“WHERE is Gelaena?” tanong ni Ella kay Arlene nang pagkapasok nito sa gate ng mansion ay nakita nito agad si Arlene na nasa garahe. Mabilis naman na nagsalubong ang mga kilay ni Arlene at seryosong tinitigan ang bagong dating. “At ano na naman ba ang ginagawa mo rito, Ella? Naghahanap ka na naman ba ng gulo? Gusto mo ba ng sabunot part two?” sa halip ay balik na tanong nito. Tumaas naman ang isang kilay ni Ella at namaywang pa ito pagkatapos ay inirapan si Arlene. “Just answer my question, Arlene! Where is your fake friend?” Halos mag-isang linya ang mga kilay ni Arlene dahil sa sinabi ni Ella. Fake friend? Ano ba ang sinasabi ng babaeng ito? Sa isip-isip nito. At mayamaya, akma na sanang magsasalita si Arlene, pero bigla naman narinig ng dalawa ang boses ni Gelaena na paparating na

