“HINDI mo pa rin ba sasabihin kay Emzara ang totoong nangyari sa mommy niya?” tanong niya kay Gawen nang tumayo na siya mula sa pagkakahiga sa tabi ng kaniyang alaga. Pagkatapos nitong tumangis kanina dahil daw napanaginipan nito ang mommy nito na patay na, matagal din bago niya ito napatahan. Ayaw rin humiwalay sa kaniya. Kaya kahit nangangalay na ang mga braso at balikat niya sa pagkarga rito ay tiniis lang niya hanggang sa makatulog na ito. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Gawen sa ere. At nang tumabi siya rito sa pagkakaupo sa sofa, kaagad siya nitong inakbayan at hinila palapit dito. “Ayaw ko kasing masaktan siya nang husto kapag nalaman niya na wala na ang mommy niya at hindi na babalik kahit kailan,” sabi nito. “Pero Tangi, kagaya nang sabi ko sa ’yo dati... karapa

