin ito.
“Gago.” Singhal ni Lawrence sa kanya. Sumandal ulit ito sa sofa at hinila ako lalo para sumiksik sa gilid niya.
Naramdaman ko ang panaka-nakang halik niya sa noo ko. It made me feel better and relax. Iniyakap ko ang mga braso ko sa kanyang katawan.
Narinig ko ang pagpito ni Jack. Napapalatak pa ito. “f**k! Nahihiya ang asukal sa inyong dalawa!" Kantiyaw nito sa aming dalawa.
“Dude hindi ka ba 'corrupting minor' sa lagay na yan?” singit ni Ian.
“Craddle snatcher dre!” dugtong na wika ni James.
Nagtaas lang ng dirty finger si Lawrence sa kanila. Humalakhak lang ang mga loko.
“Tss. Inggit lang kayo, palibhasa wala kayong matitinong girlfriend.” Umiiling-iling pa si Reid. Siya at si Lawrence ang pinakatahimik sa kanilang anim. Pero may kakaibang aura si Reid na hindi ko maipaliwanag. He's mysterious. Hindi ko na aalamin pa dahil wala naman akong karapatang mangialam in the first place.
“Huh! Look who’s talking here! Ano, hindi mo pa ba nahahanap yung chikababe na nakilala mo two years ago? Goddess ba yun at hindi ka makapag move on? Uso ang move on dre try mo!” Pang-aasar ni Jack na nakatanggap ng mahinang suntok sa blikat galing kay Reid.
“I am not interested in her.” Madiin na salita ni Reid habang nakatitig lamang sa kanyang inumin.
“Yeah, yeah. Pero nanggaling ka sa bar na yun kagabi.” James remarked.
“Shut the f**k up.” Reid hissed. Nagkibit-balikat lamang ang mga kaibigan nito at si Lawrence ay nakangisi lamang na nakatingin kay Reid. Si Chris ay tahimik lang din na tumitipa sa kanyang cellphone.
Makalipas ang ilang sandali ay nag asaran na nama ang mga ito. Natatawa ako sa kanilang anim. Halatang malalim na ang pinagsamahan nila at ganito na lamang sila kung magbiro sa isa't isa.
"Emz may kapatid ka bang babae?" Biglang tanong sa akin ni Ian. Tumahimik din ang iba sa pinag-uusapan nila at naghintay rin sa sagot ko.
Kumunot-noo ako. "Meron, bakit?" Mukhang alam ko na ang sagot pero gusto ko pa ring marinig ang kanyang rason.
Nakipag high-five ito kay Jack at James bago bumaling sakin. “Pwedeng ligawan?” Ang pangisi niyang sabi na ikinairita ko. Bago pa ako nakasagot, nakatanggap ito ng mahinang sipa sa tuhod mula kay Lawrence.
“Yan ang definition ng craddle snatcher! Kinse anyos pa lang yun! Asshole!” Singhal nito kay Ian na pinapagpag ang pantalong narumihan.
“Bakit ba ikaw ang sumasagot e hindi naman ikaw ang tinatanong. Tss!” Baling ni Jack kay Lawrence.
Napakunot-noo ako nang mapagtanto ang sinabi ni Lawrence. How come alam niya ang tungkol sa kapatid ko? Nabanggit ko na ba minsan sa kanya ang family background ko? I don’t remember I mentioned it but perhaps, I did.
Gusto ko sana maasar kay Ian pero natatawa na lamang ako. Ewan ko ba sa mga taong ito, parang mga ewan.
Mayamaya lang ay nagkatuwaan na ang lahat. Hindi ako pinainom ni Lawrence ng kahit ano maliban sa tubig. Pero mainam na rin yun at baka magkalat pa ako dito.
Tumayo si Lawrence a hinila ako papuntang dancefloor. Sweet music ang pumapainlang sa paligid. Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya pabalik.
“You look wonderful tonight, Emerald. I want to hug you like this so everyone knows that you are mine. I'm so glad about my decision of giving us a chance. I think that's the best decision that I'd ever done in my life. And thank you for allowing me into your life. Alam kong hindi rin madali sa’yo ang sitwasyon natin na ito." Hinaplos niya ang pisngi ko at gusto kong matunaw sa mga titig niya.
