“SO ALL these time nagsisinungaling ka lang sa amin, Gelaena?” tanong sa kaniya ni Arlene. “N-No!” umiiling na sagot niya rito habang lumuluha pa rin siya. “H-Hindi ako nagsinungaling, Arlene—” “E ano ang tawag mo sa ginawa mo, Gelaena? Nag-joke ka lang sa akin? Sa aming lahat dito sa mansion?” tanong pa nito habang mababakas sa mukha nito ang pinaghalong galit at pagkadismaya dahil sa mga nalaman nito; dahil sa pagtatapat niya rito ng totoo. Sunod-sunod siyang napasinghot at pinunasan ang kaniyang mga luha na malaya pa ring naglalandas sa kaniyang mga pisngi. Pagkatapos, akma na sana niyang hahawakan ang kamay nito, pero kaagad naman itong pumiksi at umalis sa pagkakaupo sa tabi niya. “Arlene, s-sorry! Please, huwag ka naman magalit sa akin—” “Sino ba ang hindi magagalit, Gelaena?” m

