“MAGANDANG UMAGA PO, MA’AM!” Nakangiting tumango naman ang babae sa kasambahay na bumati rito habang pababa na ito sa mataas na hagdan. “Ang Sir Marlon mo, nasaan?” tanong nito. “Nasa lanai po, ma’am. Naghihintay po sa inyo.” “Thank you,” sabi nito. At nang tuluyang makababa sa hagdan ay kaagad itong naglakad papunta sa lanai. Malayo pa man ay natanaw agad nito ang asawa na busy sa pagbabasa ng news paper habang may tasa ng kape sa harapan nito. Lumapad ang ngiti sa mga labi ng babae. “Good morning, hon!” malambing na bati nito sa asawa. Kaagad namang nag-angat ng mukha ang lalaki at sumilay rin ang matamis na ngiti sa mga labi nang makita ang asawa. Itiniklop nito ang hawak na news paper at inilapag iyon sa mesa. “Hi, darling, good morning!” Nang makalapit ito sa asawa ay kaagad na