Ngumiti ako sa kanya at tumango. “It doesn’t matter, Lawrence. Masaya akong kasama ka. Para sa akin, sapt na sapat na iyon.” Gusto ko mang sabihin sa kanya na noon ko pa pinangarap ito ay hindi ko magawa at baka matakot siya. He hates commitment at ayokong isipin niyang sinasakal ko siya. Sapat na sa akin ang ganito. Bahala na ang bukas.
Dinikit niya ang kanyang noo sa akin. We just stared each other habang marahang sumasabay sa saliw ng awitin. After a couple of minutes natapos ang kanta at niyakap niya ako ng mahigpit. I felt his lips on my forehead.
“Lawrence, we are not being discreet. Baka may taga-hotel dito at makita tayong ganito kadikit. They might create rumors.” Ang sabi ko sa gilid ng kanyang leeg.
“Ang totoo’y wala na akong pakialam pa kung malaman man ng lahat. I make my own rules. I can break them if I want to. Pero it would be selfish of me. Alam kong sa ating dalawa ay tiyak akong ikaw ang mas maapektuhan.” He sighed deeply. “Alright, balik na tayo sa pwesto at baka napagod na rin kita. Sorry I'm not good when it comes to dancing.” He chuckled before he gave me a chased kiss on my lips.
I glared at him. You shouldn’t kiss me in the middle of the dancefloor, Lawrence! The man just winked at me. My god.
Bumalik na kami sa pwesto at tawang-tawa ako sa kalokohan ng mga kaibigan niya. Hindi sila boring kasama. Magkaka-empatso pa ata ako sa kakahalakhak sa mga biro at banat nila.
Meanwhile, Lawrence and Reid were so pissed dahil sila ang madalas pagtawanan ng grupo.
“Lawrence, how is Veronica? I haven't heard about her lately.” Tikhim ni Chris. Nakatanggap agad ito ng kantyaw mula sa mga baliw nilang kaibigan.
“Drop it, dude. Veronica is like a sister to us. She's off-limits.” Sagot ni James kay Chris.
Tahimik lang naman din si Lawrence sa tabi ko.
“I'm not asking your fuckin' opinion dude.” Chris hissed at James. Nagtawanan lang din ang iba.
“Hindi ko alam bakit mo kailangan itanong yan gayong alam mo naman ang sagot. You know she's in Paris. She's into modelling again.” Sagot ni Lawrence. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa bibig niya para halikan.
“What? I don't understand why she's into modelling again! Mag-concentrate na lang sana siya sa negosyo ninyo.” Chris really looked pissed.
"Dude, it's her passion. And we know that. So why would I stop her from doing so if that would make her happy? I know her, she knows her limits. Don't worry, I have my eyes on her. And so far, wala pa namang umaaligid sa kanya." Lawrence smirked.
“I'll be damned if there is!” Ang tanging sagot lamang ni Chris habang nilalagok ang tagay nitong Jack Daniels.
“Why don't you follow her instead? So, you'll stop shitting around here. Tss.” Singit ni Reid.
Sasagot sana ni Lawrence kaso napahinto sa bulalas ni James. “Fuckin s**t!” Biglang nanlaki ang mata niya nang may namataan sa entrance. “Brace yourselves, I smelled trouble." Wika niya at kumuha ng inumin sa mesa.
Lumingon kaming lahat sa entrance at nakita ang grupo ng kababaihan na palingalinga. I heard them sigh at muling napailing.
Lawrence clenched his jaw and uttered a curse. “s**t! Who summoned them?” Singhal niya sa kanyang mga kaibigan na sabay-sabay pa na umiling. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"Malakas lang talaga ang pang-amoy ng mga yan dude. Tsk! Tsk!" sagot ni Jack.
Namumukhaan ko yung isang blonde. Siya yung kahalikan ni Lawrence noon. Hindi ko maiwasang manibugho dahil ang seksi at ganda din naman talaga. Kaakit-akit. Papunta sila dito sa pwesto namin.
Pasimple kong tinanggal ang kamay ni Lawrence sa akin. He frowned at me pero umiling ako.
“Sa ladies’ room lang ako. I think you need to talk to her. I'll be fine.” Pasimple ko siyang nginitian. Tumayo ako at nag-excuse din sa mga nakapalibot niyang mga kaibigan.
Habang nasa loob ako, hindi maalis-alis sakin ang kaba. Panibugho. Insekyuridad. Paano kung pagkatapos nilang mag-usap marealize ni Lawrence na mas kailangan niya yung babaeng yun kesa sakin? Paano kung maiisip niya na wala pala akong silbi sa buhay niya? Na wala pala siyang mahihita sakin?
I closed my eyes. Nararamdaman ko ang pag-iinit ng aking mga mata. I sighed. I've been here in the ladies’ room for fifteen minutes. Siguro naman ay nakapag-usap na ang dalawa.
I looked at myself in the mirror for the last time. Inihanda ko na ang aking sarili sa kung anuman ang mangyayari. Malakas ang pakiramdam ko na naiisip na ngayon ni Lawrence kung gaano siya kamalas sakin. At kung gaano pala siya kaswerte sa kanya.
Never in my life I would think that I am not good enough to someone. Ngayon pa lang. Kung ako pa rin gusto niya o hindi na, tatanggapin ko ng maluwag sa dibdib kahit ba pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa sakit.
Pagkalabas ko dumiretso na ako sa lounge kung nasaan sila. Pero hindi pa ako nakakalapit ay namutla na ako nang makita kong naghahalikan si Lawrence at yung babae! s**t! Bigla akong napahinto at pakiramdam ko’y umiikot ang paligid. Pakiramdam ko’y pinagsakluban ako ng langit at lupa. And I thought I was prepared for this, but no one could ever be truly prepared to be in a situation like this.
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para lumayo sa lugar na iyon. Nasa exit na ako nang marinig ko ang boses ni Lawrence na tinatawag ako. Damn you! Go to hell! My mind is screaming in anger!
Nakalabas na ako at salamat at may nakaparang taxi. Lumapit ako dito at sumakay. Pero hindi ko pa nasasara ang pintuan ng taxi ay pumasok doon si Lawrence na hinihingal pa.
“f**k! Why are you running away from me!” Sinigawan niya ako pero hindi niya ako nasindak.
Hindi ko siya nilingon at nakatanaw lang ako sa bintana. Alas-dose na ng gabi kaya medyo tahimik na ang siyudad. Hindi man lang kami nakapagsayaw pa ulit.
“Talk to me! Damn it!” Hinawakan niya ang aking kamay pero pinalis ko lang din yun. Narinig ko siyang nagmura ulit.
“Sinunod ko naman ang gusto mo. You said we need to talk, so we talked. Now what's your problem, woman?” He said again. I could hear the frustration in his rasp voice.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong balingan siya at sigawan. “Ang sabi ko, mag-usap kayo! Hindi ko sinabi na maghalikan kayo! Right infront of my face! Anong gusto mong gawin ko! Papalakpak sa nakita ko? Tatawa? Kikiligin? f**k you!” Nakita kong natigilan siya at nanlaki ang mga mata. Wala akong pakialam kahit na tumikhim ang taxi driver.
“Watch your pretty mouth, lady. I might do something to shut that up.” His voice was low, and I know he's very angry now.
"I will say what I want to say, and you have no right to shut me up!" I yelled at him again. His jaw clenched for the nth time at nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya. He closed his eyes and frowned.
Ilang minuto na tahimik lang kami. Natetensyon pa rin ako. Samantalang siya ay naririnig ko ang maya't mayang pagbubungong-hininga.
Pagkahinto ng taxi malapit sa apartment namin ay umibis na agad ako. Si Lawrence na ang nagbayad at lumabas na rin sa taxi.
Pagpasok ko sa madilim na sala ay hindi na ako nag-abala pang buksan ang ilaw total tumatagos naman ang liwanag mula sa poste. Hinawakan ni Lawrence ang kamay ko. “Let's talk.” Aniya sa mahinahong boses.
“Next year, I don't feel like talking to you this whole damn year.” Mabilis ang aking paghinga. Naiinis talaga ako. Gusto kong magalit at umiyak ng sabay. Pinalis ko ang kamay niyang humahawak sa akin.
