Pumasok si Lawrence at iginala ang paningin sa loob. Ako naman ay nakahalukipkip at siya ang pinagmamasdan. Hapit ang white T-shirt na suot sa kanyang maskuladong katawan. Kung tutuusin ay napakasimple ng kanyang pananamit pero ganunpaman, hindi mo ito maipagkakamali na ordinaryong mamamayan lamang. Sa mukha pa lamang, daig na nito ang mga artista sa Pilipinas. I wondered kung naisipang magmodel nito? Gusto kong kutusan ang sarili. Ano bang pakialam mo Emerald? Umayos ka nga! Tumikhim ako. “May kailangan ka ba? Hindi ako naniniwalang gusto mo lang i-check ang building na ito.” “Bawal na ba ang bumisita sa'yo? Gusto lang naman kitang kamustahin. Tss.” Lumingon siya sa akin para umirap lamang. “Edi ako nga ang sadya mo. Magpapalusot ka pang binibisita lang ang pag-aari mo.” I rolled my

