Chapter Four
Hindi kaagad nakasagot si JJ sa tanong ng kanyang ama. Kahit sa Kathleen ay inaabangan talaga ang tugon nito. Kaso lang parang tumitindi ang pamumutla nito. Napansin din niya ang biglaang panunuyo ng mga labi nito. She even saw him swallowed. Swallowed dry.
“Ah Pa! Tapos na po ang dinner. Mag-usap na po kami ni JJ sa labas.” She interrupted the awkwardness of the atmosphere at the round table. “Tara na J.” anyaya niya rito. Tumayo na siya kaagad. Para namang tuod na sumunod sa kanya ang lalaki.
Paglabas ng bahay ay wala na namang nagsasalita. Pareho silang hindi pa rin maka-get over sa dinner na iyon. Madilim na. Nasa ilalim na naman sila ng poste kung saan may ilaw na nagbibigay liwanag sa kanila.
“Magandang gabi Kath. Magandang gabi JJ.” Ilang kabarangay pa nila ang dumaan at bumati sila. Mamaya lang ay mauubos na ang mga tao sa labas. Lahat ay nasa loob na ng kani-kanilang mga bahay.
“Magandang gabi rin po.” Tumugon naman siya.
Makalipas ang ilang minuto ay wala na ngang taong dumaan.
“Sorry nga…”
“Ang pakay…”
Sabay nilang binasag ang katahimikan. Sabay din nilang hindi itinuloy ang mga sasabihin.
“Sige ikaw na ang mauna.” Pagpapaubaya ni JJ.
“Ah sorry kanina kila Papa at kay Joebert ah. Huwag mo nalang intindihin yung mga sinabi at tinanong nila. Sana nag-enjoy ka sa dinner.” Hindi sya makatingin ng diretso sa mga mata nito.
“Yun ba, ayos lang yon.” Napakamot pa ito sa ulo. “Nag-enjoy ako sa dinner. Soooobrang sarap ng kare-kare ng Mama mo.” May pagpikit at full emotion pa ito sa paglalarawan ng kare-kare ng ina.
That was the time na naging comfortable na uli ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa.
“Pano nga uli?”natatawang tanong niya.
“Isang beses lang yun pwede kaya dapat tinandaan mo na.” malawak na rin ang ngiti sa mga labi nito. Mas gwapo siya kapag nakangiti.
“Bakit ka nga pala nabisita uli?”
“Gusto kong malaman yung desisyon mo. Yung desisyon niyo.” Naalala niyang kailangan na nga pala niyang magdesisyon tungkol sa alok nito. Ang totoo ay nakapag-usap na silang pamilya. Meron na talaga siyang pasya. Kasama rin sa konsiderasyon sa kanyang desisyon ang mga sinabi ni Margarette sa kanya kaninang umaga.
Kumuha muna siya ng bwelo sa pamamagitang ng isang buntong hininga. “Dito pa rin ako mag-aaral sa Bataan. Magaling din naman ang state university dito sa probinsya natin. Sobrang na-appreciate ko ang pagmamagandang loob mo JJ pero yon ang desisyon namin ng pamilya ko.” Pagtatapat niya.
She saw the sudden transformation of his face. Lumungkot iyon. Nadismaya. “Doon ka nalang din.” He suddenly grabbed her hands. Nabigla siya. Napakahigpit ng pagkakahawak nito sa kanyang mga kamay. Sana lang ay mahigpit din ang pagkakakapit ng kanyang puso sa kanyang dibdib dahil umiiba na naman ang t***k nito. Ayaw na ring kumawala pa ng mga kamay niya sa mga kamay nito.
“Pero JJ.” Parang sa sandaling ito ay madali siyang maeenganyo ng lalaki na pumayag sa kagustuhan nito. Tila ba hawak na rin nito ang puso niya. Ang magiging pasya niya.
“Sana makita mo kung bakit ko ito ginagawa.” Sambit nito sa mababang tono. Hindi maayos na nagpa-function ngayon ang senses niya. Gusto rin naman niyang makita. Gusto nga rin niyang marinig kung bakit nito ginagawa ang lahat ng ito.
“Bakit nga ba?” kaya naman minabuti nalang niyang tanungin ito.
