“HI, TANGI!” biglang sumilay ang malapad at matamis na ngiti sa mga labi ni Gelaena nang pagkapasok niya sa silid ay nakita niyang kagigising lamang ni Gawen. Medyo namumula pa ang hitsura nito at tinatanggal na ang morning towel na inilagay niya kanina sa noo nito. Nang tuluyan siyang makalapit sa puwesto ng binata ay umupo siya sa gilid ng kama at kaagad niyang kinapa ang noo at leeg nito upang alamin kung mainit pa rin ang balat nito. “L’amour!” namamaos pa ang boses ni Gawen at pagkuwa’y malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito sa ere at matamang tumitig sa kaniya. “Medyo bumaba na ang lagnat mo. Hindi na ba mabigat ang pakiramdam mo?” tanong niya. “Medyo,” sagot nito at kinuha ang kaniyang kamay na nakahawak sa leeg nito at dinala iyon sa tapat ng bibig nito at hinalikan i

