Akala ko matatapos na ang reunion namin. Ang hindi ko alam, meron pa palang kasunod.
Nandito kami ngayon ni Izel kasama ang family namin sa isang restaurant. Ewan ko ba kung bakit hype na hype ang mga pamilya naming kapag nagkakasama eh araw-araw naman sila nagkakausap sa telepono at nagkikita sa building ng kompanya.
“Kamusta na pala kayong dalawa? Ano? Wala pa ring balak mag apo?” biro ni tito Lance. Siya ang tatay ni Izel.
“Dad, masyado kaming busy ni Seraiah para sa ganiyang mga bagay.” Tugon ni Izel habang naghihiwa ng karne.
“Pero gusto ko ng isang baby boy.” Wika ko habang ngumunguya at nakataas ang tinidor na hawak ko. Tinignan naman ako ni Izel sa mata. “O hindi…”
“Siya nga pala, darating yung inaanak ko bukas galling Amerika. Naku, napakaganda ng batang ‘yon.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mommy.
“Si Katrina po ba ang tinutukoy niyo?” tanong ko.
“Oo, pumunta siya rito para mag aral sa Pilipinas. Mag aaral siya sa pinag college-an mo.” Tumango tango ako.
Nagpatuloy ang tawanan namin sa hapag kainan. At least hindi ito katulad noong reunion namin.
“Asawacakess!” sigaw ko habang tumatakbo papalapit sa kotse nila. Nangunot naman ang kaniyang noo at lumingon ng ibang gawi.
“Pwede ba? Nakakahiya.” Mahina niyang sabi sa akin.
“Bakit? Ang cute kaya?” itinaas ko ang kamay ko at nagbilang” Asawacakes, mimicakes, secretarycakes—”
“Are you serious?” Ibinaling ko ang tingin ko kay Izel at ikinunot ang noo. “Pati ba naman secretary ko?”
“Yep! I find her cute and sexy.”
“W-What?!”
“Why?” totoo naman eh! Sa totoo nga niyan mas maganda pa siya kaysa kay Mimicakes.
“Tss. You’re weird. Pumasok ka na.” pagpasok ko sa loob ng kotse ay isinara na niya ang pinto at sunod na siyang pumasok.
Habang nag da-drive si Izel a biglang may sumagi sa isip ko na tanong.
“Izel?” mabilis niya akong nilingon ngunit agad din niyang ibinalik ang kaniyang tingin sa daan. “Naniniwala ka sa mumo?” nangunot ang kaniyang tanong.
“No, why?”
“Edi hindi ka natatakot sa bahay natin tuwing gabi?”
“No, why?” napakamot ako sa kilay ko.
“May naliligaw na kaluluwa ata sa bahay natin.” Mahinang sabi ko sa kaniya at ang loko eh tumawa lang.
“Imagine mo lang ‘yon.”
“I’m telling the truth! Kagabi nagising ako kasi may narinig akong lagapak sa baba tapos pagbaba ko Nakita ko na basag basag yung isa nating pinggan!”
“Are you sleepwalking—”
“No I’m not!”
“Baka hindi lang maganda yung paglagay ng pinggan?”
“No! it’s impossible! Ako ‘yung nag hugas ng pinggan! I always take care of our things!”
“Fine. Let’s check later.”
“Anong Let’s? ‘Wag mo kong idamay noh!”
“Ako kaya ‘yung dinamay mo!”
“Tsk!” inirapan ko nalang siya dahil wala na akong masabi. Totoo naman na dinamay ko siya… I mean, dinamay niya ang sarili niya! Nag kuwento lang kaya ako. Ganda ko kasi eh. Hotness cakes b***h.
5:00 pm na ng hapon kami nakauwi sa bahay. Ang sakit ng likod ko dahil sa pagkakaupo sa kotse. Pin pain go away!
Anyway, ayun na nga mga marecakes. Pinauna kong pumasok si Izel sa bahay. Hindi ko pinapahalata na nakabuntot ako sa kaniya. Baka kasi akalain niya na takot at duwag ako.
Naupo siya sa couch habang ako ay nasa gilid niya at nakatayo. Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa kaniyang batok at pinaikot ikot ang ulo.
“Hmmm…” mahinang sambit niya.
