Chapter Eight Pagdating sa resort ay dumiretso na sila kaagad sa isang hotel room malapit sa dalampasigan. “Gusto ko sana magkasama tayo sa isang kwarto pero alam naman nating hindi pwede yon.” Panimula ni JJ habang inaabot ang susi na nakalagay sa key chain na araw ang disenyo tapos ay may mata sa gitna. Kinuha naman niya iyon. “Sana dumating yung time na mangyari yon. Sa ngayon kung may kailangan ka ay nandito lang ako sa kabilang kwarto. Gabi na rin kasi kaya bukas na kita ipapakilala kay Kevin Paul.” He smiled at her. Sparks! Sparks! Sparks! “Thank you. Maiiba ang summer ko ngayon dahil sayo. Masaya naman sa bukid ang summer. Now, I’m going to experience summer at the beach. I’m glad na ikaw ang makakasama ko. Good night.” Hindi niya alam pero parang nahihiya siya rito. Nag-iinit d

