SERIAH’S POV
Nasa airport kami ngayon para salubungin si Katrina. Kasama namin ni Izel sina mommy at daddy at syempre pati si Kuro.
“OMG! NANDIYA’N NA SIYA!” Sigaw ni mommy abang may tinuturo. Agad ko namang sinundan ang tinuturo niya at dumapo ang paningin ko sa isang napakagandang babae. Naka suot siya ng silk dress at kitang kita ang kurba ng kaniyang katawan. Para din siyang model dahil sa paraan ng paglakad niya.
Hinawakan ko ang balikat ni Izel at niyugyog yugyog siya. “Ang ganda niyaaa…” namamangha kong sabi.
“Stop it Seraiah.” Naiinis niyang sabi ngunit hindi niya ito pinapahalata. “Stop it.” Nginiwian ko siya at tumigil na sa pagyugyog sa kanya tsaka ibinaling nalang ang atensyon kay Kuro.
“Ang ganda niya noh?” sabi ko kay Kuro habang hinihimas ang kaniyang ulo.
“Tita, tito!” ibinaling ko ang paningin ko kay Katrina na nakikipag beso na kay mommy at daddy. “You didn’t age at all!
“Ikaw talagang bata ka.” Mahinang tinapik ni mommy si Katrina sa balikat at sunod naman niya akong nilingon.
“Heeey! How are you ate?” she walked towards me and hugged me. I also hugged her back.
“I’m fine, you?” kumalas na kami sa pagyayakapan.
“Fine as hell—” natigilan siya nang aksidenteng dumapo ang paningin niya kay Izel. “Is that your husband?” natatawa akong tumango. “He’s so handsome! Omg!” inilahad ni Katrina ang kamay niya kay Izel. “Hi! I’m Katrina Raine C. Cristobal, nice to meet you!”
“Izel Saavedra.” Tinanggap naman ni Izel ang kamay ni Katrina ngunit hindi nagtagal ang pakikipag kamayan nilang dalawa dahil kumalas ni si Izel.
“Anyway, Katrina.” Nilingon namin si Mommy. “Halikana?”
“Sure tita!” naunang naglakad si Mommy at daddy habang si Katrina ay nasa gilid ni Izel na pinapagitnaan naming dalawa.
“How old are you, Izel?” tanong ni Katrina.
“23.” Maikling tugon ni Izel habang nakalingon sa daan. Why so cold, babe?
“So…4 years pala ang age gap natin. Should I call you big bro?”
“Just call me Izel.” Aniya at pumasok na kami sa loob ng van.
“What is your hobby? Mine’s singing.” Napaka friendly naman ni Katrina.
“Nothing.” Napamaang ako sa sagot ni Izel. Bukod sa hindi niya tinitignan ng diretso si Katrina sa mata ay nagsisinungaling pa siya!
“That’s odd. What about your talent?”
“I have none.” Napatakip ako ng bibig ko. Sinungaling talaga!
“Oh… “ sambit ni Katrina tsaka ako sinulyapan. “Do you find ate Seriah gorgeous and sexy?” mahina niyang tanong kay Izel. “I bet there’s a lot more girls that will catch your attention. Seriah’s beauty is common and… boring. Unlike me—” bigla siyang natigilan nang tuluyan na siyang lingunin ni Izel.
“I don’t care. All I know is that I love her.” Mas lalong nanlaki ang mata at bibig ko. That was an unexpected answer!
“O-Oh… y-yeah… I know…” naiilang na sabi ni Katrina at hindi na niya muling tinanong si Izel.
“Are you okay?” naibaling ko ang paningin ko kay Izel.
“Yes, why?”
“Are you sure?” dahan-dahan akong tumango.
Maka ilang saglit ay nakarating na kami sa bahay nila mommy at daddy.
Pag dating naming ay may nakahanda ng pagkain sa lamesa.
“Wow. May fiesta ba?” biro ni Katrina tsaka sunod-sunod na kaming naupo.
“Syempre special ka kaya dapat special din ang araw na ‘to.” Wika ni mommy.
“O gusto mo lang kumain ng marami?” biro ni daddy dahilan para mabatukan siya ni mommy.
Napuno ng tawanan at kuwentuhan ang hapag kainan. Napaka saya ng araw na ‘to.