“For f**k sake! Stop being childish! Listen to me first!” He held my two elbows this time. I can see how furious he is, but I am more than furious!
“I'm not being childish!” I yelled at him.
“Then stop acting like one!” He shouted back.
Nanlaki ang mga mata ko at pakiramdam ko’y umuusok pati ilong ko sa sobrang inis! “What do you expect me to do, Lawrence? You were kissing her as if you’re both in love with each other! May ideya ka ba kung gaano kasakit sa akin yun? I feel betrayed! Sana nakipaghiwalay ka muna sakin bago ka pumatol ulit sa kanya!” Tuluyan na akong napaiyak. Wala na akong pakialam kung mabulabog man ang buong kabahayan.
Nakita ko kung paano lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. At sa lahat ng nangyari mula kanina pagpasok ko pa lang sa bar, ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Nanghihina na ako sa emosyong naghalo-halo na.
Naramdaman ko ang paghila niya sakin palapit sa katawan niya at niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko tinugunan ang pagyakap niya at hinayaan kong bumagsak lang ang mga kamay ko sa aking magkabilang-gilid.
He held my face with his two hands and wiped my tears away. Nagtitigan kami at nakita ko ang tipid niyang ngiti.
“A moment ago, your emerald eyes were burning with anger. Nagliliyab. Nagbabaga. Ngayon namang umiiyak ka, your eyes are darker green that I feel like I'm lost in the middle of the virgin forest. Do you have any idea how beautiful your eyes are?” He said. His voice was so soft and tender. Hinawi niya ang ilang buhok na tumatabing sa aking mata.
Napanguso ako. “Don’t patronize me, Mr. Dela Vega....” I said at napatungo ako. Akala niya mauuto ako sa papuri niya. I heard him chuckle.
“They say rare emerald stones are more expensive than diamonds. But those first-class stones pale in comparison to you, baby. Because to me, you are priceless. And I would give anything in this world just to be with you always." His voice was deep and husky na gusto kong panindigan ng balahibo.
Nag-angat ako ng tingin at nagtama ang aming mga mata. Ang paraan ng titig niya sa akin ngayon ay tila nagpapakalma sa sistema ko.
“Bakit kayo naghalikan?” Nilakipan ko ng panunumbat ang boses ko.
He sighed again. “Baby, it's not 'naghalikan' kundi 'hinalikan'. He kissed me and I was surprised na hindi agad ako nakaatras. But God knows, hindi ako gumanti ng halik sa kanya. I even got mad at her when I saw you running away.” Paliwanag niya habang tumitig ng diretso sa aking mga mata na parang sinsabi niya na makikita ko dun kung nagsasabi siya ng totoo o hindi.
And yes, I saw honesty and sincerity. It was my turn to sigh.
“Nabigla ako eh. Di ko akalaing sa ganung tagpo ko kayo maaabutan.”
“No baby, I’m sorry. It was my fault after all. I'm sorry. Mali ko dahil hindi ko nasabi agad sa kanya na hindi na ako ang dating Lawence. Hindi ko nasabi sa kanya ang tungkol sa’yo. Dapat nilinaw ko muna nag lahat sa kanya.”
Bumitiw ako sa pagkakakulong niya sa akin. Kumuha ako ng tissue sa tissue box sa mesa at pinahiran ang labi ni Lawrence. Inis na inis ako at hindi ko napigilang diinan ang pagkakapahid doon. Napangiwi siya.
“Baka may virus ang babaeng yun, mahirap na.” Wika ko at nakita ko siyang ngumisi.
“You are one jealous girlfriend.” Wika niya.
“That, I am. So, you should be careful Mr. Dela Vega. Lumayo ka sa mga naging babae mo kung ayaw mong gawin ko rin sa ibang lalake ang ginawa ng babaeng na yun sa'yo. Ang nasabi ko na siyang nagpatigil sa kanya. His face darkened and I saw how his eyes raged with anger.
“What the hell did you say?”
Kumurap-kurap akong nakatingin sa kanya. Hindi ko alam pero kinilabutan ako sa galit na ekspresyon ng kanyang mukha.
Damn.