Bumuntong hininga naman ito. Mas humigpit din ang pagkakahawak sa kanyang mga kamay. “Look Kath. May…”
“Good evening guys!” bigla namang sumulpot sa likod ng poste si Margarette. Dali-daling naghiwalay ang kanilang mga kamay. “What are guys doing here? Gabi na. JJ pinapatawag ka na ng daddy mo. Siguro naman nasabi mo na ang dapat mong sabihin kay Kathleen. Halika na dahil gabi na. It’s not good kaya na kayong dalawa lang here sa labas. Baka kung ano pang isipin sa inyo ng mga tao. Right?” pagpapatuloy nito.
“Actually hindi pa ako tapos sa sasabihin ko kay Kath eh. Mabuti pa mauna ka na Marg. Susunod nalang ako.” tugon naman nito kay Margarette.
“No!” nagkatinginan sila ni JJ sa pagtataas ng boses ng babae. “I mean gabi na kasi. Babae ka Kath. Napakaganda pa naman din ng pagtingin sayo ng mga tao rito. I know that ypu know what I mean. Right?” bigla na naman nitong pinalambing ang tinig.
Naiinis man siya sa ginagawa nitong paninira ng moment nila ni JJ ay minabuti niayng pagbigyan nalang ito. Halata namang gagawin ng babae ang lahat para lang hindi matuloy ang pag-uusap nila ni JJ. Marami pa namang next time.
“Sige JJ. Bukas nalang siguro. Umuwi na kayo.”
“Gusto ko pang malaman mo na…”
“Umalis ka na kasi Kathleen.” Hindi na naman pinatapos ni Margarette ang sasabihin nito.
Minabuti nalang nyang umalis. Ayaw niya ng gulo kahit na gusto nyang marinig ang sasabihin ni JJ.
Gusto kita Kath. Mahal na nga yata kita. Noon pa. Education first sabi ni Dad kaya sinunod ko siya. Ngayong magkaibigan na tayo. Ayoko nang malayo pa sayo. Gusto kitang makasama. Gusto kitang ligawan. First time ko itong gagawin kaya sana makita mo ang effort ko kahit na medyo mabagal ako sa pagdiskarte. Nakakabigla ang tanong ng Papa mo. Iyon naman talaga ang gagawin ko pero nakakaurong pala ng dila kapag nandun ka na. He’s your father kaya may pressure talaga. Natapos ng i-compose ni JJ sa kanyang isipan ang mga sasabihin para kay Kathleen. Masama talaga ang loob niyang palampasin pa ang gabing ito upang makapagtapat sa babaeng matagal na niyang sinisinta ang matagal na niyang itinatagong pagsinta.
Pagpasok na pagpasok sa loob ng kanilang bahay ay agad niyang kinompronta si Margarette sa pinakamaayos na paraan na pwede niya itong kausapin.
“Marg naman. Bakit mo naman sinira yung diskarte ko? This is my first time to court. Puro ako aral. Wala akong alam sa ganito pero ginagawa ko ang lahat para maging perfect ang lahat para kay Kath.” Pagsisimula niya.
“Puro ka nalang Kath! Hindi pa ba obvious huh JJ?!” pero tila ayaw nito ng maayos na usapan. Tumaas kaagad ang matinis na boses nito.
“Ano’ng obvious?” tanong niya.
“May gusto ako sayo JJ! Ako lang ang dapat mong magustuhan at hindi ang babaeng yon!” pagbubunyag nito sa feelings para sa kanya.
“What?” hindi niya alam ang isasagot dito. Baka nagkamali lang siya ng dinig.
“I love you! Bata palang tayo ikaw na ang gusto ko! Pero simula ng maging mag-classmate kayo ng babaeng yon hindi mo na ako pinapansin! Tayo ang bagay JJ. Try to think of it!” hindi nga siya nagkamali ng dinig.
Bigla namang dumating mula sa kusina ang ama niya. “Ano ba’ng nangyayari dito ha?”
“Tanungin niyo po dad kung paano sinira ni Marg ang pagporma ko kay Kath. Alam niyo naman pong ang pinakaimportante sa akin ngayon ay ang makasama sana si Kath sa Manila di ba?” tugon niya sa ama.
“Ninong! Bakit niyo kasi pinapayagan yang si JJ sa kahibangan niya? He’s crazy falling in love with that girl! Hindi naman dapat dahil ako ang bagay sa kanya.” Saad nito.
Natawa namang bigla ang kanyang ama. Napatingin silang pareho rito.
“Hindi ko alam na may gusto ka pala sa anak ko Margarette. Matutuwa ang mommy mo kapag nalaman yan. Talagang kayong mga kabataan, oo.” Lumapit ang ama sa kanila. Hinawakan pa nito ang pisngi nito. “Ang inaanak ko talaga.”
“So ninong sa tingin niyo po ay simpleng issues lang namin itong mga kabataan. Well, you’re wrong! Akin lang po dapat si JJ. As your inaanak dapat sa akin kayo kumampi. Akin siya!” kitang kita niya ang gulat sa natahimik na ama. Kahit siya ay nabigla sa inaasta ni Margarette. Nanlalaki talaga ang mga mata nito. Nanggigigil.
“Ma-margarette…” halos hindi pa rin makaimik ang ama sa kinikilos ng kinakapatid niya. “Sorry pero dati pa’ng may gusto si JJ kay Kathleen. Patay na patay itong unico hijo ko kay Kathleen. Kaso lang ang sabi ko sa kanya ay unahin na muna niya ang pag-aaral. Ngayong nakatapos na siya ng high school ayoko namang kuhanin sa kanya yung pakiramdam kung paano manligaw at manuyo ng isang babae. I know na mahal ng anak ko si Kathleen. Mabait at matalinong bata naman si Kath kaya gusto ko rin siya para sa anak ko.”
“So ninong pano naman ako? I’m your inaanak eh.” biglang pumatak ang luha sa mga mata nito. Sinumulan din nitong masaihin ang ulo.
“Ayokong maging bias Margarette. Public servant ako. Alam kong makakahanap ka rin ng lalaking para sayo. Masyado pa kayong mga bata.” Tinangkang itong hawakan ng kanyang ama pero umiwas ito. Patuloy lang ito sa pagmasahe sa ulo nito. Gulu-gulo na ang buhok nito.
“Masyado palang bata bakit yang anak mo hinahayaan mo lang sa babaeng yon. Pwede pa namang makahanap ng iba si JJ ah! Baka nga ako yon eh!” hindi ito nauubusan ng isasagot.
“Hindi mo alam kung gaano kamahal ng kinakapatid mo si Kathleen.” Napayuko nalang siya sa sinabi ng ama. Hindi siya makasabat sa palitan ng pahayag ng dalawa.
“Alam ko po ninong.”
“Alam mo naman pala eh.”
“Kaya alam kong hindi deserve ni JJ ang babaeng iyon!” muling tumaas ang boses nito. “She’s not the kind giril na kilala niyo! Masama siya! Pinagbantaan niya ako na huwag akong makikialam sa kanila ni JJ! Kaya ako nagkakaganito ninong!” isa namang rebelasyon mula rito.
“Ano?” labis ang pagtataka ng kanyang ama.
Hindi na siya nakatiis. Kailangan na niyang magsalita para kay Kathleen. “That’s not true! Hindi ganyan si Kath. Huwag ka namang gumawa ng kwento Marg oh.”
“Alam ko namang hindi niyo ako paniniwalaan eh. Basta ninong kapag may ginawa sa aking masama ang babaeng yun please choose me over her. Excuse me. Masakit po ang ulo ko.” Saka na ito umakyat papunta sa kwartong tinutuluyan nito sa kanila.
“Dad. Tsk!” hindi siya makapaniwala sa mga ginawa at sinabi ni Margarette. Magmula ng magbinata siya ay hindi na siya nag-eenjoy sa pagpunta nito sa kanila. Parati siya nitong pinakikialaman. Ito ang pinakamatinding panghihimasok nito sa buhay niya.
“Puppy love ang tawag dun kay Margarette. Huwag kang mag-alala. Alam kong first true love mo si Kathleen.” Nakangiting sambit ng ama niya. Nakipag high five pa ito. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam niya.
Bukas sisiguraduhin niyang magtatapat na siya kay Kathleen.