Nalalapit na ang pasko. Malamig na ang simoy ng hangin. Kakaiba na ang aura sa paligid. Sa mga nakalipas na araw ay naging maayos naman ang lahat. Nairaraos ko ang mga panahon na maraming trabaho, puyatan at mga maliliit na problema sa department namin. Mababait naman ang mga kasamahan ko pati na rin ang Front Office Manager namin na si Ma'am Valdez. As for Lawrence, ilang araw na rin na hindi siya nagpapakita. Ang alam ko ay wala ito ngayon sa bansa. Mukhang may problema sa isang hotel nila sa Europe at kailangan niyang puntahan ito. Nachismis lang sa akin ng isa kong kaopisina. Mukhang lahat ata kasi ng kababaihan dito ay nahuhumaling at interesado sa kanya, may asawa man o wala. Bata man o matanda. Uuwi ako sa probinsya namin sa darating na linggo. Nakapagpaalam na rin naman ako na maw

