At ito na nga kami ngayon, kumakain habang nag kukwentuhan.
“Balita ko sobrang yaman niyo na ah.” Ika ni Erika habang naghihiwa ng karne. “Pautang naman diya’n.” napatakip ako ng bibig ko at natawa.
“Ikaw talaga hindi ka pa nagbabago.” Iiling iling kong sabi.
“By the way Isaac, ilang taon ka na?” tanong ni Jeremiah.
“I’m 24.” Nakangiting tugon ni Isaac.
“Magkaibigan lang ba talaga kayo nitong si Seraiah?” agad naman syang siniko ng katabi niyang si Melody. Ito ang girlfriend niya na kakilala ko rin noong highschool.
“Yes, magkaibigan lang kami.” Hakdog. Alam kong may gusto ka sa’kin.
“Siya nga pala.” Nilingon ko si Tristan. “Sabi mo hindi makakasama si Izel.” Tumango tango ako.
“Mm. Bakit?”
“Eh nag text siya sa akin kaninang madaing araw na sasama raw siya—”
“IZEL!” Sigaw ni Maverick. Lahat naman kami ay napatingin sa bagong paparating.
Tumambad sa akin si Izel nan aka suit and tie habang naka kawit ang kamay ni Mimicakes sa braso ni Izel. Infairness, sobrang ganda ni Mimicakes ngayon. Naka tube dress siya na kulay asul at kumikintab. Hindi rin masyadong makapal ang make-up niya kaya mas lalo siyang maganda ngayon.
“MIMICAAAKKKESSS!” Tumakbo ako palapit kay mimicakes at tsaka siya inakap. “Hindi ko alam na kasama ka pala!”
“Urgh. Will you please go away from me?” natatawa namana kong lumayo sa kaniya.
“Izel! Dude!” tumayo si Tristan tsaka inakap si Izel. “Bakit hindi kayo magkasama ni Seraiah?” nagsi layo na ang dalawa.
“Hindi sana ako sasama pero biglang nagbago ang isip ko. That time, Seraiah already find her partner.” Lahat sila ay ibinaling ang tingin sa akin at palihim na nagbulong-bulungan.
Hindi ko na lang sila inintindi at bumalik na ako sa aming kinauupuan Nag si upon a rin si Mimicakes at Izel.
“Iniinsulto ka nila.” Ibinaling ko ang tingin ko kay Mimicakes na katabi ko lang.
“What? Bakit naman?” nagtatakang tanong ko.
“Stupid. Mukhang iba ang pagkakaintindi nila sa sinabi ni Izel.” Muling bulong niya.
“Ano bang pagkakaintindi nila—”
“Tsk!” akala ko babatukan niya ‘ko. Grabe talaga ‘to si mimicakes. Mahilig sa dahas. “Ang pagkakaintindi nila, mas inili mo si Isaac kaysa kay Izel kaya sasagi rin sa isip nila na nanlalalake ka.”
“Ganun ba… pero hindi ako nanlalalake—”
“Isa pa!” at dahil napasigaw si mimicakes ay napalingon silang lahat sa amin. “Oh, I-I’m sorry.”
“By the way, ano palang name mo?” tanong ni Melody.
“Marielay Adreanne Valdez.” Nakangiting ika ni Mimicakes.
“Eh bakit mimicakes ang tawag sa’yo ni Seraiah?” tanong ni Kael. Ang boyfriend ni Erika.
“Ewan ko ba diya’n. Mahilig gumawa ng nicknames.” Aniya at mahinang tumawa. “But she’s nice and kind. Hindi siya ‘yung tipo ng babae na nanlalalake.” Mukhang naputulan sila ng dila dahil hindi sila nakapagsalita.
“A-Anyway, nagdala ba kayo ng swimsuit niyo? May pool party mamaya!” masiglang wika ni Jazmine.
“Teka, may pool party?!” gulat kong tanong. “Shet, hindi ako nakapag dala.” Ika ko habang nakahawak sa aking labi.
“Don’t worry.” Nilingon ko si Isaac. “I’ll buy you later.”
“Ang sweet naman! Mas sweet pa yung friend kaysa sa asawa.” Ika ni Melody sabay tawa, ngunit agad siyang natigilan dahil siya lang ang tumatawa sa table namin.
Natuloy ang pag kukwentuhan pero limitado na lamang ang binabanggit nila. Ayan tuloy, ang boring na.
Pagkatapos naming kumain ay nag paalam sa akin si Isaac na lalabas siya para bumili ng swimsuit ko. Syempre, sumama na ‘ko dahil baka mamaya hindi ko magustuhan ang pinili niya.
“Ano bang paborito mong kulay?” tanong niya habang tumitingin-tingin sa mga swimsuit na naka hanger.
“Wala akong paboritong kulay.” Tugon ko nang biglang may naakit ng atensyon ko. Isang two piece swimsuit na kulay gold at kapag tinatapat ito sa araw ay kumikinang ito.
“You like it?” napalingon ako kay Isaac tsaka tumango-tango. “Give me, I’ll buy it—”
“Duh? Anong tingin mo sa’kin? Walang pera?” biro ko na nagpahalakhak sa kaniya. Ang totoo niyan, hindi ako sanay na gagastos ang iba para sa’kin. Makapal lang ang mukha ko kapag kaharap ko si Mimicakes at Izel.
Pagkatapos naming bumili ay bumalik na kami sa venue. Mukhang nagsisimula na ang pool party dahil naka swimsuit na ang mga babae at ang iba ay nasa pool na habang naglalaro. Agad namag hinanap ng paningin ko sina Mimicakes at Izel.
‘Nasaan na kaya sila—’
Nanlaki ang mata ko nang Makita ko si Mimicakes sa two piece niyang suot. Ang ganda ng kurba ng katawan niya. Kung magiging lalaki ako malamang liligawan ko siya.
Nang mabaling naman ang paningin ko kay Izel ay wala na siyang damit pang itaas kaya kitang kita ang 10 pack abs niya.
“HOTTIE!” Sigaw ng mga kasamahan ko.
“SANAOL!” Kung ano-ano pang papuri ang isinisigaw nila sa dalawa.
“Magbihis na ‘ko. Magbihis ka na rin.” Nakangiti akong tumango kay Isaac.
Pumasok ako sa girl’s restroom at isinuot na ang swimsuit ko. Hindi ko maiwasang ma conscious sa sarili kong katawan. Hindi naman kasi ako tulad ni mimicakes na mataas ang confidence sa sarili.
Nang makalabas ako ng restroom ay agad na hinanap ng paningin ko si Isaac. Natagpuan ko siya na pinagkakaguluhan sa swimming pool kasama si mimicakes.
Gusto ko nang maligo sa pool kaso nahihiya ako.
“SERAIAH! ANG SEXY MO!” Sigaw ni Maverick. Agad naman siyang binatukan ng kaniyang girlfriend.
“SERAIAH! HALIKANA!” Ika ni Leo na hindi pa nag s-swimming. Lumapit siya sa akin at lumabas ang pilyo niyang ngisi. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa tsaka hinawakan sa braso ko. “Let’s go?” hihilain n asana niya ako pero inagaw ko ang braso ko sa kaniya.
“M-Mamaya na—”
“Halika na!” muli niyang hinawakan ang braso ko at hihilain sana ako. Mabuti na lang at nakahawak ako sa pinto ng cr.
“M-mamaya na nga—”
“Sige, ganito na lang… gusto mo bang… doon muna tayo sa loob ng banyo?” gulat akong napatingin sa kaniya. “I mean, para tumaas ‘yung confidence mo. Gano’n ang ginagawa ko sa girlfriend ko.” Aniya at mas lalong lumawak ang ngisi.
“S-Sige… ikaw bahala…” nauna niya akong pinapasok sa loob ng banyo at nang makapasok na kaming dalawa ay i-ni-lock niya ang pinto. “A-Anong gagawin natin dito?” nahihiyang tanong ko habang palihim na tinatakpan ang katawan ko. Hindi ko alam ang nararamdaman kong ‘to. Mabilis ang t***k ng puso ko at nanginginig ang kamay ko.
Lumapit siya sa harap ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
“Noon pa lang napaka inosente mo… hanggang ngayon pa rin ba?” aniya. Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang ulo sa mukha kaya naman agad kong ipinikit ang mata ko nang biglang—
BLAG!
Nang makarinig ako ng lagapak ay iminulat ko ang mata ko.
Tumambad sa paanan ko si Leo na naka upo sa sahig habang hawak-hawak ang kaniyang paa. Nang ibaling ko ang mata ko sa gilid ay tumambad sa akin si Izel na hinihingal habang nakakuyom ang kamao.
* * *
Natigil ang kasiyahan dahil sa nangyari kanina. Nagsama-sama kaming lahat sa mesa habang ako ay nakaupo at may towel na bumabalot sa katawan ko na pinahiram ni Izel. Sa gilid ko naman ay si Mimicakes na naka akbay sa akin.
“Baka naman nagkakamali ka lang, Izel.” Mahinahong sambit ni Jazmine ngunit mararamdaman mo ang panggigigil niya. “Hindi ‘yan gagawin ng boyfriend ko! Hindi ganyan si Leo!”
“Mukhang hindi mo yata kilala ng masyado ang boyfriend mo. Noon pa lang malibog na ang gagong ‘yan—”
“T*NGINA MO!” Susugod na sana si Leo kay Izel nang harangin siya ni Jazmine.
“Tama na, okay?”
“Eh siraulo eh!” aniya sabay turo kay Izel.
“Ako pa talaga ang siraulo dito? Eh muntik mo na ngang gahasain ang asawa ko!”
“Asawa?” sarkastikong sambit ni Leo sabay halakhak. “Asawa mo mukha mo! Eh hindi naman kayo mukhang mag asawa eh! Parang naglolokohan lang kayong dalawa!”
“Baka gusto lang talaga tulungan ni Leo si Seraiah na tumaas ang confidence niya—”
“Ulol ka!” singit ni Mimicakes kay Erika. “Tumaas ang confidence—nasiraan ka na ng bait? Ha? So kailangan pa talagang pumunta sa banyo, I-lock ang pinto at halikan si Seraiah para tumaas ang confidence? Gano’n ba?”
“Tumigil ka nga! Huwag kang makisawsaw!”
“Anong huwag makisawsaw? Kaibigan ko ang pinaguusapan natin ditto tanga!”
“Kaibigan? Kalian pa nagging magkaibigan ang original at kabit?” nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Erika. Dali-daling tumayo si Mimicakes at akmang susugurin si Erika nang pigilan siya ni Isaac.
“BITAWAN MO ‘KO! ANO BA!”
“Huwag dito, Adreanne.” Matigas na sabi ni Isaac. Dahan-dahan naming huminahon si Mimicakes.
“Itigil na natin ‘to, okay?” wika naman ni Melody. “Nakakahiya sa mga staff at sa may-ari neto. Magkasundo na lang tayo okay—”
“Isa ka pang impakta ka!” grabe naman kung makasigaw ‘tong si Mimicakes. Dinaig ang dinosaur. RaWr. “Magkasundo? Bobo ka ba? Muntik nang magahasa si Seraiah tapos magkasundo? Eh kung liyaban ko kaya yung bahay niyo tapos sabihin ko magkasundo nalang tayo? Ano?!”
“What’s happening here?” lahat kami ay naibaling ang paningin sa isang babae na kakarating. Siya ang manager ng resort na ‘to.
“W-wala po. Maliit na hindi pagkakasunduan lang.” ika ni Melody.
“What the f**k?” sa pagkakataong ‘to ay tumayo na si Mimicakes ng marahan, ngunit agad siyang napigilan ni Isaac. “Maliit? Sa tingin mo minor lang ang pag aaway na ‘to?”
“Hindi naman natuloy eh.” Mahinang sabi ni Melody sabay irap kay Mimicakes.
“Alam mo? Ikaw ang pinaka bobong babae na nakilala ko. Hindi natuloy? So kailangan pa talaga na matuloy para sabihing malaking away ‘to?”
“Mimi tama na…” nahihiya kong sabi.
“Ano po bang nangyari?” tanong ni manager Kat.
“This trash here almost r***d my wife.” Nanggagalaiting wika ni Izel.
“P-Po—Teka… sir Izel?” sunod na ibinaling ng manager ang tingin niya sa’kin. Mas lalo naming lumaki ang kaniyang mata at napanganga pa sa gulat. “Ma’am Seraiah! OMG!” Aniya at lumapit sa akin. “Gusto niyo po bang tawagan ko si Madam?” agad akong umiling.
“H-Hindi na po.”
“Sigurado po kayo?” nakangiti akong tumango.
“Magkakilala kayo?” nagtatakang tanong ni Jazmine.
“Yes, Ma’am.” Tugon ng manager. “Ang nanay po ni Ma’am Seraiah ang bumili ng resort para po kay Ma’am.” Hindi nakasagot silang lahat.
“Seraiah.” Nilingon ko si Izel. “Choose. Kakasuhan mo siya o hindi?” kakasuhan? Nilingon ko si Leo na agad naman niyang inilihis ang paningin sa akin.
Nakakaawa naman siya…
“H-Hindi na—”
“WHAT?!” Napahawak ako sa dibdib ko nang sumigaw si Izel. “I-I’m sorry. Tsk!” aniya tsaka naglakad palapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Come here.” Nang saktong pagtayo ko ay nagsimula siyang maglakad kaya no choice dahil kailangan ko siyang sundan lalo na’t hawak hawak niya ang braso ko.
Tumigil kami sa labas ng resort kung saan pinasandal niya ako sa pader habang siya ay pabalik balik ang lakad kaliwa’t kanan habang nakasabunot sa kaniyang buhok.
“f**k. f**k. f**k!” aniya tsaka sinipa ang pader. Napatalon pa ako sa gulat nang sipain niya ito. “Sabi na nga bang mangyayari ‘to eh!” tumigil siya sa harap ko. “Bakit ka pa kasi sumama?! Kaya nga hindi ako pumayag na sumama sa’yo dahil akala ko hindi ka na rin sasama!”
“Eh bakit ikaw, sumama?!” kunot noo kong tanong sa kaniya.
“Hindi mob a talaga maintindihan?” napatungo ako. “Dapat nasa opisina ako ngayon! Dapat may mga inaasikaso akong papeles! Pero nag aalala ako sa’yo nab aka may mamngyaring masama sa’yo kaya sumama na rin ako!”
“K-Kasama ko naman si Isaac eh—”
“Yan nanaman! Puro ka Isaac! Sa tingin mob a matutulungan ka ng lokong ‘yon?” inis ko siyang nilingon.
“Wala kang karapatang sabihing loko si Isaac!”
“Bakit? Totoo naman ah? Nag papanggap lang na kaibigan ka no’n dahil gusto ka niya!”
“A-Alam ko!”
“At sumasama ka pa rin sa kaniya, gano’n?”
“Ano bang pakialam mo?! Wala na tayo! May kaniya-kaniya na tayong buhay! Hindi napaman kita pinapakialaman kapag kasama mo si Adreanne ah! Pwede bang hayaan mo rin akong mamuhay mag-isa?!”
“Wag mo sabihing may gusto ka na sa gagong ‘yon?!”
Napakuyom ako ng kamao. “T-TCH! Eh ano naman sa’yo?! Gusto ko siya at wala ka na do’n!” aalis n asana ako nang hilain niya ang braso ko at pinabalik ako sa pwesto ko.
“Baka nakakalimutan mo? Asawa kita!” inis kong inalis ang kamay niya sa braso ko.
“Baka nakakalimutan mo? Hindi na natin mahal ang isa’t-isa.” Naestatwa siya sa kaniyang kinatatayuan. Mukhang hindi niya inaasahan ang mga katagang binitawan ko. Pero buti nga sa kaniya.
Inis ko siyang tinalikuran at bumalik sa resort.
Hindi rin nagtagal ay kaniya-kaniya na kaming umuwi. Akala ko pa naman masaya ang araw na ‘to dahil muli ko nanaman silang makikita…
Nasa loob ako ngayon ng kotse ni Isaac. Tuloy-tuloy ang pag da-drive niya dahil walang gaanong traffic.
