Chapter 5

2125 Words
Chapter Five Pasado alas sais palang ng umaga ng gisingin si Kathleen ng kanyang ina. May bisita raw siya. Isang tao lang ang alam niyang gusto siyang makausap ngayon. Isang taong tila nabitin kagabi. Si JJ. “Huwag kang masyadong obvious na nabitin ka rin sa ipagtatapat niya Kathleen ah. Relax ka lang.” kinakausap na naman niya ang sarili sa harap ng salamin. She took a deep breath. She gave one last smile and winked at the mirror.  Paglabas ng kanyang kwarto ay mabilis nyang tinungo ang main door ng kanilang bahay. Nag-uumapaw na naman ang excitement na kanyang nadarama. Naubos nga lang ang excitement na iyon sa nakita nyang bisita niya nang mabuksan niya ang pinto. “Ano na namang kailangan mo?” naging seryoso an rin ang kanyang boses pati ang hilatsa ng kanyang mukha. Si Margarette na naman. “Sorry of masyado akong napaaga this time.” Bungad nito habang nakangisi. “Napansin ko nga umaga ang schedule mo habang si JJ hapon naman. What this time Margarette? Wala akong planong magkaroon ng kaaway. Pinagbigyan na kita kagabi. Pero tulad ng una kong sinabi sayo, may gusto rin ako kay JJ. Kung magtatapat siya sa akin hindi mo yun mapipigilan. Darating tayo sa pint na yon.” Hindi na naman siya nagpatumpik-tumpik pa rito. “Nandito ako para mag-sorry talaga Kathleen. I’m really sorry. Halika sa bukid. Gusto kong manumpa sayo na hindi ko na kayo papakialam ni JJ.” Tila nanibago siya sa tono nito. Pero sino ba naman siya para hindi ito patawarin. Hindi naman ganon kalaki ang kasalanan nito sa kanya.  “Okay na. Hindi naman ako mahirap kausap. Salamat na rin.” She gave her a sweet smile that she used to give to everyone in their barangay. “No, I insist kailangan kong manumpa sayo. Kailangang maging saksi ang araw na hindi na ko na kayo guguluhin at pipigilan ni JJ. Halika na Kathleen. Doon lang naman tayo sa pilapil. Panuorin natin sunrise. Please.” Her tone was lowered. She wasn’t the typical Margarette. Mas nakakatakot ang mga ganitong pagkilos. Pero napagtanto niyang hindi naman siya nito maaano sa bukirin.  “Kung bukal sa loob mo ang paghingi ng tawad hindi na kailangan ng mga panunumpa na yan. Pero alam mo ba gustong-gusto ni JJ ang sunset. Tara tingnan naman natin ang sunrise. Para raw kasing mata ang araw ang sabi niya. Kaya naman tingnan natin kung paano magmulat araw kapag umaga. Isama natin si JJ?” pagsang-ayon niya rito na may halong pananabik. “Wag na. Simula rin ito ng pagkakaibigan natin. Hayaan mong sa atin nalang to.” Natuwa naman siya sa narinig mula rito. Gusto rin naman pala siya nitong maging kaibigan. She thought she was sincere. Wala kasing halong pag-iinarte ng sabihin nito ang mga katagang iyon. For another moment ay muli niya itong tinugunan ng isang matamis na ngiti. Sabay silang lumakad papunta sa bukid. Binagtas din nila ang pilapil. Nang malapit na sa gitna ay napansin niyang halos mawalan na ng balanse si Margarette.  “Oh!” pag-alalay niya rito ng halos mahulog na ito. “Salamat.” Sambit nito. “Mabuti pa kaya sa baba nalang tayo dumaan. Tuyo naman ang bukid at walang tanim.” Alok niya rito. Hindi naman ito sumagot pero sinunod pa rin ang kanyang suhestyon. Dumaan sila sa ibaba nalang ng pilapil hanggang sa marating nila ang gitnang bahagi. She hurriedly looked at the rising sun. It has the same beauty like the sunset. The light was spreading all over. Amazing. Beautiful. “Masaya ako dahil sa isang bagong araw na ito ay nagkaayos na rin tayo. Napakaganda ng sunrise hindi ba?” she was enjoying the scenery habang sinasabi iyon. Pirmeng sa sumisikat na araw lang siya nakatitig kahit na halos mawala na ang kanyang mga mata dahil sa direktang epekto nito. “Dapat lang na magbago ang lahat sa araw na ito. Dito ko nga kayo nakita ni JJ na masaya. Pilit ko kayong inaaninag noong isang gabi. Parang tuwang-tuwa siya na kasama ka. I felt so inggit. I wish na sana ako nalang ang minahal niya. Ibang klase pa naman siyang magmahal. Bigay todo.” Nawala ang atensyon niya sa araw dahil sa melodramatic lines nito. Akala niya ba ay okay na ang lahat? “Ano ka ba naman…” nanlaki ang kanyang mga mata ng lingunin ito. May hawak ito na dahon ng alasas. Isa itong uri ng halaman na kalimitang tumutubo sa mga kalupaan sa probinsya. Ginagamit ang mga dahon ng halamang ito upang pamalit sa eskoba na ginagamit na panglinis sa mga mauuling na kaldero. “Bakit may dala ka niyan?” she curiously asked her. “Marami kasi nito sa likod bahay nila JJ. Ito nalang din ang naisip kong paraan para magtugma ang lahat sa mga pinaplano ko. It’s very exciting Kathleen. It’s about time para masira ka sa lahat ng tagarito. Ikaw na maganda, mabait at matalino. Alam mo ako rin dapat ang nanalo dun sa beauty contest eh kaso ikaw purong tagarito. Kaya dapat ako ang manalo sa puso ni JJ. I will not let you win this time.” Umiinit na ang sinag ng araw. Nagsalubong ang kanyang mga kilay sa tinuran nito. Wala talaga itong planong makipag-ayos sa kanya. Tila may masama pa itong binabalak. “Simulan na natin to.” Sambit nito na tila hudyat sa mangyayaring delubyo. Walang anu-ano ay walang habas nitong kinuskos ang sariling mga mata ng hawak na mga dahon ng alasas. Madiin. Mabilis. Halos mapanganga at tuluyan pa siyang napaluwa ng makitang dumudugo na ang mga mata nito. Nang mahimasmasan ay bigla niya itong pinigilan. Hinawakan niya ang magkabilang kamay nito. “Tigilan mo yan Margarette! Ano ba’ng pinaggagagawa mo?!” nanginginig na rin ang kanyang boses. Kinakabahan siya sa pinaggagagawa nito. Hindi ito biro. “Ahhhh! Tulungan niyo ako! Tama na Kathleen! Kathleen tama na! Maawa ka sa akin! Parang awa mo na! Tigilan mo na!” napatayo nalang siya. Natuod. Natulala sa bigla nitong ginawang pag-eeskandalo. It was a complete frame up. Walang tao sa bukid dahil wala namang tanim ang mga ito ngayon. Pero sa lakas ng sigaw nito ay siguradong makukuha nito ang atensyon ng lahat sa malapit na mga kabahayan kasama na ang sa kanila at kila JJ. “Ma-margarette wa-wala akong ginagawa sayo.” Natatakot na siya. Narinig niya ang mga paparating na tao. Lumalagaslas ang bawat hakbang ng mga ito. “Ano’ng nangyayari rito?!” tanong ng kapitan. Ang ama pa ni JJ ang unang lumapit at tiningnan ang lagay nito. Lahat ng taong nakikiusyoso ang gulat na gulat. Duguan ang mukha ni Margarette. Nagmumula sa mga mata nito ang dugo. Para itong lumuluha ng sariwang dugo. “Ninong! Ninong wala akong makita! Bring me to the hospital ni Manila please! Natatakot na ako rito! I just want to make peace with here pero ito ang ginawa niya! Sila lang daw dapat ni JJ ang makakita ng ganda ng araw! Ninong! Ninong help me!” pagsisinungaling nito. Her right hand was shaking as she placed it on her mouth. “Wa-wala akong ginawa sa-sayo.” Narinig niya ang mapanghusgang komento ng kanyang mga kabarangay. Dalawang kamay na niya ang nilagay niya sa kanyang bibig. Hindi naman nagsalita ang kapitan. Dali-daling itong binuhat ni kap. “JJ! JJ sumama ka sa amin! Pupunta tayo sa pinakamalapit na ospital para bigyan ng paunang lunas si kinakapatoid mo tapos ay pupunta tayo sa Maynila.” Doon niya napagtantong nandoon lang din si JJ. Tuliro nyang ginala ang kanyang paningin sa paligid. Hinanap ang lalaki. She wanted to explain her side. Hanggang sa matagpuan niya rin ang lalaki sa lupon ng mga tao. Nakatitig sa kanya. Umiling-iling ito bago tumalikod upang sundan ang ama. “Don’t judge me.” Iyon ang mahina nyang naibulong sa kanyang sarili bago natagpuan ang sarili sa bisig ng kanyang mga magulang. Doon niya tuluyang inilabas lahat ng sakit at takot. Nanghihina siya. She was so helpless. She felt betrayed. She felt everyone was against her. Sa pagluha nalang nya kayang ilabas ang lahat. “Anak kahit na ano’ng mangyari sayo kami maniniwala. Kumain ka na please.” Isang araw na ang lumipas. Nagkukulong pa rin sa kwarto niya si Kathleen. Kahit ano’ng pangungumbinse ng mga magulang ay walang makapagpalabas sa kanya sa loob ng silid.  Nang halos maubos na ang luha na pwedeng iluha ng kanyang mga mata ay lumapit siya sa likod ng pinto. Alam niyang sa kabila noon ay naroon lang ang kanyang pamilya. “Ma, Pa, Joebert.” Saka na naman pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Doon sa likod ng pinto ay napaupo nalang siya. Kasama na ang gutom at puyat sa nararamdaman niyang paghihirap ngayon. “Oo anak nandito lang kami!” narinig niya ang nangangatal na tinig ng ina. Matatalos sa boses nito ang pag-aalala sa kanyang lagay. “Ma, hindi ko hinawakan yung dahon. Kahit imbestigahan nila yon. Nagulat nalang din po ako sa ginawa niya. Wala akong ginawang masama. Maniwala po kayo sa akin.” Nanghihinang paliwanag niya sa mga ito. Kagabi pa niya iyon iniisip. Umaga na uli ngayon. Masyado na siyang na-trauma sa nangyari. “Anak alam namin yon! Hindi ka namin pagbibintangan at huhusgahan. Alam naming hindi mo iyon magagawa. Kathleen mabuti pa lumabas ka na dyan. Kumain ka na anak. Nag-aalala na kami sayo.” Naging garalgal na rin ang boses ng kanyang ina. Alam niyang lumuluha na rin ito. Gusto niyng mayakap ang mga ito. Pinilit nyang tumayo saka binuksan ang pinto. Dali-dali siyang niyakap ng ina. Nakisalo naman ang kanyang ama at ang kanyang kapatid. Akala niya wala na siyang mailuluha pero doon siya nagkamali. Nakaramdam siya ng tunay na pagmamahal sa mga ito. Wala ngang panghuhusga. “Ate humanda sa akin ang babaeng yon. Hind siya yung tipong dapat mahalin. Ipagtatanggol naman kita sa mga magdya-judge sayo. Magiging attorney mo ako!” nabigla naman siya sa matigas na ulong kapatid ng bigla itong lumuha sa harap nya. Very unusual. She hugged him tightly as a response. Kahit ganito ang kapatid niya ay mahal na mahal niya ito at ngayon alam niyang mahal na mahal din siya nito. “Salamat po sa inyo. Salamat po.” Bigla nalang iyong lumabas sa kanyang mga labi. Hindi niya alam kung paano pasasalamatan ang mga ito sa sandaling ito kung kailan niya sila higit na kailangan. “Hindi mo kailangang magpasalamat anak. Pamilya tayo. Isa pa nasa tama ka.” Tugon naman ng kanyang ama. “Pamilya nga po tayo. Pero paano na yung hindi natin kapamilya. Paano na si…” hindi niya naituloy ang sasabihin. Bumalik sa kanyang gunit ang huling imahen ni JJ. Ang pag-iling nito at tila dismayadong mukha. She disappointed him. Hindi pa nga tuluyang nagsisimula ang kanilang love story ay tila nasira na iyon at naging isang malagim na tragic story. “Si kuya JJ ba ate?” sabay-sabay silang napatingin kay Joebert. “Kung mahal ka niya talaga ate babalik siya rito at pakikinggan ka niya. Sayo din dapat siya maniwala.” For a fourteen year old young man ay nasabi na iyon ng kanyang kapatid. Napangiti nalang siya ng pilit. Umaasa siyang sana ay magbalik na nga ito.  Muling nagyakap ang buong pamilya hanggang sa isang katok mula sa kanilang pintuan ang nagpahiwalay sa kanila. “Kap! Nagbalik na ho kayo!” bulalas ng kanyang ama. Agad naman silang lumapit sa pinto upang makita ang ama ni JJ. Halos tanawin na rin niya ang labas upang silipin kung kasama nito ang anak. “Gusto ko lang hong ipaalam sa inyo na ooperahan sa mata si Margarette. Mukhang may tsansa pa rin naman itong makakita. Wag kayong mag-alala dahil hindi naman sila magsasampa ng kahit na anong asunto. Ipanalangin nalang po natin na maging matagumpay ang operasyon.” Pagtatapat nito. “Kap una sa lahat ay wala pong kasalanan ang anak ko. Wala siyang ginawang masama para sampahan siya ng asunto. Kung maaari nga gusto pa naming makausap ang inaanak niyo sa kabaliwang ginawa niya sa sarili niya. Gusto ko ring malamang ang problema niya at kung ano ba ang pinagdadaanan niya para gawin niya yon sa sarili niya.” Emosyonal na sumagot ang kanyanng ina. Her father caressed the shoulders of her mother. Pumatak na naman tuloy ang luha sa kanyang mga mata. Nasaksihan niya kung paano siya kayang ipatanggol ng mga ito. “Mukhang hindi na po siya babalik dito.” Tugon naman ng kapitan. “Mabuti naman. Pero sana lang malinis ang pangalan ng anak ko. Gumawa naman kayo ng paraan kap.” Pakiusap pa ng kanyang ina. “I have done everything for your daughter in the name of my son. Tama na po iyon. Makakalimutan din ng mga tao ang nangyari.” Hindi niya nagustuhan ang narinig mula sa ginagalang nilang kapitan. Tila ang kanyang pamilya ay hindi rin iyon nagustuhan. “Kailan ka pa naging ganyan kap?” matapang na tanong ng ina. “Mauna na po ako.” ngunit pinili nitong hindi na pahabain pa ang komprontasyon. “Kap si JJ po!” bago pa ito tuluyang tumalikod ay hindi na niya naiwasang itanong kung nasaan ang lalaking sinisinta. “He will stay there for good.” Saka ito tuluyang lumisan. Ang kanyang puso ay tuluyang nabasag. The love story she dreamt suddenly became ashes. She then realized na mas magaling pa rin ang utak. Alam nito ang kapasidad ng isang tao. Kayang tantsahin kung kayang pagwagian ang isang laban. Samantalang ang puso kapag pumasok sa isang laban at natalo. Maaaring mabasag at masira. Masaktan at hindi na matutong makipaglaban pa sa kung tawagin ay pag-ibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD