“Emz? Hey! Why are you crying?” Tarantang dinaluhan ako ni Karlo. Medyo napalakas ang boses niya dahilan nang paglingon ng mga kaibigan ko sa gawi namin. Bumigay ang mga binti ko. Bigla na lamang akong nanghina at salamat sa malalakas na bisig ni Karlo kung saan humuhugot ako ng lakas para makatayo nang tuwid kahit paano. Lumapit ang mga kaibigan kong nataranta din pagkakita sa akin. “Emz! Bakit ano nangyari?” Dinaluhan ako ni Mary at iniyakap niya ang kanyang braso sakin. Umiling lang ako. Yumakap ako sa kanya at umiyak sa kanyang balikat. “I don't know. Gusto ko lang umiyak, guys. Nababaliw na ata ako.” Ngumisi pa ako sa kanila habang nagpapahid ng luha. All of them were frowning at me. “Tsk. Nasobrahan ka ng inom Emz. Maybe next time bantayan natin siya. Halu-halo na kasi nainom

