CHAPTER 57

2403 Words

“BAKIT hindi ka pa nagbibihis?” kunot ang noo na tanong ni Alicia sa anak na si Alison nang makapasok ito sa silid ng dalaga. Mula sa pagkakasandal sa headboard ng kama ay sinulyapan ni Alison ang ina at pagkuwa’y nagpakawala nang malalim na buntong-hininga nang makita nitong suot-suot ng ina ang mga alahas ni Gelaena na kinuha nito sa silid ng dalaga no’ng isang araw. Pagkatapos ay walang-buhay na muli nitong ibinalik ang paningin sa cellphone na hawak nito. “Alison, tinatanong kita,” pagalit na wika nito nang maglakad ito palapit sa kama ng anak. “Ma, kayo na lang po ang magpunta sa party na ’yon,” walang buhay na sabi pa rin nito sa ina. “Ano naman po ang gagawin ko roon?” dagdag pa nito. “Of course makikipagsosyalan tayo sa mga taong naroon.” Ani nito. Muling napabuntong-hininga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD