“MAGANDANG araw po sa inyong lahat!” Bati ni Gawen sa mga taong nagpunta sa covered court upang pakinggan ang mahalagang annoucement na gagawin niya sa umagang iyon. “Maraming salamat po at pinaunlakan ninyo ang imbitasyon ko na magpunta rito ngayong umaga. Mayroon lamang po ako mahalagang bagay na sasabihin sa inyong lahat,” aniya at ngumiti pagkuwa’y tinapunan ng tingnin ang kaniyang mga magulang na nagpunta rin doon upang suportahan ang kaniyang desisyon. Nakaupo ang mag-asawa sa unahan habang katabi naman ng mga ito sina Gelaena, Emzara at Arlene. Nginitian niya rin si Gelaena nang magtama ang kanilang mga mata. At sa kabilang banda naman, naroon si Governor Alcantara na nakausap niya nang maayos nang nagdaang gabi. Mabuti at nagkaliwanagan na sila tungkol sa kaniyang desisyon na hindi

