Chapter 3

1977 Words
Chapter Three “A-ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya sa kanyang unexpected visitor.  “Pwede ka ba’ng makausap ng tayong dalawa lang sa labas?” tanong nito. Tanong ni Margarette. Maganda sana ito. Singkit ang mga mata at parang may Chinese blood pero tila suplada at maldita ang mga matang iyon. Hindi niya kasundo ang babae. Hindi niya nga ito kinakausap kapag nagbabakasyon dito sa probinsya. She felt that there’s no need to talk to her. Hindi naman sa iniiwasan niya ito pero hindi lang talaga sila close. Kapag naman nakasalubong niya ito, the fact na nagkasama pa sila sa beauty contest ay puro panlalait at hindi magagandang salita ang lumalabas sa bibig nito. Ano’ng pag-uusapan? Inaanak si Margarette ng ama ni JJ. Mag best frind si Kap at ang ina nito. Hindi talaga ito blood related kay JJ. Basta tuwing bakasyon magmula pa noong mga bata pa sila ay lagi niya itong namamataan sa kanilang barangay. May isang instance nga noong mga bata palang sila na inaway siya nito at pinagbintangan na ninakaw ang manikang laruan nito. Kitang-kita niya na tinangay ng aso ang manika papunta sa kanila pero hindi pa rin ito naniwala at nagsumbong pa. Magmula noon ay alam niyang may something na sa budhi nito na sa paglipas ng mga sumunod na summer ay hindi na nagbago. Lagi siya nitong tinitingnan ng masama. “Huh?” reaksyon niya.  “I really want to talk to you kase eh. This is somewhat important kaya sana pagbigyan mo na ako.” Medyo coño pa itong magsalita. Halos tumabinge na ang mga labi nito dahil sa arteng magsalita. “Ah sige. Kung importante bakit naman hindi.” Napipilitan nyang tugon dito. Importante? Ano’ng bagay ba ang importanteng common sa amin? Isip... isip... parang wala naman. Paglabas niya ay binuksan nito ang dalang folding umbrella. Umaga palang pero mainit na ang araw. Palibhasa ay tag-araw talaga. Mas paiinitin pa nila. Si Margarette pa naman din ang first runner up sa Ms. Teen Luakan. Sinukod siya nito sa payong. Lumabas naman siya kaagad. “Okay lang ako. Sanay ako sa init ng panahon dito sa probinsya.” Nakangiti nyang pagtanggi sa gesture nito. Sanay naman kasi talaga syang kung lalabas at hindi naman kalayuan at magtatagal ay hindi na nagpapayong pa. “Come here na. Hindi lang araw ang mainit ngayon. Pati ulo ko.” Seryoso ang mukha nito. Napatitig nalang sya rito. Mahilig yata itong manuod ng mga drama shows ah? Aba hindi pa naman din sya suki ng mga telenobela. “I was just kidding!” pilit itong ngumiti saka tumawa ng malakas. Matinis pa naman din ang boses nito kaya parang mangkukulam kung makabungisngis. Pinayungan sya muli nito. This time ay hindi na siya nagpapilit pa. Hinayaan niya nalang. Kahit na ang kanang braso nya ay naiinitan pa rin naman ng araw dahil sa halos pinapayunganan nito ang sarili lang. Dinaanan nila ang bahay nila JJ. Papunta ang direksyon nila sa mga kabukiran kung saan sila nagpunta ng lalaki kagabi. Ano’ng meron sa bukid ngayon? Panunuorin ba namin kung paano tumirik ang araw sa katanghaliang tapat? Kailangan talaga ng payong nyan. Masakit yun sa balat. Natatawa nalang siya sa mga ideyang pumapasok sa kanyang isipan. Ganitong hindi niya alam ang mangyayari ay wala syang ibang kakampi kung hindi ang kanyang utak.  Tumigil sila sa dulo ng mga pilapil. “I saw you guys kagabi.” Sinira nito ang katahimikan na nakapaloob sa ilalim ng payong.  “Ha?”  “Nakita ko kayo kagabi ni JJ na nagpunta rito. Naupo kayo dun sa gitna ng mga what do you call that pilapel? Basta there.” Tumuro pa ito. Hinawakan naman nya ang mga braso nito saka ibinaba iyon. “Huwag kang tumuturo. Baka manuno ka.” Bilin nya rito. “What’s nuno?” kunot noong tanong nito. “Ah nuno sa punso. Yung mga engkanto ganyan.” Paliwanag nya. Para syang kumakausap sa bata. “Dah! They are not true.” She flipped he hair with her other hand. “Kindly hold this naman oh.” Saka nito inabot ang payong sa kanya. “I’m so nangangawit na. Hindi ako makakabwelo sa sasabihin ko sayo kapag hawak ko yan. Isa pa it’s bagay sayo holding the umbrella.” Mahina pa itong tumawa. Mangkukulam na tawa. Tapos hindi naniniwala sa mga nuno at engkanto. Kalahi at kaugali naman nya mga yun. Nagiging makasalanan ang isipan niya habang kinukuha ang payong. Hindi siya sanay makipagplastikan pero ngumiti pa rin siya ng pilit. Dahil sa init ng panahon ay lumalabas na ang tunay na ugali nito. Tama ang kanyang hinala hindi magtatagal at lalabas din ang tunay na kulay nito. Ang mga plastic natutunaw sa araw. It’s bad for their health. “Ano ba kasi ang sasabihin mo sa akin?” sya na ang nagtanong dito. “It’s impossible na layuan mo si JJ because magkapitbahay lang kayo. Pero yung offer niya na mag-aral ka sa UST ay tigilan mo. Don’t accept it. Kami lang ang dapat na magkasama sa UST.” Tugon nito while looking straight at her eyes. Ayun naman pala. “Pinag-iisipan ko pa yan at ng pamilya ko.” Mahinahon pa rin nyang tugon dito. “Don’t be a gold digger. Don’t accept it.” Tila nag-init ang tainga niya sa sumunod na sinabi nito.  “Hindi ako gold digger.” She said with dignity.  “Yes you are! Hindi mo alam kung paano makiusap si JJ sa dad niya just to please him sa mga kahilingan nito na ikaw ang beneficiary. May gusto siya sayo and you don’t deserve him. Above all, he don’t deserve you.” Halos tumirik pa ang mga mata nitosa sobrang kaartehan. May isa syang napagtanto. Nauubusan din pala siya ng pasensya. Binitawan niya ang payong. Hinangin iyon papunta sa kabukiran. “Oh no! So hot!” pag-iinarte nito. “Hindi ko alam ang mga sinasabi mo pero hindi ako gold digger.” Paninindigan niya. Hindi siya makasagot sa sinabi nitong may gusto sa kanya si JJ. Pati na rin sa mga ginagawa nito para magkasama sila. May part sa puso nya na natuwa at the same time ay nalito. Nalungkot. When she’s about to turn around she hold her wrist.  “Okay fine! I’m not here to make away. I’m here to have a deal for you!” binawi naman niya ang kanyang pulso.  “Deal? Ano namang deal yan?” she asked. “Patunayan mong hindi ka gold digger. Don’t accept JJ’s offer na mag-study ka sa Manila. Pati na rin ang pagtingin niya sayo, don’t accept it. You can do that by simply pushing me to him. Sa loob ng tatlong linggo ay ilakad mo ako kay JJ. I’ve been going here every summer pero kinakapatid lang ang tingin nya sa akin. Hindi man nga lang niya ako pinapansin. Hindi niya na-aapreciate ang existence ko. Hindi niya makita-kita na gusto ko siya!” pagbubulgar nito.  Halos matulala nalang siya sa mga sinabi nito. Hindi siya gold digger. Ayaw niyang i-take for granted si JJ at ang pagkagusto nito sa kanya kung totoo man. Masaya sana syang malaman na may gusto ito sa kanya pero kung ang pagkagustong iyon ay mukhang aabusuhin niya ay hindi niya iyon gagawin. “Hindi ko tatanggapin ang offer niya about dun sa UST pero ang pagkagusto niya sa akin hindi ko lang alam. Gusto ko rin si JJ.” Siya naman ang nagtapat dito. Wala siyang planong itodo ang pagiging martir. If there was a chance for them then she will grab that chance. Minsan lang ang mga ganyang bagay sa buhay ng isang tao. Papakawalan pa ba niya? “How dare you?!” bulalas nito. Halata sa nagsasalubong nitong mga kilay dahil sa init ng araw at inis sa kanya. Hindi na rin niya makita ang mga mata nito na tila naglluluha na sa init. “I use to join a debate and other academic competition. I know how to win. Ngayon gusto ko naman maranasan kung paano manalo sa buhay pag-ibig.” Saka niya ito tuluyang tinalikuran. “Pagsisisihan mo to!” sigaw pa nito.  Nakangiti siya habang nakayukong lumalakad. “May gusto sa akin si JJ. Nasabi ko ang mga salitang iyon sa babaeng yon. Another achievement yon ah.” Bulong nya sa kanyang sarili.  