“You know what? I really admire your strong relationship.” Ika ni Katrina pagkatapos niyang uminom ng tubig. “Imagine? Started from highschool until now, you’re still together! Amazing, right?” napangiti na lamang ako. Paano kaya kapag nalaman niya na wala na kami ni Izel? HAHAHA! “Kadalasan sa mga may relasyong ganiyan, may nag chea-cheat.”
“We never cheat to each other.” Tugon ni Izel habang nakatutok sa kaniyang kinakain.
“We’ll never know… “ hihirit pa sana si Izel ngunit sinipa ko ang paa niya dahilan para mapatingin siya sa akin kaya naman tinignan ko siya na may pagababanta. As in don’t you dare
Pagkatapos naming kumain ay napag pasyahan namin ni Izel na rito muna kami matulog at bukas nalang kami bumalik sa bahay pero mauuna umuwi si Izel dahil half day lang siya ngayong pumasok sa kompanya niya kaya kailangan niyang agahan bukas para matapos yung mga gawaing dapat tapusin.
Isa lang ang guest room ditto sa bahay ni mommy. Sa amin ni Izel ang guest room dahil mas Malaki at yung nagging kuwarto ko naman dti ay pinagamit kay Katrina.
“Anong oras ka aalis bukas?” tanong ko habang nakadapa sa kama at nakapangalumbaba.
Humiga na si Izel habang walang saplot ang pang itaas niyang katawan.
“Hindi ka ba nalalamigan?” sunod kong tanong.
“Mag kukumot naman ako. Komportable lang akong ganito.” Aniya tsaka ginawang unan ang kamay niya.
Gumapang ako palapit sa kaniya at hinawakan ang braso niya. “Bakit ang laki ng braso mo?” bumuntong hininga siya.
“Nag g-gym ako, syempre.” Tila ba mauubos na ang pasensya niya.
“Eh anong oras ka nga aalis bukas?”
“6:00 am.” Aniya at pumikit.
“Ang aga naman…” hindi na siya sumagot. “You know what? Attending to my company is like attending to school.”
“Huh?” iminulat niya ang kanyang mata. “Why?”
“It gives me anxiety.” Bulong ko at humalakhak. Kahit pagod na ay hindi pa rin niya mapigilang matawa. ‘Yun nga lang, mahina.
“Then how do you fight it?”
Nagbikit balikat ako. “Nothing. I just face it and overcome it. Iniisip ko “Matatapos din ‘tong araw na ‘to.” Like that.”
“Mmm…” tumango tango siya. “You know how I face my anxiety?”
“No…?”
“I think of you.” Natigilan ako. Dahan-dahang bumilis ang t***k ng puso ko at… pamilyar ang pakiramdam na ‘yon. “Because your face is funny.” Agad naman akong nakahinga ng maluwag.
“So, tama nga ‘yung sinabi ni Katrina.” Nangunot ang kaniyang noo. “Na hindi ako kasing ganda ng ibang babae at boring ako..” pabulong kong sabi. Habang pahina nang pahina ang boses ko pababa nang pababa rin ang mata ko. Nang mapansin kong awkward na ang sitwasyon ay muli kong iniangat ang aking paningin. “T-Tsk!” lumayo na ako sa kaniya at tumagilid tsaka tinakpan ang katawan ko ng kumot.
“And you believe that?” hindi ko siya pinansin. Tulog na ‘ko, ‘wag mo ‘kong kakausapin! “At least you know the truth, right?” aniya at humalakhak. Sa inis ko ay tumayo ako paalis sa kama at kinuha ang unan ko tsaka pinagpapalo si Izel. “Ouch! Stop! Seraiah!”
“So! Sinasabi mon a panget ako? Gano’n?!” tumigil ako sa paghahampas sa kaniya.
“s**t. Of course not! I was just teasing you!” aniya at tila ba tatawa na.
“As far as I remember, jokes supposed to be funny.” Ika ko sabay irap. Padabog akong humiga sa kama at muling binalot ang aking sarili ng kumot. Maya-maya’y nakaramdam ako ng kaunting galaw ng kamang hinihigaan ko. Biglang bumaba ang kumot na tumatakip sa ulo ko at nakaramdam ako ng presensya sa likod ng ulo ko.
“I’m sorry…” He whispered in my ears. I feel chills down my spine and my chest began to beat faster and faster.
“Shh! I’m sleeping.”
“You’re still talking.” He chuckled, but in a soft voice.
“Yes, because you’re also talking to me.”
“But you said that you’re sleeping?” Oo nga pala. Bahala siya. Hindi ko na lang siya sasagutin para kunwari tulog na ‘ko.