“Nag away kayo?” ibinaling ko ang paningin kay Isaac, ngunit agad kong ibinalik ang aking paningin sa labas ng bintana.
“Mm.” maikling tugon ko.
“Nag-aalala lang siya para sa’yo.” Napangiwi ako.
“Hindi siya nag aalala. Pinapakialaman niya ang buhay ko. ‘Yun ‘yon.”
“Matagal kayong nagsama. Siyempre hindi rin maiiwasan ‘yon.”
“Kahit na—”
BEEP! BEEP!
Sabay kaming napalingon ni Isaac sa kanan naming. Bumungad sa amin si Izel na nasa driver’s seat.
Agad namang ipinarada ni Isaac ang kotse niya, gayundin kay Izel.
Binuksan ni Izel ang pinto ng kotse niya pati na rin ang kay Mimicakes.
“Anong ginagawa niya?” tanong ko sa sarili. As if naman may sasagot ‘diba.
Lumapit si Izel sa bintana na nasa gilid ko at kinatok ito kaya naman binaba ko ang bintana.
“Dun ka sa kotse ko. Mag-uusap tayo.” Ugh! Heto nanaman!
Para wala nang away ay sinunod ko ang gusto niya. Nagulat ako nang biglang si Mimicakes ang pumalit sa kinauupuan ko sa kotse ni Isaac.
“Let’s go.” Hinawakan ni Izel ang kamay ko at binuksan niya ang pinto ng kotse tsaka ako pumasok sa loob. Sunod siyang pumasok at pinaandar na ang kotse. “Gusto kong magkabati tayo agad.” Aniya habang nag da-drive
“Fine. Bati na tayo.” Walang gana kong sabi habang nakatingin sa bintana.
“Really?!”Tumango tango ako. Ang totoo niyan galit pa talaga ako sa kanya. Gusto ko lang matapos ang araw na ‘to. “No, you’re lying.” Sayaing. Ok na sana eh! “I’m sorry… sorry dahil nasigawan kita. Sorry dahil kung ano-anong masasakit na salita ang nasabi ko sa’yo.”
“Alam mo… nakakatakot ka kapag galit ka.” Prangka kong sabi. Narinig ko naman ang mahina niyang pag tawa.
“I’m sorry.” Natatawa niyang sabi.
“Sorry din…” hindi ko narinig ang kaniyang tugon. “Sorry dahil nasigawan din kita.” Ika ko tsaka nilingon siya. “Ikaw kasi eh!” muli ay humalakhak ang loko.
Inabutan na kami ng gabi sa daan. Unti-unti na akong nakakaramdam ng antok pero pilit ko itong nilalabanan.
“Kayo na ba ni mimicakes?” wala sa sarili kong tanong.
“Huh?” aniya tsaka sumulyap sa akin.
“Ang g**o niyo kasi eh. Tsaka never pa kitang nakitang nanligaw sa kaniya.”
“Do I need to?”
“Tanga ka ba?” sabay kaming napatingin sa isa’t isa. “S-Sorry.” Nahihiya kong sambit tsaka marahang tinampal ang bibig ko.
“It’s fine. Haha.” Pilit na lamang akong ngumiti. “Eh kayo ni Isaac? What’s the score?”
“I don’t know… masaya siya kapag kasama ako. Masaya rin naman ako kapag kasama siya. But I don’t call it love.”
“Eh akala ko ba gusto mo siya?”
“I never said I love him. Duh?”
“then…?”
“I like him… but not as a friend. He always cares for me and support me. I feel happiness whenever I see his smile. But… I don’t think it’s love. Siguro sa mga susunod na days baka love na.” biro ko sabay mahinang tawa. Hindi ko na narinig ang kaniyang tugon hanggang sa ‘di ko na namalayan na unti-unti na palang bumibigat ang palikat ko. Ngunit bago pa man tuluyang mawala ang diwa ko ay nakarinig ako ng isang pamilyar na boses.
“Paano naman ako?...”