“ARAY!” Daing ni Gelaena habang sinusubukan niyang tanggalin ang mga kamay ni Ella na mahigpit na nakahawak sa kaniyang buhok. “Ella, that’s enough!” Mariing saad naman ni Gawen at hinawakan nito ang mga kamay ni Ella upang alisin iyon sa buhok ni Gelaena. “Let her go! Walang kasalanan sa ’yo si Gelaena.” “No, Gawen! Malaki ang kasalanan sa akin ng babaeng ito!” Ani nito at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakasabunot sa buhok niya. “Aray! P-Please!” Mangiyak-ngiyak na daing niya habang napapaatras siya hanggang sa tuluyan na silang makalabas sa opisina ni Gawen. Dahil sa pagkakagulong iyon ay biglang nabulabog ang mga empleyado ni Gawen na nasa labas. Gulat at nagtataka ang mga taong naroon na biglang nakiusyuso sa mga nangyayari. Si Migo naman ay nagmamadaling lumapit sa tatlo. “

