Chapter Six Limang taon ang mabilis na lumipas. Nakapagtapos na si Kathleen ng kolehiyo. Nakakuha na rin siya ng licensure examination for teachers at dahil sa likas sa kanya ang katalinuhan kaya naman nakapasa siya. Kinuha siya kaagad ng dating alma mater noong high school pa siya upang maging guro doon. Hindi naman siya tumanggi. Pinilit nyang kalimutan ang mapait na nakaraan. Wala namang harapang nanghusga sa kanya sa diumano’y ginawa niya kay Margarette ngunit pakiramdam niya ay hinuhusgahan siya ng mga tao sa tuwing tinitingnan siya. Naglaho rin naman ang kanyang kapraningan sa mga nagdaang taon. Pinatunayan nya sa lahat na siya pa rin ang Kathleen na hindi lang matalino at maganda kundi may mabuting kalooban din. Iyon nga lang hindi na tuluyang nagbigyan ng liwanag ang nangyari no

