MATAMAN lamang na nakatitig si Gelaena sa mukha ni Gawen habang payapa na itong natutulog. Nakaupo siya sa gilid ng kama at hawak-hawak niya ang kamay ng nobyo. Napunasan na niya ito at nabihisan at nilagyan niya rin ang noo nito ng bimpo na ibinabad niya sa maligamgam na tubig. Kahit papaano ay naging payapa na rin ang pakiramdam nito hindi kagaya kanina na nagdedeleryo ito kaya labis siyang nabahala at hindi malaman kung ano ang kaniyang gagawin. Kaagad siyang tumawag sa mansion upang magtanong sa kaniyang Tiya Hulya kung ano ang kaniyang gagawin dahil nanginginig nang husto ang katawan ni Gawen at pinagpapawisan na ito nang malamig. Nawala lamang ang kaniyang labis na pag-aalala nang kumalma na ito. Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan sa ere at umangat ang isang

