Sa nakalipas na mga araw ay hindi nagkukrus ang landas namin ni Lawrence. Iniiwasan naming pareho ang isa't isa. As for my job, naging maayos naman ang lahat. May mga konting problems pero nasosolve lang din naman agad-agad. Nasa lobby ako at nagmamasid-masid sa paligid. Ito kasi ang pinakatrabaho ko, ang bantayan at i-supervise ang trabaho ng mga empleyadong under sa Front Desk area. Malapit ako sa counter at pinagmamasdan lamang ang mga receptionists, front desk officers, at concierge na busy sa pag asikaso sa mga guests na dumarating. Minsan, tumutulong din ako pag nagkasabay-sabay ang mga guests or minsan din pag kailangang umalis ng isa para mag break, pag pumupunta ng washroom or pag pinapatawag sa taas. Kumunot ang noo ko nang mapansin ko ang isang amerikanong marahas na nakikip