Bumuntong hininga si Kathleen habang nakatingin sa malaking salamin sa loob ng kanyang kwarto. “Whenever you smile.” Nasambit na naman niya ng pakanta ang linya ng kantang iyon. Nag-aayos siya dahil hinahanap na naman siya ni JJ. Sa pagkakataong ito ay pinapasok na ang lalaki ng kanyang ama. Alam niyang dalaga na siya pero hindi naman siya nag-aayos ng ganito tulad ng dati. Ang mahaba niyang buhok ay pinusod niya. Nagpulbo pa siya ngayon at naglagay ng kaunting lip shiner na binigay sa kanya ng ina ilang buwan na ang nakakalipas pero hindi man lang niya nagamit until now.  Paglapit niya sa pinto ng kanyang kwarto ay huminga na muna siya ng malalim. Nabuksan na niya ng kaunti ang pinto ng marinig nyang nag-uusap ang mga lalaki. Ang kanyang ama, si Joebert at si JJ.  “May gusto ka ba sa ate ko?” tanong ni Joebert. Nagulat siya sa tanong na iyong ng kapatid. Makukutos na naman niya iyon mamaya. “Joebert makapagsalita ka akala mo mas matanda ka na naman.” Pagsuway ng kanyang ama.  “Ah eh...” hindi naman makasagot si JJ. Nakasilip na siya sa maliit na siwang sa pinto. Kinakabahan siya sa isasagot nito. Kinikilig din siya habang pinagmamasdan ang mukha nito. Those eyes. That nose. Those lips. She took a deep breath once more. “Tigilan niyo nga yang si JJ. Heto JJ dito ka na maghapunan ah.” Bigla namang dumating ang kanyang ina na may dalang plato ng pagkain.  “Pambitin naman si Mama.” Bulong niya bago lumabas ng kwarto. Sakto naman sa kanyang paglabas at sa kanya tumapat ang electric fan. Hinahangin tuloy ang nakatali niyang buhok. Sa kanya nakatigin ang lahat habang nakikiupagtitigan siya kay JJ. “Wow! Lakas maka-model ni ate oh!” panunukso ng kapatid. Bigla tuloy syang napayuko. “Kuya ikaw naman na-starstruck ka! Baon na baon na ba ang pana ni kupido ah?” si JJ naman ang pinagdiskitahan ng kapatid niya.  “Joebert kakain na tayo. Umalis ka dyan at pagtabihin mo sina JJ at ang ate mo.” Utos ng kanyang ina sa kapatid. Lumipat naman si Joebert sa kabilang silya na nakapaikot sa round table.  Uupo palang sana siya sa bakanteng upuan na iniwan ng kapatid ng bigla namang tumayo si JJ upang alalayan siya sa pag-upo. Inurong nito ang upuan. Napatingin siya diretso sa mga mata nito. Ang mga nagliliparan sa kanyang tiyan ay muli nyang naramdaman. Usapang puso na naman dahil sa magkaripas ng t***k niyon. Nang masyado ng matagal ang kanilang titigan ay saka siya napalingon sa kanyang mga magulang papunta sa kanyang kapatid. Mariing nakatitig pala ito sa kanila. Nakatulala.  “Ah salamat.” Saka siya dali-daling umupo. “Tara po kain na!” alok niya sa lahat. “Tama! Kakain nga pala tayo! Ayoko ng sweets ngayon Ma mukhang marami na tayo ngayon eh.” Pasaring ni Joebert. Na-gets niya kaagad ang pinapatungkulan ng kapatid.  Matahimik na kumain ang lahat. Hindi naman mapakali ang puso ni Kathleen. Mabuti nalang tiyan ang nabubusog dahil kung puso baka hindi na ito nakakain. Unang natapos si Joebert sa pagkain. “I’m done! Sobrang tahimik at kilig n gating dinner ngayon ah.” Napatingin na naman siya sa kapatid. Tapos na rin siyang kumain. Nabaling niya rin tuloy ang atensyon kay JJ. Nakatitig na ito sa kanya. Walang kawala ang kanyang mga mata sa mga mata nito. Kakakain lang pero halos manghina na ang kanyang tuhod. Ito ang unang pagkakataon na nakasama niya sa isang hapag ang lalaki. Noted ang araw na ito kung kalian naganap ang best dinner ever niya. Another notable gesture from him in her best dinner was when he suddenly placed his hand on her left cheek. Anlambot ng kamay. Marahan pa nyang sinundan ng tingin ang kamay nito hanggang sa pagdapo niyon sa kanyang pisngi. “May kanin ka pa kasi eh.” Saka nito inalis ang kamay. “Ah sorry.” Nakaramdam siya ng pinaghalong hiya at kilig.  “Ate namumula ka. Kunyari maamos kang kumain eh no para gawin yun ni kuya JJ.” Panunukso na naman ng kapatid nya. “Jo-joebert... kanina ka pa ah.” Hindi na siya nakuntento sa pagtitig lang sa kapatid. Sinuway na niya ito. Pero mas hindi niya kinaya ang biglaang tanong ng kanyang ama. May pinagmanahan nga ang kanyang nakababatang kapatid. “Nililigawan mo ba ang anak ko, JJ?” She turned her head to her father bago titigan si JJ. Si JJ na namumutla naman. Nililigawan mo ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD