Bumuntong-hininga ako. Tanaw mula rito sa 24th floor ng aking condo unit ang kagandahan ng Central, Hong Kong. Nagkikislapan ang mga makukulay na ilaw sa mga building at nakakamangha talaga ang ganda ng siyudad. December is fast approaching. Samut-saring palamuti ng pampasko ang makikita sa bawat establishment ng city. Ang mga parke ay nilalagyan na rin ng makukulay na mga Christmas lights. Kay gandang pagmasdan ang tanawin mula rito. Nangilkig ako sa lamig. Kahit matagal tagal na rin ako dito, hindi pa rin ako nasasanay sa pagbabago ng panahon. Winter has begun. I sighed. For the last three years, I can say that I've grown up. Mas naging matatag pa ako at naging matibay sa mga pagsubok sa buhay. I left the Philippines with a wreck and broken heart. That day, ang huling usap namin ni