Sunod ay binuksan niya ang butones ng kaniyang suit at inalis ang pagkatali ng kaniyang necktie. Nang maialis na niya ito ay ipinatong niya ito sa maliit na babasaging mesa na nasa harap niya. Sunod naman ay tinanggal niya ang butones ng kaniyang polo sa loob ng kaniyang coat at nahiga sa couch. Wala siyang pake kung kita na ang katawan niya pang itaas. Halatang agod na pagod na siya.
“Izel.” Bulong ko at akma siyang tatapikin sa kaniyang balikat nang bigla niyang inminulat ang kaniyang mata kaya naman agad akong napa atras. “A-Ano na?” ikinunot niya ang kaniyang noo. “S-Sabi mo ‘diba… ano…” tsk! Para namang bata akong nagpapaalam sa tatay ko na kailangan kong bumili ng cartolina ng gabi.
“Mamaya na…” namamaos niyang sabi tsaka ipinatong ang kaniyang braso sa kaniyang noo.
“S-Sige…” nakakainis! Sabi niya sa’kin kanina sasamahan niya ‘ko.
Wala na akong nagawa kundi ang maupo na lang sa sahig habang nakasandal ang likod ko sa couch na hinihigaan niya.
Lumipas ang ilang oras at nakakaramdam na ako ng antok. Dahan-dahang pumipikit ang mata ko nang biglang…
PLANK!
Agad akong napatayo. Nilingon-lingon ko ang paligid pero wala naman akong makitang kahit sino. Dali dali kong ginising si Izel habang niyuyugyog ang kaniyang katawan.
“IZEEEELLL! IZEL!”
“Hmmm…”
“GUMISING KA NA TANGA! NANDITO NA SIYA!” Kinusot niya ang kaniyang mata at dahan-dahang tumayo.
“Ano nanaman—”
PLAANKK!
“SHETE!” Dali dali akong sumiksik sa gilid ni Izel tsaka ginawang pantakip ang kaniyang coat sa mata ko.
“What was that?” aba malay ko. Kaya nga nagpapasama ako sa’yo ‘diba?
Nang tumayo si Izel ay tumayo na rin ako. Nakahawak ako ng mariin sa kaniyang coat sa kaniyang likod. Na pa-paranoid na rin ako dahil baka mamaya nasa likod ko na pala yung multo. O kaya naman baka si Izel na mismo ang multo.
Shetecakes. Sana ‘wag naman.
“Fuck.” Lumuhod siya sa sahig kaya naman binitawan ko na ang coat niya. Nang tignan ko kung ano ang nasa sahig ay dalawang pinggan iyon na basag.
“Sabi ko sa’yo eh!” nanlalamig na ang katawan ko at nanginginig na rin ang kamay at tuhod ko. “Kailangan na nating tumakbo Izel! Ayoko pang mamatay!”
“Don’t worry. Hindi ka mamamatay.” Hidni ko mawari kung seryoso ba siya o nag jo-joke lang siya. “Wait. Something’s there.”
“Huh?! Saan?!” nang sundan ko ang tingin ni Izel ay umako ang tingin ko sa gilid ng ref kung saan may maiit na space sa gilid.
Tumayo na si Izel kaya naharang ang paningin ko. “Stay here—” agad kong hinawakan ang braso niya at umiling-iling.
“Hindi ka ba nanonood ng mga horror movies? ‘yung mga katulad mo ang nauunang namamatay!” he smirked and patted my head.
“It’s fiction Seraiah.” Muli n asana siyang maglalakad palayo ngunit agad ko siyang inila pabalik sa akin.
“Eh paano yung mga true stories? Yung conjuring! Gano’n!”
“I’ll just take a look okay?”
“Basta kapag namatay ka ‘wag mo ‘ko mumultuhin ah.” Nag aalalang sambit ko. Tumawa lang siya at sa pagkakataong ‘to ay hindi ko na siya pinigilan pa.
Habang palapit nang palapit si Izel sa ref ay palakas naman nang palakas ang t***k ng puso ko. Naka cross finger ang daliri ko habang nag darasal.
“I knew it!” saglit akong natigilan. Anong I knew it? Tam aba ang hinala niya na multo ‘yon o… aswang? Omg! Baka tyanak! Shet shet shet!
Dahan-dahang tumayo si Izel habang nakayuko ang ulo at nang humarap siya ay agad na dumapo ang paningin ko sa buhat buhat niya.
Bumagsak ang kamay ko at dahan-dahang nanlaki ang mata ko.
“He’s hungry.” Nakangiting ika ni Izel habang nakatingin sa pusang itim.