SEVENTEEN: No One

2321 Words
Every night dumadalaw sa apartment namin si Lawrence. Hindi naman kasi kami pwede mag-usap at maglambingan sa hotel. Palagi rin naman siyang busy kaya madalas ay sa phone na lang kami nagkakamustahan. Pero very discreet pa rin ang pagpunta niya dito. Lagi siyang nakasuot ng sweatshirt with hoodie para matakpan ang kanyang mukha. Gabing gabi na rin siya kung dumarating. Bago mag alas-dose nandito na siya sa bahay at ako naman ay nag-aabang palagi sa kanya. May susi naman siya kaya hindi ko na siya kailangan pang pagbuksan ng pinto. Nanonood ako ng T.V habang nagkakape. Paborito ko talaga ang kape. I glanced at the wall clock and it read fifteen minutes past eleven. Nasa kani-kanilang kwarto na rin ang mga kaibigan ko. Tulog na tiyak mga yun. I sighed. Kahit papano hindi sila tutol sa ganitong set-up namin ni Lawrence pero alam kong may pagdududa pa rin sila. Pero alam ko rin na may tiwala sila sa akin kaya siguro panatag na rin sila at hindi na ako pinuputakte ng mga tanong. Ang mahalaga lang daw ay masaya ako ngayon. Happy. Yeah, I've never been this happy. I've never been this so in love. Kahit sila ate Love ay napapansin ang magandang aura ko. At kung bakit daw namumula ang pisngi ko palagi. Oh! I can't help it! Whenever I think about the intimacy that we always shared I can't help myself from blushing. Kahit pa hindi lumalampas sa yakap at halik ang ginagawa namin ay sobrang kaligayahan na ang nadarama ko. Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito. Pumasok si Lawrence na may bitbit na pizza box. Hindi pa daw siya kumakain kaya sabi ko sasabayan ko na lang siya. Napangiti ako at tumayo para salubungin siya. Walang pagalinlangang hinagis ko ang sarili ko sa kanya. Sa lakas ng impact nabitawan niya ang dala niya at humalakhak. “Oh my! My baby is craving for me, huh!?” He smirked at pinaliguan ako ng halik sa buong mukha. Ang mga braso niya ay nakapulupot sa aking bewang kaya hindi ko magawang makailag. Impit na tili lamang ang nagawa ko at baka magising namin ang mga kaibigan ko. “Oh my! My baby is craving for me too!” I giggled while saying that. He abruptly stopped that made me frown. Pinilit kong hulihin ang kanyang mga titig pero umiilag ito. Pasekreto akong ngumisi. “What's with that look? At bakit ka namumula?” I asked him, trying my hardest not to grin like a fool. “This is the first time you call me that.” His smiles widen at kita ko rin ang pagkislap ng kanyang mga mata sa gitna ng dilim. Napahalakhak agad ako sa ginawi niya. “Kinikilig ka?” I teased him. Niyakap ko ulit ang mga braso ko sa leeg niya. Hindi ko siya lulubayan hanggat hindi ko siya mapapaamin. “No. No way.” Kumunot ang noo niya. “Weeehh....halata namang kinikilig ka eh. Aminin mo na kasi...” Sinusundot ko pa ang tagiliran niya. “Hindi nga sabi eh. Natuwa lang ako, yun lang yun.” Inirapan pa niya ako pagkasabi niya nun. Aba't! Nang iirap pa to! “Aminin mo na kasi baby! Kinikilig ka sa akin noh? Love mo na ako noh?!” I was still teasing him not realizing what I was saying. Tumikhim siya at umilap ang mga mata. Oh please! Emz! You and your goddamn mouth! Do not spoil the moment! You know exactly that love doesn't exist in his vocabulary! Tumikhim din ako at pinulot ang pizza box sa sahig. Nilingon ko siya at nginitian. “Tara na sa kitchen?” Aya ko sa kanya. Namungay ang kanyang mga mata na para bang nanghihingi ng despensa. It's okay baby. I know that one day when you wake up, you'll realize that you are in love with me hopelessly just like how I am to you. I smiled secretly with the thought. Yeah, someday. Nang makarating kami sa kusina ay kumain na agad kami. One thing that is common between the two of us is we both love pizza. Mainit-init pa naman ito kaya no need to reheat. Nagkamustahan kami sa mga kaganapan ngayong araw sa aming kanya-kanyang gawain. May gusto akong itanong sa kanya kaya I didn't think twice to ask. "Uhm Lawrence, si Miss Veronica…mukha siyang mataray, noh? I seldom see her. She was there sa party pero bihira ko na lang siya makita ulit. Ang busy siguro ng kapatid mo, noh? Ilang taon na yun siya?" Sabi ko habang kumakagat sa pizza. Actually, alam ko naman ang edad nilang magkapatid but I still want to ask him though. He stopped eating and drank the glass of juice I gave him. “Nasa Paris siya recently. Part-time model siya since passion niya ang pag momodelo. Meron din siyang botique na pinapalakad aside sa pag-aasikaso sa ibang hotel chains namin sa Europe. She's 23 years old now. And no, hindi siya mataray. Malakas lang talaga ang personalidad niya. Uhm, mataray siguro siya sa mga taong ayaw niya. But generally, she's sweet and loving…and yeah, she’s quite a pain int the ass.” He smiled genuinely at me. Tumango tango lang ako. I know she's a model dahil nakikita ko mga billboard niya pero hindi ko alam na rumarampa pala ito o baka nabasa ko pero hindi ko pinagtuunan ng pansin. "Why, are you scared of her? Don't worry baby, she's no harm to us. She likes you because she knows that I like you. That you are special to me. That you are my special someone.” He said grinning and winked at me. I rolled my eyes at him and smiled. "Does she know about us? Hindi ba siya nagalit? Aprubado ba ako sa kanya na maging girlfriend mo?" May insekyuridad sa boses ko. He sighed at lumamlam ang matang nakatingin siya sa akin. "Veronica never interferes when it comes to my relationships. I admit, she dislikes the girls I dated before pero hindi niya ako kailanman pinakikialaman. She gives advices and tells her opinions, but the decision will always be up to me. And she knows that I like you so much, baby. She wants to meet you when she comes back. And for the record, ikaw pa lang ang kauna-unahang babaeng interesado siyang makilala." Ngumiti ako at huminga ng malalim. Kahit papaano ay naginhawaan ako. Saka ko nalang iisipin ang araw ng muli naming pagkikita. Sana lang talaga ay magustuhan niya ako bilang nobya ng kanyang kuya. Napaigtad ako nang lumapit ang mukha ni Lawrence sa akin. I thought he was going to kiss me. But I was taken aback when he licked the side of my mouth. “May sauce. Bakit kaya ang sarap ng sauce pag galing sayo?” Ang sabi niya na siyang nagpatigil sa pagkain ko. Dinilaan pa niya ang kanyang labi. I blushed. Such a tease. Sinimangutan ko wari siya. “Pwede ba....” I rolled my eyes at him again. He chuckled and gave me a peck on the lips. After namin kumain, bumalik kami sa sala at nanood ng T.V. Patay ang ilaw sa buong kabahayan. Magpapababa muna kami ng aming kinain at aakyat na rin mayamaya. I was sitting on his lap na gustung-gusto ko naman. He likes to snuggle on my hair. "I really love your smell, baby. It's so addictive." He said while tighting his embrace. Napahilig lang din naman ako sa balikat niya at inaamoy ko rin siya. Hindi naman ako naglalagay ng pabango pag andito lang sa bahay. Paano ako naging mabango? Adik ata to. “And you smell expensive.” I chuckled. He was laughing too. Halata naman kasing mamahalin ang pabango niya. I pinched his cheek. Sarap panggigilan ang taong 'to. “By the way, my friends are inviting you tomorrow evening. They want to hang out with you. I think that's a good idea so they will know that you are off-limits. I know some of them are ogling at you.” Pasimangot pa na pagkakasabi nito. "If that will make you feel better, then it's fine with me. Ano bang meron bukas?" ang tanong ko sa kanya. “Wala naman, we really just like hanging out once a week or more pag may time talaga and usually it's always on weekends. Doon lang din sa ClubMix Bar. James owned it, by the way." He explained while kissing my cheek. Or shall I say, licking? Because I can feel his tongue on my skin. I decided not to entertain the heat I was feeling down in my belly. "Oh talaga? Galing naman. Hindi ba ako alanganin doon? Ang yayaman ninyo tapos ako commoner lang. " Ang wika ko at piniling titigan ang T.V screen. Nakakaintimidate naman talagang makihalubilo sa mga ganung klase ng tao. Nakakapanliit. Hindi ko mapigilang bumuntong-hininga. "Baby, it's better that you should know them first before you think the worse in them. " He said and I felt guilty. I hugged him and kissed his chest. “I am sorry.” I apologized. “It's okay. Come, time to bed.” He just said and as usual, he carried me astriding him as we went upstairs.   **********   Pagkauwi ko galing trabaho, nagpatulong agad ako sa mga kaibigan ko kung anong angkop na damit ang dapat kung suotin mamayang gabi. Lawrence and I decided na ako na lang mag-isa ang pupunta sa ClubMix Bar at doon nalang kami magkita. At first, ayaw niyang pumayag pero napasunod ko rin kasi mahirap na baka may makakita sa kanyang pumupunta dito sa apartment. Naisip ko rin yan sa bar kung may kakilala kaming taga hotel na pupunta dun. Ang sagot lang ni Lawrence sa akin ay wala na daw siyang pakialam. Sa isip ko na lang, mag eexplain na lang akong nagkita lang kami sa bar at hindi nalang din ako didikit masyado sa kanya. “Girl just wear the usual. Shorts and sexy top. You look hot in those clothes.” Wika ni Jaze habang inuukay ang mga damit ko na nakabuyangyang sa kama. “Jaze, no for shorts sabi ni kamahalan." ang sabi ni Aireen na nakikiukay din. Bumungisngis ang mga lukaret kong kaibigan. I rolled my eyes. They are at it again, teasing me. “Ang possessive ng jowa! Wagas makapag-utos! Anong gusto niyang suotin mo? Leggings at long sleeves? Jusko! Nag bar ka pa! Matulog ka na lang!” Pang-asar pa lalo ni Jaze sa akin. Tanging irap lang din ang ginawa ko bilang ganti sa kanya. “Tulungan niyo na nga lang ako, pwede ba!” Konti na lang maaasar na talaga ako. Bumungisngis pa rin sila. Hay ewan. “Magdress ka na lang bessy.” Salita ni Mary, sabay abot sa damit na naka-hanger. I looked at the dress at mukhang okay naman sa akin. Plum dress siya at hindi naman kaiksihan. Hindi gaanong expose ang mga hita ko at hindi rin malalim ang neckline. Pwede na ito. “Thanks Mary. Ikaw lang talaga ang nag-iisang normal sa kanilang lahat.” Sinipat ko ulit ang tatlo and they just sticked their tongue out at me. Ngumisi si Mary at kumindat sa akin. We decided na itong dress na lamang ang suotin. I wore light make-up at tinirintas ni Jaze ang buhok ko pagilid hanggang sa kanang balikat ko. Nag iwan siya ng ilang strands ng buhok sa bandang gilid ng mata ko. Tenernuhan ko ang dress ng black wedge sandals. I looked younger than my age. Nasa harap na ako ng ClubMix Bar at nagtext na rin si Lawrence na nasa loob na daw siya at naghihintay. Hindi ko na lang sinabi na andito na ako sa labas ng entrance dahil alam kong susunduin lang ako nito dito. Pumasok ako at amoy ng sigarilyo agad ang aking nalanghap. Umalingawngaw din ang malakas na tugtog at halos mabingi ako. Iginala ko ang paningin at napansin ang dancefloor na puno na ng mga tao. Sabagay nine o'clock na kaya puno na talaga ang bar. Namataan ko agad ang grupo nila Lawrence pero bago pa ako makahakbang, may humila agad sa akin. Sa gulat ko hindi ko napigilan ang tumili. “Bitiwan mo ako!” sabi ko sa lalakeng hindi ko naman kilala. Nakakatakot ang mukha niya. “Ang ganda mo! Tisay na tisay!” Ang sabi ng hambog na lalake habang hinhila ako sa dancefloor. Nalalanghap ko ang nakakasuka niyang bunganga na amoy alak. “You are my girl tonight! Wag kang mag-aalala paliligayahin kita pagkatapos natin dito!” Kinilabutan ako sa sinabi niya at nasampal ko siya sa kanyang kabastusan! “s**t! Sinampal mo ako! You gonna pay for this b***h!” Nanlilisik ang kanyang mga mata at agad niyang hinila ang ulo ko palapit sa mukha niya. Agad akong nagpumiglas! Sasampalin ko sana ulit pero nagulat ako ng may humablot na naman sa akin at may sumuntok sa bastos na lalake. Nagtilian ang mga tao sa paligid. Yumakap ang lalakeng humila sa akin at doon ko lang narealize na si Lawrence na pala ang kayakap ko! Nakita ko rin si James at Ian na hinawakan sa magkabilang braso ang lalakeng may dugo na sa bibig. Dahil siguro sa pagsuntok ni Chris sa kanya. Nakahalukipkip naman si Reid sa sulok at nakangisi. Si Jack naman ay lumapit sa amin at tinapik ang balikat ni Lawrence. Tumango lang si Lawrence at binitawan ako. Lumapit siya doon sa lalake at walang pag-aalinlangang sinikmuraan ito ng dalawang beses. Napa-igik ang lalake at halatang nanghihina na. “Don't mess with my girl kung ayaw mong balatan kita ng buhay.” Banta ni Lawrence bago sinuntok ulit sa mukha ang lalake. Kinausap agad ni James ang dalawang bouncer na nasa gilid niya. Itapon nyo na ito. Bahala na kayo kung saan. At tandaan nyo ang mukha niyan. Ayokong nakikitang gumagala-gala ang pagmumukha niyan dito sa bar ko.” James spoke with authority. Lumapit agad si Lawrence sa akin at niyakap ako ng mahigpit. “You okay baby? You are shaking. f**k that asshole! Makita ko lang yun ulit talagang babasagin ko na pagmumukha nun!” dinig ko ang pag-igting ng panga niya. “I'm okay, kasalanan ko. Dapat nagpasundo nalang ako sa'yo sa labas. I didn't see that one coming. I'm sorry.” Sabi ko na mas lalong ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya. Napaiyak na lang ako. Naramdaman ko ang pag-iling niya. “Makakapatay ako ng kung sino man ang humawak sa'yo. Wala silang karapatang hawakan ang akin. Dudurugin ko ang sinumang umagaw sa'yo sa akin.” Banta pa nito. Kumagat-labi na lamang ako at kinalma ang sarili. Lawrence, no one can take me away from you.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD