NAALIMPUNGATAN si Gelaena nang maramdaman niyang wala sa tabi niya si Gawen. Kunot ang noo na kumilos siya sa kaniyang puwesto at hinanap ng kaniyang mga mata ang binata. At nang dumako ang kaniyang paningin sa single couch na nasa gilid ng silid, doon niya nakita si Gawen na tahimik lamang na nakaupo at nakayuko. Nakatuon ang mga siko nito sa ibabaw ng mga hita habang nakapatong sa mga palad nito ang mukha. “Tangi!” namamaos pa ang kaniyang boses nang tawagin niya ito. Kaagad namang nag-angat ng mukha si Gawen at tumingin sa kaniya. “Hey, L’amour... you’re awake!” ani nito at kaagad na tumayo sa puwesto nito at naglakad palapit sa kaniya. Umupo ito sa gilid niya. Kumilos siya sa kaniyang puwesto at sumandal sa headboard ng kama kahit ramdam niya ang pananakit ng kaniyang ulo, lalo na a

